"Hoy! Sana!" Napalingon ako kay Mina na nakatingin  na pala sakin.

"Ba--Bakit?"

"Baka matunaw na si Kim Dahyun sa pagtitig mo." Sagot niya nang nakangisi.

"Yung totoo, Sana. May gusto ka ba kay Dahyun?" Tanong naman ni Momo.

"Wa--Wala. Mga baliw kayo. Manahimik nga kayo diyan." Sagot ko na lang sabay iwas na ng tingin kay Dahyun na malungkot ngayon.

Sinubukan ko na lang magfocus sa klase namin. Hanggang sa mag-uwian na, nagsilabasan na kaming lahat sa classroom para umuwi.

"Gimik tayo!" Yakag ni Momo.

"Madami sigurong hot girls sa bar mamaya." Nakangising sabi naman ni Mina.

"Pass muna ko."

"Oh, Bakit?" Tanong nila sakin.

"Basta. Wala naman akong hilig sa paghahanap ng babae eh. Magsipag-tino na nga kayo." Sagot ko na lang sa kanila.

"Tsk! Andaya naman. Ang gara niyo ni Nayeon. Palagi na lang kayong pass. Nagbabagong buhay na ba kayo? Siguro may nahanap ka na ring permanenteng babae noh." Sambit naman ni Mina.

"Gague! Sumasama lang naman ako sa inyo sa gimikan para magpalipas ng oras. Hindi para maghanap ng magagandang babae. Hindi ako babaero. Mga sira! Igagaya niyo pa ko sa inyo." Paliwanag ko sa kanila.

"Baka malaman namin na may pinopormahan ka na. Hahaha. Si Dahyun ba? Pareho kayo ni Nayeon na naa-attract sa kanya?" Tanong naman ni Momo.

"Anong klaseng tanong 'yan? Sige na. Uuwi na ko. Gumimik na kayo kung gigimik. Babawi na lang ako next time."

"Sige na nga. Mauna na kami, Sana. Siguraduhin niyong babawi kayo ni Nayeon ah." Sabi nila bago tuluyang umalis nang magkasama.

Napahinga na lang ako nang malalim nang umalis na sila Momo at Mina. Nakita ko si Dahyun na naglalakad mag-isa sa hallway.

Hindi ko alam kung bakit kusang kumilos yung paa ko para sundan siya. Nakasimangot parin siya habang naglalakad mag-isa pauwi.

Sa kalagitnaan ng pagsunod ko sa kanya, huminto siya't napalingon sakin kaya nagkunwari akong may tinitingnan sa langit.

"Bakit sinusundan mo ko?" Seryosong tanong niya. Tsk. Nabisto na agad ako. Wala na kong nagawa kundi lumapit sa kanya.

"Are you okay, Dahyun?"

"Oo naman. Huwag kang mag-alala. Kasalanan ko naman yung nangyari kanina."

"No. It's not your fault. Kaya ba malungkot ka? Kaya nakasimangot ka? Kasi iniisip mong kasalanan mo 'yun?"

"Yun naman kasi talaga ang totoo. Masyado kong naging makulit kaya nainis na si Nayeon sakin. Gusto ko lang naman kasing makipagkaibigan sa kanya." Nakayukong sagot ni Dahyun sakin.

"Bakit ba gusto mong makipagkaibigan kay Nayeon? Alam mo namang mainitin ang ulo niya diba?"

"Dahil nakakahawa yung lungkot sa mukha niya. Ayoko ng may nakikitang malungkot. Sanay akong palaging masaya ang lahat ng nasa paligid ko. Saka, sa tingin ko di naman totoong masama ang ugali niya. Tinanggap nga niya yung sandwich na inalok ko noong umaga eh." Paliwanag ni Dahyun.

Seriously? Tumanggap si Nayeon mula sa iba? Bago 'yun ah. Nakakapanibago.

"Gusto mo parin siyang maging kaibigan kahit ayaw niyang maging kaibigan ka?"

"Ku--Kung 'yun ang gusto niya, mukhang hindi ko dapat ipagpilitan. Hindi ko man siya maging kaibigan, nandito parin ako bilang classmate niya na naniniwalang hindi siya masamang tao." Biglang ngumiti si Dahyun.

Finally, Bumalik na yung makulit na ngiti niya. Wala namang problema kay Dahyun ah. Sa totoo, gusto ko nga siyang maging kaibigan.

"Kung ayaw ni Nayeon na maging kaibigan mo, nandito ako." Sambit ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Huh? Ta--Talaga?"

"Yes. Kim Dahyun, Pwede ba tayong maging magkaibigan?" Tanong ko sa kanya kaya mas napangiti siya sakin.

"Oo naman! Masaya akong magkaibigan na tayo ngayon. Hindi ako makapaniwala." Masayang sagot niya.

"Hindi mo na kailangang matakot sa grupo namin. Akong bahala sayo. Ang kaibigan, pinoprotektahan." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Tingin mo, may pag-asa na maging kaibigan ko rin sila Mina at Momo?" Tanong niya na naeexcite pa.

Medyo natigilan ako sa tanong niyang 'yun. Hindi ko alam kung bakit pero napasok lang sa isip ko yung thought na parang mas interesado pa siyang maging kaibigan sila Mina, Nayeon at Momo kaysa sakin. Baka nagooverthink lang ako.

"O--Oo naman. Ikaw pa? Kulitin mo lang sila. Mababait naman talaga ang mga 'yun." Nakangiting sagot ko.

"Ano bang gusto ni Momo at Mina?" Masayang tanong niya. Kitang-kita ko yung pagka-pure ni Dahyun. Yung kagustuhan niyang magkaroon ng mga kaibigan.

"Matakaw si Momo. Mahilig naman sa computer games si Mina."

"Talaga? Paghahandaan ko 'yan. Excited na kong maging kaibigan sila. Paano? Salamat, Sana. Mauna na ko." Pagpapaalam niya sakin.

"Ihatid na kita. Saan ka ba nakatira?"

"No need. Malapit lang ang bahay ko. Kaya ko nang maglakad pauwi."

"Sure ka?"

"Sure na sure!" Joyful na pagkakasabi niya sabay lakad na paalis. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa cuteness niya habang naglalakad. Patalon-talon pa siya.

Mygod, Kim Dahyun. Why so cute? Napailing na lang ako't lumakad na rin papunta sa parking lot para sumakay sa kotse ko.

💓To Be Continued💓

A/N: Kaway-kaway mga SaiDa shippers! Hahaha.

Don't forget to leave some comments.

You Should TalkWhere stories live. Discover now