Ikasiyam na Kabanata

1.8K 36 10
                                    

Pagkahiga ko palang sa kama ko, hindi ko mapigilang hindi ngumiti.

Ang sweet pala talaga ni Giann!

Maya maya, naisip ko naman si Pat. Ang laki na ng pinagbago ng aming friendship mula nung nakuha namin ang roles namin.

Sinubukan kong tawagan si Pat. Buti naman at sinagot niya.

  

*phone convo*

Ako: Hello bes?

Pat: Oh bes Francel, napatawag ka?

Ako: Wala naman. Sinisigurado ko lang na inuwi ka ni Gerald. Hehehe.

Pat: Oo naman. Hahahaha. 

Ako: Umm Pat, okay ba tayo?

Pat: Anong klaseng tanong yan?

Ako: Eh parang iniiwasan mo na kasi ako eh. Alam ko dahil to kay Giann.

Pat: Hahaha. Wala na sakin si Giann no.

Ako: Pat, please naman oh. Maging totoo ka sakin.

Pat: Osige. Nagseselos ako sainyo ni Giann. Masaya ka na? Gusto ko ako yung loveteam ni Giann. Gusto ko ako yung hinatid ni Giann kanina at hindi ikaw. Gusto ko ako yung kasama niyang gumala nung umuwi na kayo. Wag ka nang magtanong. Bumalik ako sa mall kasi may bibilhin pala ako at nakita ko kayo sa Jewelry Shop. Parang nagkakamabutihan na nga rin kayo eh. Nakita ko rin na pumasok muli si Giann sa Jewelry Shop para bilhin yung hindi mo mabili na bracelet.

SPEECHLESS.

Ako: Pat. Wag kang mag-alala. Wala namang something samin eh. Tutulungan kitang mapalapit sakanya. Promise ko yan.

Pat: Talaga?

Napansin kong sumaya siya. Obvious sa boses niya.

Ako: Oo naman. Para sayo bes. So paano ba yan, okay na tayo?

Pat: Oo naman. Punta ka dito sa bahay bukas ha? Diba magshooshoot na tayo para sa trailer?

Ako: Osige bes. Bye. Love you!

Pat: Sige bes. Love you too.

*end of phone convo*

After that call, napahawak ako sa noo ko. Ewan ko kung bakit. Parang di ko kayang gawin yung pinangako ko kay Pat. Pero ano naman yun? Paglalapitin ko lang naman si Pat at Giann eh. Hindi ko naman gusto si Giann.

THE NEXT DAY

PAZ’S RESIDENCE

"Bes, alin ang mas maganda, itong pink o etong yellow?"

Tanong sakin ni Pat.

"Yang yellow nalang bes."

"Sige. Hintayin mo nalang ako sa baba bes."

Sacrifice (JulNiel)Where stories live. Discover now