Chapter 23: Advice

Start from the beginning
                                    

"Are you alright? You look so stress?" Tanong niya sa akin habang inaayos ko ang pen holder ko.

"Yeah, I'm alright?"


The usual day passed. Tinapos ko ang lahat ng schedules ko para sa araw na ito at umalis na ako. Si Erika na ang maiiwan sa shop.

Kinausap ako ni David na dapat subukan kong hindi sundin ang schedule ng pag-uwi ko, at umuwi na lang kapag tapos na lahat ng naka-schedule ko – appointments, checkups – para sa araw na 'yon. Sinusubukan niyang baguhin ang slight obsession ko with schedules and organized works. Noong binili ko nga ang desk ni Erika, imbes na ayusin ko alphabetically ang bawat kahoy at bawat turnilyo na gagamitin ay kinalat lang naming ito. It's annoying, pero kahit papano ay hindi na ako na O-OC sa ganong bagay. I also wear different pairs of socks at home.

Alas-kwatro y media ako natapos at paglabas ko papuntang parking lot ay nandon si Alastair, hawak pa rin ang bulaklak na dala niya kaninang umaga.

Hinintay ba niya ako?


"What are you doing here? Stop bothering me." Nilampasan ko siya at dumiretso sa kotse ko.

"I'm filing for annulment. I want to be with you." Napatigil ako sa pagbukas ng pinto.

"Why would you do that?" Tanong ko nang nakatilikod pa rin sa kanya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa pinto ng sasakyan at pinipigilan ang sariling harapin siya.

"Because I love you. I'm sorry if it took me some time to talk to you, ayoko lang na harapin ka ulit nang wala pang plano. I want things to be fixed before I talk to you again."

Pero 'di ba buntis si Amanda? Ano 'yung OB? "She's pregnant,"

"She's not. Why would you think that?"

"'Di ba iyon ang pinunta niyo sa ospital?" Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya.

"The reason why Amanda's not with me before was because we had this huge fight. I wanted to settle, to have a family but she has different plans, so she left. But when she found out about us, she came back and told me that she wanted to settle." Nanghihina ako sa tingin niya. Pigil na pigil akong yakapin siya.

"Gusto niyang ayusin, but how can you fix something that doesn't exist anymore?" Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinalikan ang noo ko bago niya pinagdikit ang noo naming dalawa at tinitigan ako diretso sa mata. How I've missed those green eyes. "I want to be with you, Roussanne. I love you."


Mariing pumikit ako at hinawakan ang kamay niya. I stayed like that for a couple of seconds before I let go and step away from him.


"I'm sorry." Labag sa puso'ng saad ko. "I can't be with you."

"Mamadaliin ko ang annulment kung—"

"You don't have to get an annulment. I don't want to be with you. Not anymore."

Hindi ko na siya hinayaan magsalita pa at sumakay na ng sasakyan ko at umalis.


Three weeks ago:

"Gazel," tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa coffee shop na palagi naming pinupuntahan nila Chi. Dapat ay tatayo na siya pero ambilis na hinawakan ko siya sa braso. "I'm not here for Exquisite."

Pumiglas siya sa akin pero hindi siya umalis. "Bakit ka nandito?"

"Don't you remember? I'm the one who recommended this place to you; ito ang usual hang out place naming nila Asti, eh." Paliwanag ko at sinenyasan siyang umupo na ginawa naman niya, habang patingin-tingin sa paligid namin. "Is something wrong?"

"Bakit mo ako nilapitan?"

"I haven't seen you for so long, and the last time we met, sobrang panicked ka pa at kung ano anong sinabi mo." Natatawang paliwag ko sa kanya.

"Hindi "kung ano ano" ang sinabi ko sa'yo." Seryoso niyang saad sa akin. "You don't know what's Exquisite really is."

"What do you mean?" I asked.

"I have people to protect, Roussanne, that's why I can't tell you anything. But take my advice; leave this country as soon as your contract ends. Hide as far as you can go. Dahil kung gusto mong protektahan ang pamilya mo at kaibigan mo, mas magandang lumayo ka na lang sa kanila."


Iyon lang at iniwan na ako ni Gazel. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya pero may kung anong takot ang bumalot sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang biglang naisip ko na lang ay sila Mama kaya naman ay tinawagan ko kaagad sila, ngunit hindi nila sinagot ang tawag ko at nag-message na lang sa akin na nasa simbahan sila at hindi ako makakausap.


"They're fine..." Umalis ako ng coffee shop at tinawagan sila Syrah but the three of them are not answering.


Ang sumunod ko tawagan ay si David. Voice mail ang sumagot sa akin, which is unusual since he always answer my calls. Lalo lang akong kinabahan at nagdesisyon na puntahan na lang siya. Dahil sa traffic ay inabot ng halos apat na oras ang biyahe ko papunta sa building na tinitirhan niya, and during those four hours I tried contacting him but he never answer.

Dumiretso agad ako sa unit niya at sunud-sunod na nag-doorbell, hindi siya sumasagot. Luckily, he gave me a spare key of his house kaya nakapasok ko. Everything's the same. Just like how I last saw it, bukod sa mga nagkalat na papeles sa coffee table niya.

Sinubukan ko ulit tawagan si David pero hindi siya sumasagot, kaya nag-message na lang ulit ako sa kanya para sabihing nasa bahay niya ako at tawagan ako as soon as he reads my message.

Naupo ako sa sofa at hinintay siya pero sa huli ay nagsimula na akong ayusin ang gamit niyang nagkalat. Starting with all the papers on the table. Kalat-kalat ang mga ito. Binasa ko ang mga nakasulat para malaman kung alin ang magkakasama.


"Case file?" Iyon ang nakasulat sa itaas ng papel na hawak ko. I scan the pages and I'm so sure that these are not related to engineering at all. Tinignan ko pa ang ibang papel hanggang samay nakita akong mga litrato na. Pictures of some Exquisite girls, kasama kami nila Asti.

Nabitawan ko ang mga papel at napasandal sa sofa nang may maramdaman akong naupuan sa lapag. Kinuha ko iyon and was more shocked with it than all the files that I saw.

"Roussanne!" Naghihikahos na tawag sa akin ni David. Pawis na pawis siya at hinihingal pa nang tignan ko siya.

"Is this yours?" It was a rhetorical question dahil nasa baba ng badge ang apelyido niya.

"Let me explain..." nakataas ang dalawang kamay niyang lumapit sa akin at kinuha ang badge na may pangalan niya.

"You're not an engineer, are you?" Mariing pumikit siya at bumuntong-hininga.

Exquisite Saga #2: Roussanne ShelkunovaWhere stories live. Discover now