Ikalabing-limang Kabanata

1.6K 22 1
                                    

GIANN'S POV


Miss ko na si Francel. Hindi ko alam. Parang may KULANG.

Hindi ko alam kong anong pumasok sakin at gusto kong ihatid si Francel.

At lumapit na ako kay Francel tsaka ako nagpresentang ihatid siya pauwi.

Awkward.

Pero buti namanage ko pang magtanong.

At sa sinabi ni Francel, nalaman kong walang sakit ang lola niya.

Ano yun? Gumaling na?

O nagsinungaling lang sakin si Pat dati? 

Pero bakit sisiraan ni Pat si Francel sakin?

Biglang hindi ako makatulog sa naisip ko.

Sinisiraan ba ni Pat si Francel sakin? 

Pero bakit naman niya gagawin yun?

Magbestfriends sila.

Halos pumunta pa nga si Pat dito sa bahay para sabihin yun eh.

  

Kung tanungin ko nalang kaya si Pat?

Hindi.

Baka magalit pa sakin.

Si Gerald kaya may alam?
IMPOSIBLE.

*Gerald calling*

Huh? Napatawag si Gerald.

   

GERALD'S POV

Walang kwenta yung deal. Iiwan ko na rin pala si Pat.

Hayy.

Iiwan ko na si Giann, si Francel.

Ay teka nga pala.

Aalis na rin lang naman ako.

Bakit hindi ko pa sabihin ang nalalaman ko?

Pero hindi ko naman makakayanan na iwan ang taong mahal ko na mamomroblema.

Hayy. Bahala na si Superman. Tatawagan ko si Giann. Bahala na ang dila ko.

*Calling Giann..*

  

"Bro, napatawag ka?"

Tanong ni Giann.

"Kasi bro, bad news."

 

"Ano yun?"

 

"Aalis na ako. Sa States na daw ako mag-aaral."

 

"Ano? Bakit naman daw?"

 

"Hindi ko nga alam eh. Badtrip. Kakausapin na daw

ni mommy si direk."

 

"Paano na ang project natin? Sino nalang ang papalit sayo?"

 

"Si Yaelle yata."

 

"Naku bro. Tawag ka palagi ha?"

 

"Oo naman. Nga pala, may importante akong sasabihin sayo."

 

"Ano yun?"

 

"Yung tungkol sa bracelet na bigay mo kay Francel na nawala."

 

"Bakit bro? Nahanap mo na ba?"

 

"Hindi ko nahanap. Nakita ko lang."

 

"Nakita at nahanap. Hindi ba magkapareho yun? Asan na?"

 

"Wala sakin eh."

 

"Labo mo bro. Eh asan?"

 

"Nakay ....

Sacrifice (JulNiel)Where stories live. Discover now