Chapter 9

14.6K 322 183
                                    

“Bakit ngayon ka lang? At kanino galing ‘yang bear na ‘yan?”

“Ahh ehh…Kuya—“

“Binigay po sa’kin nung mga kaklase namin, Kuya Mac,” putol sa’kin ni Hiro. “Hindi naman ako bading para magtago ng manika. Kaya sa kanya nalang.”

“Oo nga, Kuya. Inaalikabok lang sa kwarto niya eh,” depensa ko tas saka ko naintindihan ‘yung iba niyang sinabi. “Teka! Ibig mo bang sabihin bakla si Chan-Chan?”

Napasinghot si Hiro. “Who knows?”

 

“Hindi bakla ‘yon ah! Wala akong baklang bespren! Isusumbong kita—!”

“Edi magsumbong ka. Babawiin ko nalang ‘yang Kuma-chan mo,” balik niya at napanguso ako. Badtrip. Alam ng kalaban ang kahinaan ko. Kailangan pang magpalakas ni Super Charlie.

Naningkit ang mga mata ni Kuya Mac nung tinignan niya si Hiro. “Hindi ba magagalit ‘yung nagbigay sa’yo pag nalaman nilang binigay mo kay Charlotte ang dapat na para sa’yo?”

“Hindi po siya magagalit kung hindi sasabihin ni Charlotte,” sabi ni Hiro tas tumingin sa’kin. “Kaya kapag nalaman nilang binigay ko sa’yo ‘yan, babawiin ko si Kuma-chan mo at ipapatapon ko sa Payatas.”

Humigpit pa ang yakap ko sa malaking oso. “Oo nga! Umalis ka na! Tinatakot mo si Kuma-chan! Shoo!” pagtataboy ko kaya ayon, umalis naman siya. Poprotektahan ko si Kuma-chan mula sa mga kampon ni Hiro. MUHAHAHA!

Buti na lang talaga wala pa sina Mama at Papa, kundi mapipingot ako panigurado.

“May nanliligaw na ba sa Prinsesa namin?” tanong ni Kuya Chuckie pagkapasok ko ng bahay. Nakangiti siya at ‘di ko na makita ang mga mata niya. Pero parang mas natakot ako sa kanya kesa sa bungad sa’kin ni Kuya Mac kanina.

Napalatak talaga ako. “WALA NGA PO! Ligaw-ligaw, mas magaling pa akong manligaw eh.” Nakatanggap lang ng stuffed toy kailangan may nanliligaw na?

Pinanlakihan na naman ako ng mata ni Kuya Mac. “Ay, sinasabi ko talaga sa’yo Charlotte. ‘Pag babae ang inuwi mo dito sa bahay, ipapatapon ka namin sa kumbento.”

“Eh… ano po ba ang gusto niyo? Ako po ang ligawan o ako ang manligaw?” naguguluhan kong tanong sa kanila.

“Mag-aral ka muna, Prinsesa. Bawal kang ligawan o magpaligaw. Entiendes?” paglilinaw ni Kuya Chuckie.

Tumango na lang ako at pumunta sa kwarto’t humiga sa kama. Sunud-sunod na rin ang mga teks nina ‘Ya Marcus at Kuya Chino. Mag-aral muna raw ako. Si Mason lang yata ang nag-abalang magtanong kung bakit ako ginabi. ‘Di ko na rin nasagot dahil nabadtrip ako.

Lagi kasi nilang inuungkat, wala naman sa isip ko ‘yon. Kahit nga kras wala na ako eh kasi magagalit din silang lahat. Sila ang nagpipilit kahit wala namang ipipilit. Tas magagalit kahit wala naman talagang dapat ikagalit. Ni hindi ko rin nga rin alam kung bakit maraming gustong magka-boypren o gerpren na ka-edad ko. Mas masaya kayang walang lablayp. Mas simple. Hindi kumplikado. Sarili ko lang iisipin ko.

HATBABE?! Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon