"Salamat saan?"

"Dahil pinaramdam mo sakin na may halaga ako at mahalaga ako sayo." Hinalikan niya ulit ang binata, sa pagkakataong 'yon ay sa baba na. "Maraming-maraming salamat, Tesoro."

Havoc kissed her on the forehead and embrace her tightly. Hindi siya nito pinakawalan hanggang sa nakatulog siya sa mga bisig nito.

Napakurap-kurap si Inna sa ala-ala nila ni Havoc dalawang taon na ang nakakaraan. Hindi niya mapigilang mapatitig sa binatang nakaharap sa life-size na salamin at binu-butones ang polo nito.

Umalis siya ng kama at nilapitan ang binata saka niyakap ito sa beywang mula sa likuran at hinalik-halikan ang batok nito.

"Tesoro..."

Tumigil ito sa pag-butones ng polo saka nilingon siya. "Hmm?"

Umiling siya saka humigpit ang yakap dito. "Wala lang, gusto ko lang na yakapin ka."

"Hmm...naglalambing ang Inna ko." Humarap ito sa kaniya saka niyakap din siya. "May gusto ka bang gawin ngayong araw maliban sa pagsama sakin sa pupuntahan natin?"

Kunot ang nuong umiling siya. "Wala naman... saan mo ba kasi ako dadalhin?"

Ngumiti lang ang binata saka bumalik sa pagbu-butones ng polo nito.

Naiiling na pumunta siya sa harapan nito at siya na ang nagbutones sa natitirang bukas pa saka inayos ang kuwelyo ng polo nito at tinupi ang manggas niyon hanggang siko.

"Hayan...pogi na ang tesoro ko."

Malapad ang ngiting gumuhit sa mga labi nito. "Matagal na akong pogi, Inna. Noon pa."

Naiiling na inirapan niya ito saka ginawaran ng mabilis na halik sa mga labi. "Alam ko 'yon, matagal na."

Nangingiting niyakap siya nito saka hinalikan sa nuo. "Okay na? Puwede na tayong umalis?

Kumawala siya sa yakap nito at humakbang ng dalawang beses paatras saka umikot para ipakita rito ang suot niyang damit. "Maganda na ba?"

Tumiim ang titig sa kaniya ni Havoc. "Very pretty."

Naiiling na natawa nalang siya saka nilapitan ang binata ang pinagsiklop ang kamay nilang dalawa saka natatawang hinila ito patungong elevator.

Kaagad na yumakap si Havoc sa kaniya ng makasakay sila. Nang makarating naman sila sa baba at nakalabas, inakbayan siya nito at iginiya patungong parking lot at pinasakay sa kotse nito.

He even put her seatbelt on.

Napangiti nalang siya saka pinagmasdan ang binata habang nagmamaneho ito.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Kapagkuwan ay tanong niya sa binata.

"Surprise."

She pouted. "Just tell me...please?" She showed him her puppy dog face. "Please? Pretty please?"

"Nope." Havoc grinned. "That's not working this time."

Napasimangot siya. "Ang sama mo."

Tumawa lang si Havoc saka pinanggigilan ang pisngi niya.

Mas lalo namang humaba ang nguso niya saka hindi ito kinausap. Tatawa-tawa lang si Havoc ng mapansin ang pananahimik niya.

And he didn't even bother to make her feel okay.

Hanggang sa tumigil ang sasakyan nito sa harap ng isang private beach.

She frowned but didn't say a thing. Hinayaan niya lang si Havoc na pagbuksan siya ng pinto at inalalayan pababa saka iginiya palapit sa mataas na malapad na gate na siyang nakaharang para tuluyan silang makalapit sa dalampasigan.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Where stories live. Discover now