Chapter Fifty-One - Card

Börja om från början
                                    

"Alex-sensei, you don't like sushi and sashimi?" tanong sa akin ng homeroom teacher ni Aya.

"I'm actually full. I ate a lot during lunch time." pagsisinungaling ko.

Tumangu-tango ito. "I hope you get to visit us again when you have time," sabi pa nito. "Are you going to work also in Kyoto?"

"I don't know yet. Maybe," nakangiti kong sagot.

Lumapit din sa amin ang head ng English Department. Niyakap ako nito at sinabihan na kung magkaproblema ako sa Kyoto tawagan ko lang daw siya. Napangiti ako at tumango.

Alas kuwatro y medya na nang matapos ang munting salu-salo namin. Sakto lang sa oras ng uwian ko. Yon na ang huli kong pasok sa eskwelahang yon kaya nalungkot ako. Habang nililinis ko ang desk at inaayos ang gamit, hindi ko naiwasang mapaluha. Inakbayan tuloy ako ni Morita-sensei, ang katabi ko sa upuan. Hinatid niya ako sa gate ng eskwelahan. Nandoon na si Brian naghihintay. Nakasandal ito sa kotse habang nagbubutingting ng cell phone. Nakasuot pa ito ng sunglasses.

"Goshujin desu ka? (Yan ba ang asawa mo?)" tanong nito sa akin.

Tumingin ako sa kanya na parang nalilito.

"Husband?" at tinuro si Brian.

"Ah. Hai, sou desu. (Opo, siya nga po.)" sagot ko naman.

"Kakkoi ne. Urayamashii. (Guapo no? Nakakainggit naman.)"

Nang tumingin uli ako sa kanya na parang nalilito, napakamot na ito sa ulo at sinabi sa aking, "Handsome. Husband, handsome."

Natawa ako. Hindi ko sukat akalain na mapapansin pa ni Morita-sensei dahil ang tanda na nga niya. Magre-retire na ito sa susunod na taon.

Tumigil sa kakabutingting ng cell phone si Brian nang makita kami. Yumuko ito kay Morita-sensei at nagpakilala. Na-impressed ang huli. Kinausap na nito si Brian sa mabilis na Japanese. Niyaya pang sumaglit sa faculty room para maipakilala daw sa iba pang guro. Nagpaunlak naman ito kaya bumalik uli kami.

Tuwang-tuwa ang mga kasamahan ko nang makita si Brian. Ang mga bata-batang guro ay kinilig pa. Ang guwapo daw kasi. Sobra naman akong proud lalo na nang kinausap nila ito sa Japanese at wala namang kahirap-hirap na sinagot sila sa Japanese din. Hindi daw nila inasahan na marunong magsalita ng Nihongo si Brian dahil karamihan daw ng mga puti na naka-assign sa kanila ay hindi nga marunong kahit konting aisatsu (greetings) lang.

Nang matapos ang pagpapakilala. hinatid pa kami ni Kōchō-sensei sa gate ng eskwelahan. Tuwang-tuwa ito kay Brian.

Nang kaming dalawa na lang sa kotse, tinanong ko siya kung kumusta naman ang last day niya sa base school niya.

"It was fun. The kids gave me a ton of cards. I don't know what I will do with them anymore," kaswal nitong sabi. "Maybe, I'll just select a few good ones and throw the rest of them away."

"What? No! Don't do that. The kids made an effort to write something for you so you have to keep it," sabi ko naman.

"I receive a card or two from them everyday so if I'll keep all of them, I will need a room where to put all the stuff I get from them," natatawang sagot naman ni Brian.

Naisip ko ang magiging bahay namin sa Kyoto. Three rooms lang yon. Noong pinuntahan nga namin nung nakaraang araw para asikasuhin ang gamit naming pinahakot sa isang moving company, halos napuno na ang isang kuwarto. May katwiran nga naman si Brian. Siguro kailangan ko ring magbawas sa mga gamit ko. Tama na ang pagiging sentimental. Pero naaawa talaga ako sa mga bata. Hindi ko pa siguro kayang magtapon ng cards nila. Saka ko na lang gagawin yon.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Där berättelser lever. Upptäck nu