>Karrisza's POV<



"Waaaaah napakaduga mo talaga Xandra! Wag ganyan!!"

 "Hahaha! Ano ka ba, magshoot ka nalang ng magshoot!"

"Pano ko magshushoot eh kinukuha mo mga bola ko?!"

Ang baliw nya talaga! >_< Tatlong bola nalang yung natira sa akin dahil kinuha niya yung dalawa. Tapos siya, pito! Kadugaan!

Pero nakakainis naman eh. Asan na nagpunta si Xander? Di siya naglaro eh. Siguro nafeel niya na boring ako kasama. Haaay. Lagi namang ganun eh.

Alam niyo ba, crush ko si Xander simula nung naging friends kami ni Xandra. Eh kasi lagi niya sa aking kinukwento yung kuya niya. Naghahanap daw kasi siya dati ng pang'front' para dun sa girl na humahabol sa kanya. Baliw ni Xandra no? Syempre di ko nalang pinansin yung mga pinagsasabi ni Xandra, pero ang totoo, simula nung gabing yun eh di na naalis sa isip ko yung pangalan ng kuya niya. 

Then nagugulat nalang ako sa sarili ko dahil tuwing babanggitin ni Xandra yung kuya niya eh parang babaligtad yung sikmura ko. Napapangiti ako kapag nagkukwento si Xandra about sa pag-aaway nila, stuffs like that. Nakakainis nga dahil inaasar na ako ni Xandra sa campus na hindi ko pa nga daw nakikita yung kuya niya eh in love na ako agad >_<

And then one day, kumain ako sa McDo without realizing na siya na pala yun. Nakasama ko sa isang table si Xander. Kung hindi ko pa tinawagan si Xandra eh hindi ko pa malalaman. Sobrang gwapo niya at naattract talaga ako sa itsura niya. Pero napakabaliw talaga ni Xandra dahil binuking niya ako!! Imagine?! Sinabi niya sa kuya niya na crush ko siya!! OH MY GOSH LANG TALAGA! Halos gusto ko nalang lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan!!

Pero mas lalo pa akong nagulat nung mga sumunod na araw. Meron kasing nagtext ng "Hi." Syempre nashock ako dahil wala naman akong katext masyado. Si Xandra at yung blockmates ko lang kasi ang nakakaalam ng number ko. Eh eto namang si ako, nacurious kung sino kaya nireplyan ko. And it turned out.. na si Xander pala yun!! Grabe lang talaga! Siguro after seven minutes pa ako nakapagreply dahil nakatingin lang ako sa phone ko at naghihintay na may lumabas na tao doon at magsabing isa lang yung malaking joke. Tapos naging textmate na kami. Ewan ko ba. Kinikilig talaga ako kapag nakakatext ko siya.  :''>

"Huy Karrisza! Tara na! Nagtext si kuya, nasa McDo daw siya!" 

Napatingin naman ako bigla kay Xandra na nasa labas na ng Quantum. Nagtext si Xander? Bakit sa akin, walang text? Haaay. Siguro nga kaibigan lang tingin niya sa akin. I mean, wala naman kasi masyadong kwenta yung pinag-uusapan namin sa text. Walang 'something'. Pero okay na rin yun. At least, kahit man lang as a friend di ba? :\

Nakitakbo na rin ako kay Xandra pababa ng escalator at nagpunta sa McDo. Pero hindi pa kami nakakapasok eh napatigil ako. Pati paghinga ko, napatigil rin.

"Good morning Ma'am! Welcome to McDonalds!" napalunok nalang ako bigla. Lahat kasi ng staff eh nakapila sa may entrance then sabay-sabay nila akong ginreet.

Tapos hinawakan ako sa likod ni Xandra at tinulak niya ako papasok sa loob. At nagulat ako nung makita kong walang tao. Walang customers. Pero sa bawat table, may french fries, coke float, sundae at gravy. Pero nung tignan kong mabuti, meron rin palang cards sa gilid ng bawat table na may nakasulat na...

Short Stories (Oneshots)Where stories live. Discover now