Chapter 11

13.9K 325 102
                                    

Hindi matuloy-tuloy yung date namin ni Martin kasi exam week na namin. Kailangan mag-aral ulit. Dalawang linggo nga akong 'di pedeng maglaro ng PSP tsaka manood ng TV eh, kasi binantayan ako ni Kuya Chuckie habang nag-aaral. Naisip ko nga, wala bang ginagawa 'yon sa school lalo na't graduating siya? Bakit parang ako ang pinag-eeksperimentuhan niya sa pagtuturo?

Siguro dahil Special Education ang kinukuha niya at tingin niya special ako. Ayie. Ang sweet sweet talaga ni Kuya ko 'no? Special ako para sa kanya.

Nung natapos na sa wakas ang nakakatuyot sa utak na exams namin, gusto ko sanang magsaya. Kaso naiwan naman akong mag-isa sa bahay. Hanggang Sabado kasi 'yung trabaho nila Mama at Papa eh. Si 'Ya Marcus, may duty. Si Kuya Chino, busy sa hinahawakan nilang kaso. Si Kuya Mac-Mac, may team building. Si Kuya Chuckie, may field trip daw sa National Center of Mental Health. Tas si Mason, marami ring exam.

Dahil wala akong magawa, nakapaglinis na ako ng bahay, nagsalansan ng mga damit na naplantsa na at nadala na sa kwarto, nakakain na rin ako at nakaligo. Tas nakita ko na naman 'yung nakatenggang regalo ko para kay bespren Louie para sa bardey niya. Enko dun. Mali yata 'yung address na binigay sa'kin at bumalik nung pinadala ko sa kanya.

"Ayaw na yata akong makita ng mga besprens ko," sumbong ko kay Kuma-chan. "'Di na nila ako tine-teks. Tas tinataguan na yata nila ako pareho. May nagawa kaya akong kasalanan sa kanila?"

Inipit ko 'yung boses ko at sinagot ang sarili para kunwari kinakausap rin ako ni Kuma-chan. "Hindi 'no. Diba sabi ni Kuya Chuckie, special child ka. Busy lang 'yung mga 'yon. Magkikita-kita rin kayo. Tiwala lang, Super Charlie."

Tas naisip kong ayain na si Martin mag-date para 'di na ako malungkot.

"Ano ba 'yan," napapalatak niyang sagot sa telepono. Tineks ko kasi siya na pwedeng ngayon na lang kami mag-date tas tinawagan niya ako. "Kung pwede nga lang sanang 'di na lang ako sumama sa kasal ng Tito ko eh."

Napasimangot ako dun. "Ahh...ganun ba? Sige, nestaym nalang-"

"'Yaan mo, Mahal na Pinuno, sisiguraduhin kong mag-e-enjoy tayo sa date natin," kampanteng sabi niya bago namin tinapos 'yung tawag.

Haaaayyy... nakakabagot mag-isa't walang kasama o kaya kausap-

Agad kong sinagot 'yung phone ko nang hindi tinitignan kung sino 'yung tumatawag at naghandang kumanta. "Hello? Is it me you're looking for-"

"Bubuwit, samahan mo ako sa mall. Pakakainin kita."

Tss. Si Hiro na naman na 'di man lang pinansin 'yung pagkanta ko. Pero napabalikwas ako sa sinabi niya. "Ngayon na? Saang mall? Sige!" sabi ko agad kahit 'di ko pa alam kung saan kami pupunta. Pakakainin daw niya ako eh, edi sige, hehe. Salamat Papa God sa biyaya!

Ang bilin niya, maayos daw dapat ang damit ko kaya kahit hindi naman pangit ang suot kong tshirt, nagpalit na rin ako. Nakakahiya naman sa kanya. Siya na nga ang manlilibre, di ko pa mapapagbigyan yung hiling niya.

Dinaanan ako ni Hiro pagkalipas ng ilang minuto. Nagulat nga ako dahil may sasakyan na ulit siya. Mayaman na siguro ulit sila. Sana ganun din kami, agad yumaman. Pero kung agad ding maghihirap, 'wag nalang.

Sa Mall of Asia kami tumuloy. Enko kung bakit sa malayo pa niya gusto. Ays lang naman ako sa SM San Lazaro. Pero 'di ko nalang sinabi sa kanya kasi parang andami-dami niyang iniisip. Pinahiram nga niya agad sa'kin 'yung iPad niya para siguro di ko siya guluhin. Ays naman sa'kin kasi meron siyang Temple Run! 'Yung Brave Edition at si Merida ang tumatakbo, hehe. Nung nagsawa ako kay Merida, sinubukan ko naman 'yung Minions Edition tapos Zombie Tsunami, Fruit Ninja, Candy Crush... Tsaka 'yung nakakabaliw na 2048! Busit 'yun! 'Di ko matapos-tapos!

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now