Saving Her

83.2K 2K 174
                                    

Dahil friday the 13th ngayon at may exam kami bukas pati next week ulit, ipopost ko to. Mwahaha. Isa lamang itong kalokohan. Sobrang kalokohan lang. Hahahaha. Anyway, pagtyagaan nyo nalang. :p

***

She is my life. She is the woman I love. And saving her, is the greatest thing I did.

-Kyle Gomez 

“Okay, okay! Papunta na ako. Sorry talaga! Late kasi ako ginising ni Mama eh!” Halos nadapa na ako sa sobrang bilis ng pagtakbo ko papuntang bus station. Si Mama kasi eh, kung bakit late din siya nagising!

Ngayon kasi yung second anniversary naming magbabarkada. Ngayong araw kung kelan kami naging magkakaibigan at kung kelan nabuo ang barkada. Pero heto ako ngayon, kakasakay pa lang sa bus at sobrang nasisiksik ako dahil sa dami ng tao.

Ako nga pala si Sabrina Han Valencia, 16 years old at first year college sa PUP na may kursong BS Industrial and Organizational Psychology. Hindi kami mayaman pero hindi rin naman ganun kahirap, kumbaga katamtaman lang.

“May bababa ba rito?” tanong nung konduktor kaya naman nakisigaw na rin ako sa mga pasaherong kasabay ko ring bababa. At nagpapasalamat ako nung makababa ako dahil nakalanghap na rin sa wakas ng sariwang hangin. Grabeng siksikan sa loob ng sasakyan, para kaming sardinas! Naghalu-halo pa yung amoy ng mga tao kaya nakakahilo. Pero bakit ba ako reklamo ng reklamo eh kung sana tumatakbo na ako para makarating na agad ako sa meeting place eh.

Sab! Grabe kanina ka pa namin hinihintay!”

Oo nga! Akala namin iindianin mo na kami eh!”

Dahil dyan, ang late ang manlilibre ng pagkain.”

Ang ganda ng pambungad ng best friends ko ah? Parang dapat pala ‘di na ako pumunta. Anim nga pala kami sa barkada. Ako, si Chelle na nasa Adamson University ngayon, si Rissa, Miley at Kyle na pare-parehong nasa UP Diliman at si Nigel na nasa UP Baguio naman. Magkakahiwalay man kami ngayong college, hindi pa rin namin nalilimutang magkaroon ng contact sa bawat isa. Ganyan ka-strong ang foundation ng barkada namin.

Wala kaming ginawa kundi maglakad dito sa gilid ng Manila bay at nung bandang gabi ay dumiretso kami sa Star City. Nag-enjoy talaga akong kasama sila. Sana nga maulit ulit 'tong mga ganitong pagkakataon.

***

Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos yung lakad namin at nakakatuwa dahil araw-araw kong nakakatext yung best friends ko. Pero ang madalas ko talagang makausap sa text ay si Kyle. Ewan ko pero lumipas ang mga araw, naramdaman kong nag-iiba na ang pagtingin ko sa kanya.

***

Three months na ang nakalipas at mas lalo lang nag-iba ang pakiramdam ko. Lagi kaming magkatext. Lagi niya akong tinatawagan. Nahuhulog na ako sa kanya.

 

From: Kyle

'silip ka sa bintana mo.'

Nabigla naman ako sa text niya ngayong gabi kaya ginawa ko yung sinabi niya. Sumilip ako sa bintana. At mas lalo akong nagulat nung nakita kong nakatayo siya dun sa labas at may hawak na illustration board.

Short Stories (Oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon