CHAPTER 32: The Secretary

7.4K 164 16
                                    

Alleiea's Point of View

Akala ko malas na ang araw na ito dahil sa eskandalong ginawa ni Mama kanina. Pero sino mag aakala na may swerte pa pala ako. Lord thank you! You really move in mysterious ways. May trabaho na ako bukas, and it's all thanks to you!

Ang saya saya talaga. Ang bait ni sir Kier tapos ang gwapo pa. Mukhang gaganahan akong magtrabaho nito bukas.

Tanghali na ako nakarating sa amin. Sobrang traffic kasi sa EDSA. Habang naglalakad ako sa street pauwi sa apartment namin, napangiti ako, at naramdaman ko'ng umiinit ang mga pisngi ko. Naalala ko kasi 'yong kanina na pinayungan niya ako. Parang eksena sa mga asian drama! Nakakakilig!

Pero teka, ano ba'ng ginagawa ko? Kakagaling ko lang sa panloloko ng lalaki pero heto na naman ako. Parang nagkakagusto agad sa taong unang beses ko pa lang nakilala. Bakit kasi ang talino ng utak ko pero parang ang bobo nitong puso ko? Sana naman kung iibig ulit maging matalino ka na puso, kahit very very light lang muna.

Ang mas maganda, dapat hindi ko muna isipin ang crush crush or love love na 'yan. Dapat mag-focus ako sa trabaho para hindi problemahin nila Mama ang pagbubuntis ko.

Sa isang lumang condominium kami nakatira. Pero ang tawag ng mga tao dito ay apartment. May anim na baitang ito at kada floor may sampung unit. Murang mura lang ang upa kaya't nakayanan namin. Si Mama kasi taga-linis lang ng mga puntod sa malapit na sementeryo. Si Papa naman karpentero kaso sobra kung uminom ng alak. Okay naman ang tirahan namin dito, medyo madilim nga lang dahil dim o tila mapupundi na ang mga ilaw sa labas, tapos amoy luma ang paligid dahil siguro sa mga namuong alikabok sa pader. Keri-bells lang naman ang mga bagay na 'yon pero ang masama dito nasa 4th floor ang unit namin at walang elevator ang building na ito. Kaya para talaga akong umakyat ng bundok sa tuwing uuwi dito.

Heto na aakyat na ako papuntang 4th floor. Baby hawak ka'ng mabuti a. Medyo mapapalaban si Mommy sa mga hagdan. Very very light lang naman ang hirap pero kapit ka a.

Pagdating ko sa huling hagdan para sa ika-apat na baitang, naka-hawak na ako sa railings at parang hingal na hingal na ako. Sanay naman na ako dito noon, kaso worried na ako para sa dinadala ko. Kaya siguro nakakapagod na umakyat. 

Kaka-tungtong ko palang sa 4th floor, pero rinig ko na agad si Mama. Ang lakas ng boses niya at mukhang sinesermonan na naman niya si Papa na gabi gabi na lang na umuuwing lasing. Si Mama talaga hindi pa nasanay.

Hindi muna ako pumasok sa unit namin. Hinintay ko'ng humupa ang pagsabog ng nuclear bomb este na matapos si Mama sa pagsesermon kay Papa. Alam ko kasing mamayang gabi magkayakap na naman sa pagtulog ang dalawa. Pag nilambing kasi siya ni Papa parang bumibigay siya agad e. Siguro mana ako kay Mama, bobo rin ang puso. Haaays.

Habang nakatambay, lumabas sa unit nila ang kapit-bahay namin at kaibigan ko'ng si Mingay. Nilapitan niya ako tinabihan sa pagtambay sa tapat ng unit namin.

"Hoy girl, ano bagang palabas sa bahay niyo at ang ingay? Ni-ra-rambo na naman ba ni Mamshie mo si Papshie mo?"

Natawa ako, buti na lang talaga funny itong kaibigan ko. Sa tuwing problemado ako si Mingay lagi ang clown ko at shoulder to cry on.

"As usual, girl. Pasensya na a," sagot ko.

Pabiro niya akong sinanggi sa braso, "sus naman, girl. Hindi mo naman kailangan mag-sorry e. Sanay na kami e." 

Laking Batangas itong si Mingay kaya gano'n ang accent niya. Madalas may 'e' sa dulo. Pero nakakatuwa siya. Kaso parang 'di ko alam kung seryoso siya o nagpapatawa.

"Ano baga nangyari sa lakad niyo? Nakasuhan niyo na 'yong butiking nang-iwan sa'yo?" Tanong niya.

"Grabe ka sa butiki, girl. Mamaya niyan maging kamukha niya baby ko. H'wag naman sana," sagot ko. Tumingin ako at humawak sa tiyan ko, "Anak dapat kamukha ka ni Mommy a. Don't worry 'di ko iisipin ang mukha nung Mike na 'yon para 'di mo maging kamukha."

Until I'm Over You (Published under LIB)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ