"Uso ngayon yung mga aromatherapy," kwento ni Chan.

"Ha? Ano 'yon?"

"Yung aromatherapy, parang air freshener pero mas nakaka-relax yung amoy depende sa oil na gamit. Para kang nasa spa. Masarap matulog kapag nakasindi 'yon. Lalo na kung lavander yung oil."

"Meron ka ba nun sa kwarto mo, Chang? Parang wala naman akong nakita o naamoy nung pumunta ako dun para iwan yung spaghetti."

"Kakabili lang ni Mommy two days ago. Kasi nga lagi akong puyat..."

"Ah, kaya pala. Sasabihin ko sanang na-scam ka dahil parang mas stressed ka," sabi ni Hiro.

Pinanlakihan ko na naman siya ng mata. "Anong sabi mo?"

"Wala, sabi ko bahala na kayo sa gift. Makikihati na lang ako."

"'Di ka pwedeng makihati oy, para sa aming magbespren lang 'yun 'no." Binelatan ko siya. "Magkano pala 'yon, Chang?"

"Two thousand yata, kung 'di ako nagkakamali."

"Ay, ang mahal pala! Sige, Hiro makihati ka na lang din. Ikaw ba, Mase?"

"Ah, sige."

"Ayun! Solb! Apat na tayong maghahati-hati para sa gift ni bespren!"

"Alam ko na rin ang ibibigay ko sa'yong gift, Charlie," natatawang sambit ng katabi ko at nung kumunot ang noo ko, nagpatuloy siya. "Dictionary o kaya thesaurus. Para naman dumami ang alam mong English words."

"Guraaabeee naman! Marami naman akong alam ah. 'Di ko lang ginagamit kasi Pilipino ako. Tangkilikin ang sariling atin, diba?"

"Hooo, lulusot ka pa eh! At akala ko ba hindi ka magrereklamo sa ibibigay ko. Hindi naman pink 'yon ah," depensa pa ni Chan.

"Magsama na rin ako ng isang set ng encyclopedia," sang-ayon naman ni Hiro na ikinatawa din ni Mase.

Hindi pa sila nakuntento, as in talagang pinaliwanag nila sa akin na perfect gift daw yung educational materials para raw tumalas ang isip ko. De sige na nga. Sabagay, sabi naman nina Mama, walang kayamanan ang tutumbas sa kaalaman. Magpaka-henyo na lang ako tulad nina bespren, makikinabang pa ako, 'diba? Tsaka, libre naman nilang ibibigay, tatanggi pa ba ako? Hindi dapat tinatanggihan ang grasya! Kaya thank you pa rin sa kanila, huehuehue.

---

Nung makarating kami sa bahay nina Louie, mga kasambahay ang sumalubong sa amin na umiiling. Ibig sabihin non, hindi pa rin bumababa si bespren. Puro tubig at juice lang din ang iniinom kaya ayon, nangangayayat na. Kawawa naman si bespren.

Dinatnan namin siyang nakahilata sa kama, nakakumot at nakahawak sa remote. Kahit nakasindi yung TV niya sa kwarto, alam kong 'di siya nanonood kasi blanko lang yung tingin ng mga mata niya. Yung parang nakatingin lang sa kawalan.

Sandali kaming nagkatitigan ni ChanChan at nagbuntong hininga.

Pumikit muna ako bago ngumiti nang malawak. "Hello bespren! Ang galing ah, nauubos mo na ngayon yung pitsel ng tubig at saka juice! Very very good ka!" puri ko habang papalapit sa kanya.

Malamlam ang mga mata niya nung tinignan niya ako't tinanguan.

"Ate, dinalhan kita ng oatmeal cookies. Kainin mo naman para hindi yung isa diyan ang umubos," labas sa ilong na sabi ni Hiro na inirapan ko lang.

Umupo ako sa tabi ni Louie tas sa kabilang side naman si ChanChan. Humanap na rin ng kanya-kanyang pwesto sina Mase at Hiro. Ganito kami madalas kapag dinadalaw namin si bespren. Pinipilit magkwentuhan na parang normal lang. O kaya, magmu-movie marathon hanggang sa kailangan na pala naming umuwi. Dadalhin din sa kwarto niya yung pang-merienda at pang-hapunan para sabay-sabay kaming kakain.

HATBABE?! Season 2On viuen les histories. Descobreix ara