Mesopotamian base system 60 system ang unang kinilalang math subject sa mundo at set ng numero na may place value. Yung base 10 system naman e parang kelan lang nadiskubre. Taong 3100 BC lang naman. Simula nun, marami ng katulad ko ang naging miserable ang buhay at maraming na ring tao sa gobyerno ang laging nakangiti.

            Pero paano nga kaya kung walang numero sa mundo? Maraming kayang matutuwa?

            Tingin ko, puwedeng tanggalin ang sistema ng gobyerno, pero kailanman e hindi puwedeng hindi mapasama sa history ng sankatauhan ang alamat ng numero. Lahat na ata ng aspeto ng pagkatao natin e katumbas ng ilang numero. May kinalaman sa takbo ng maraming universe ang numero kung bakit sila ay ganun at tayo ay ganito. Pero kung isang beses e may praning na alien na naligaw sa mundo natin na sisira sa nakasanayan nating sistema, hindi na ko magtataka kung magkaron ng ‘universe war’. Bukod dun, malamang na masira ang pagkatao ng mga math wizard at babagsak ang ekonomiya ng relo. Damay mo pa ang oras, araw at panahon. Pati yung kalendaryo e magiging comedy.

            “Okey, before I end this class, please get one-fourth sheet of yellow paper. We’ll be having a quiz in a minute…” utos ni Ma’am Zepeda. Umingay ang klase.

            Tanginang buhay to!

            *          *          *

Badtrip. Tinanggal sa araw ng biyernes ang NSTP. Pinag-isa ang schedule ng mga graduating. Complicated daw kasi sa schedule ni Miss Antigo dahil sa isa pang school na tinuturuan. Kelangan daw i-move ang klase naming mga senior ng sabado. Problema to. Imbis na walang gastos ng sabado, nagkaron pa. Iisang subject na nga lang, naging kupal pa.

            “Anong oras daw?” tanong ko kay Bryan na bising-bisi sa bagong cellphone. 3310 na Nokia. Tambay lang muna sa bench hanggang susunod na subject.

            “E ang pagkakarinig ko, ala-una daw hanggang alas tres…” sagot niya ng hindi lumilingon sa’ken.

            “Namputa naman talaga! Ang dami-dami namang araw, sabado pa?”

            “Mamili ka, sabado o linggo?”

            “Betlog mo!”

            Hindi na siya nakasagot. Natawa na lang at pinagpatuloy ang pangangalkal sa bagong telepono.

            Mula lunes hanggang biyernes, natutuyo ang utak ko. Tapos ngayon, idadamay pa nila pati sabado. Kung hindi ba naman mga anak ng engkanto---ang tatalino talaga! Talaga naman! Imbis na manahimik na lang, istorbo pa. Pambihira talaga! Dagdag gastos lang to e! Nagtitipid ka na nga, nilalapitan ka naman ng gastos. Parang nakaka-gago. Kung hindi lang ako graduating, malamang i-drop ko muna yun. Naubusan na ba sila ng ideya kaya pati sabado e iistorbohin nila?

            Isang subject pa bago mag-uwian. Kinse minutos pa bago ang klase. Mabuti at maagang tinamad si Ma’am Zepeda. Bumalik na sa katinuan ang utak ko.

Ang Babae sa Kabilang ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon