"Bitawan mo ako, sasama ako kay Albie." Naiiyak na hila niya sa kanyang sarili palayo sa kapatid. Masyadong malakas si Miggy kompara sa kanya at kahit na gusto ni Albie na tulungan siya ay hindi rin nito magawa dahil bugbog ito sa kuya niya.

"Kukunin kita dito Allyxa, mark my word!" narinig niyang sigaw ni Albie bago siya makapasok ng bahay.

"Miggy, please-."

"Sorry ate, sumusunod lang ako sa utos." Malamig na sagot nito at saka narinig niya ang click sound mula sa labas ng silid niya. Nakakatawa nga, nalock siya sa sarili niyang silid. Nilock siya ng pamilya niya.

"Albie..." usal niya habang umiiyak ng malakas, siya ay ikakasal? This is a modern world! At hindi na uso ang arrange marriage! What the fuck namang buhay ito kung kailan sila nagkakaayos ni Albie ay saka naman sila pinaghihiwalay. Ano ito Romeo and Juliet? What the hell! What the!


SHE looks like a monster inside a princess room. Tama iyon siya, ilang araw na siyang nakulong sa loob ng kanyang silid and everyone is avoiding her like she has a plague or something. Gusto niyang makausap si Albie, gusto niyang sumama dito. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak ang mga maids ang nagdadala ng pagkain sa kanya na hindi naman niya kinakain.

Wala siyang gana.

Gusto lang niyang umiyak at matulog atleast nakakalimutan niya ang mga pinagdaraanan niya ngayon. She wants Albie at alam niyang pinupuntahan siya ng binata dahil naririnig niya ang sigawan sa ibaba kapag nagigising siya. Sinasaktan nila ang lalaking mahal niya kaya mas masakit ang nararamdaman niya.

Nagtalukbong siya ng kumot ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid. "Hindi ako nagugutom." Pati boses niya ay napapaos na rin.

"Anak, kumain ka na." napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang boses ng mama niya.

"Mommy." Nagsimula na namang manlabo ang kanyang mga mata.

"Oh my God anak ano ba itong ginagawa mo sa sarili mo. Ang putla-putla mo na bakit hindi ka kumakain."

"Mommy tulungan mo ako please palabasin niyo na po ako dito." umiiyak na wika niya.

"Alam mong hindi pwede iyan Allyxa malapit na ang kasal mo."

Umiling siya. "Ayoko! Ayokong pakasal kung hindi lang naman si Albie ayokong magpakasal si Alfonso lang ang mahal ko. Alam kong naiintindihan mo ako tulungan mo ako please." Pinunasan ng mommy niya ang mukha niya na punong-puno ng luha.

"I'm sorry baby but I can't do that Albie won't be the best for you."

Bumangon ang galit sa dibdib niya. "Bakit hindi po siya? Siya ang mahal ko ninanakaw niyo sa akin ang happiness ko, ganyan ba talaga kayo? Sa isang simpleng pagkakamali lang niya ay nagalit na kayo hindi niyo man lang siya hinayaang magpaliwanag. Hinusgahan niyo agad siya, mom I love him and he loves me. Masaya ako kapag siya ang kasama ko, mas gugustuhin kong maghirap na kasama siya keysa kasama ang iba."

"Mag-isip ka Allyxa niloko ka niya magagawa uli niya iyon. Kay Grayzon aalagaan ka niya."

"But I don't love him, mom, I had that video when I was fifteen. Araw-araw ko iyong pinapanood, mas matagal ang sakit at galit na naramdaman ko keysa sa galit niyo sa kanya pero napatawad ko siya dahil siya lang talaga ang kaya kong mahalin. Sinubukan ko naman pero hindi ko talaga kaya. I love him, siya lang." Pagmamakaawa niya dito.

Marked Series 2: You're My Ever After (COMPLETED)Where stories live. Discover now