French Fries [2]

41K 1.4K 116
                                    

"HOY KUYAAAAA!!!"

"AY PUCHANG KALABAW!"

"HAHAHAHA! AMPANGET MO!"

Teka.. bakit andito 'to?!

Bigla nalang sumulpot yung kapatid ko sa likuran ko. Ginulat pa ako. Iniisip ko pa man din kung anong gagawin ko sa fries na iniwan nung Karrisza.

"Ako ba talaga pinagloloko mo? Akala ko ba hindi ka magpapasundo?! Tapos ngayon bigla kang susulpot dito?"

Umupo siya dun sa upuan nung babaeng umalis.. yung Karrisza nga.

"Eh kasi nga kanina ang kulit ng mga kaklase ko! Pinapasama nila ako dun sa orientation chuchu ng isang org. Eh ayoko nga kaso hinatak nila ako! See? See kuya? Andami kong pasa at gasgas! Gosh! Ang bubrutal ng mga classmates ko! Tapos ayun nga, nakatakas ako sa kanila. BWAHAHAHA! Ang galing ko talaga! Ang ganda ko pa!"

Sinubuan ko siya ng isang dakot ng fries dahil ang ingay niya. Nakatingin na sa amin yung mga kalapit-mesa namin. Siraulo talaga 'tong kapatid ko eh. Pwede namang hinaan yung boses. Tss. Mga babae talaga, masyadong madakdak!

"HANG SHAMAAAH MOOOOO!!" kita mo 'to, may laman na nga yung bibig, dadakdak pa. -__-

Bigla ulit akong napatingin dun sa french fries sa harapan ko. Dalawang medium fries pa yung di nagagalaw. Taena, isa lang nakain niya?! Grabe sayang 'to ha?

"Pati ba naman french fries kuya pinagnanasaan mo? Kadiri ka ha." napatingin ako kay Xandra. Sarap ulit subuan ng maraming fries eh. Di na ako tinantanan. Sana mabilaukan siya -__-

"Tumahimik ka nalang dyan. At ilibre mo ako ng pamasahe. Sayang pamasahe ko sa'yo." akmang tatayo na ako kaso sumigaw na naman yung kapatid ko. Tsk. First year college na ba talaga 'to? Parang hindi eh!

"ANO BA NAMAN YAN KUYA! Di mo man lang ba ako papakainin?!"

"Ayan oh fries, kainin mo magdamag."

"Eh gago ka pala eh! Di naman sayo yan!"

Pucha. Minura na naman ako. -__- Pakiramdam ko magiging amasona 'tong kapatid ko ah? Parang ako pa laging dehado sa amin. Tsk.

"Eh binigay naman na sa akin yan nung babae eh. Kainin mo na, dami mong arte." umupo ulit ako sa upuan ko para hintayin siyang kumain. Nung akala ko eh sisigaw na naman siya, nagulat ako nung nakatanggap ako ng isang nakakalokong tingin mula sa kanya.

"Mata mo." sabay sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayiiiieee lumalandi ka na kuya ha! Hahaha! Sino 'tong miss French Fries na 'to?" tapos ayan na naman yung mapang-asar niyang mukha. Sa totoo lang, kahit gumanyan yung kapatid ko, maganda pa rin siya. Kaso ayaw kong sabihin baka kasi lumaki lalo ulo niya. Tsk. Oh well, saan pa nga ba magmamana? >_>

"Malay ko."

"Sus! Deny pa! If I know eh kinilig ka! Hahaha! Siguro maganda no? Pero syempre mas maganda ako. HAHAHA!" sabay kuha niya doon sa fries at..

O_O

Short Stories (Oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon