CHAPTER 33: Realization

Start from the beginning
                                    

Phew... Buti na lang. Akala ko nagkamali ako agad.


***


Sa mall, pumunta kami ni sir Kier sa isang shop na puro gamit pa'ng office ang binibenta. Siya ang nakipag-usap sa mga staff at ide-deliver na lang daw ang mga binili namin. Then nagpunta kami sa mga home decors, sinunod niya lahat ng suggestion ko at ipina-deliver na lang din niya sa office ang mga napili niya.

"Pagod ka na, Alleiea?" Tanong niya habang palabas kami ng home decor shop.

"Hindi naman po, sir Kier. Very very light lang."

Natawa si sir Kier sa sagot ko kaya't tumawa rin ako ng kaonti.

"Nakakatuwa 'yang expression mo na 'yan. You remind me of a friend of mine. Tapos 'yong mga decisions mo kanina sa style and designs..." sambit niya habang nakangiti pero biglang nawala ang ngiti sa labi niya. "...remind me of another person."

Ewan ko pero parang may pinagdaraanan itong si sir Kier. Twice ko na siyang nakita na biglang nagbabago ng ekspresyon e. Dapat siguro hawaan ko siya ng never give up aura at fighting spirit namin ng anak ko.

"Talaga ba, sir Kier? Baka hindi naman, baka very very light lang?" Nakangiti ko'ng sambit.

Effective! Natawa siya.

"Tingin ko mapapa-very very light na rin ako one of these days."

Nagtawanan kami habang naglalakad.

"Just one more stop then mag la-lunch na tayo. Gutom ka na ba, Alleiea?"

Umiling ako, "Okay lang, sir Kier."

"Paki-sabi kay baby mo konting tiis a. Don't worry pag medyo malaki na ang tiyan mo babawasan ko naman ang work mo," sambit niya.

Agad naman ako'ng umalma, "Hala, okay lang, sir Kier. Kaya ko po. Kaya namin ni baby."

Ngumiti lang siya at patuloy kaming naglakad hangang sa tumapat kami sa isang tindahan ng mga damit pa'ng babae na itsura pa lang mukhang mamahalin na, ang Plains and Prints.

"Bibilhan niyo po ng regalo 'yong babae sa picture, sir Kier?"

Ngumiti lang siya at dire-diretsong pumasok sa loob ng shop kaya't sumunod naman ako.

"I wish I can."

Napakunot noo na lang ako. Bakit naman kaya parang hindi niya pwedeng ragaluhan 'yong girl? Tsaka ano'ng ginagawa namin dito?

Nang nasa loob na kami ng shop, huminto si sir Kier at tumingin sa akin.

"Alleiea, nandito tayo para sa isa sa mga perks mo. I want you to choose some dresses as your office attire at ako na ang bahala sa mga mapipili mo."

Nagulat ako kay, sir Kier. Sobra sobra ng kabaitan at tulong ang binibigay niya sa akin. Abuso na ito kaya dapat huminde na ako.

"Naku, sir Kier h'wag na po! Marami po ako'ng damit sa bahay. Tsaka hindi po ako nagsusuot ng mga ganito kasi 'di ko po alam kung paano dalhin. Baka hindi po bagay sa akin."

"Iyan lang ba ang problema?" Tumawag si Kier ng sales lady at agad naman siyang nilapitan nito.

"Good day, sir. How may I help you?"

"Good day. Can you help my friend here choose a style that will suit her? Perhaps office casual?" Teka, did he said friend? Ibig ba niyang sabihin kino-consider niya na ako'ng friend? Kakatuwa naman.

"No problem, sir. I will just call our style manager."

Pinasalamatan ni sir Kier ang sales lady at iniwan kami nito.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now