“Hindi lang naman yun ang dahilan kaya gusto kong bumalik eh...” sabi ni Kathryn.

“Ano pa ba?” tanong ni Daniel na nilalaro ang mga daliri ni Kathryn sa kamay.

“Nagseselos ako sa mga nakakaeksena mong babae,” sagot ni Kathryn. “Nakakainis panuorin sa TV ang mga kissing scenes at love scenes niyo. Nakakaiyak.”

Tumawa si Daniel at kinurot sa cheeks si Kathryn. “Hay naku, siopao ko. Napakaselosa mo talaga.”

“Nagsalita ang hindi...” wika ni Kathryn at kumalas kay Daniel. Umusod siya sa pinakadulo ng sofa at hindi pinansin si Daniel.

“Eto naman...Ang bilis magtampo...” sabi ni Daniel. Nilapitan niya ang asawa at siya naman ang sumandal dito.

“Alam mo naman na ikaw lang eh. Yung mga scenes na yun eh ginawa ko lang para sa trabaho. Tsaka di ba sa kasal natin sabi ko, ikaw lang ang mamahalin ko at rerespetuhin ng ganito habang buhay. Hindi ako titingin sa ibang babae dahil iisang babae lang naman ang nagpatibok nito eh...” tinuro ni Daniel ang puso, “Alam mo naman na sa’yo ko lang ito naramdaman eh. Na yung simpleng presence mo lang eh solve na ko, kumpleto na ko.”

Napangiti si Kathryn. “I love you Deej. Sagad hanggang buto.”

“I know...” kinikilig si Daniel. “Mahal na mahal din kita. Kaya wag ng magselos. Tsaka ano nga bang binabasa mo kanina?”

Pinakita ni Kathryn ang libro na binabasa niya. “Hiniram ko kay Ate Shannen. Ito daw ginamit nila ni kuya nung pumili sila ng pangalan para sa first born child nila eh.”

“Di pa nga natin alam ang gender, pumipili ka na agad ng pangalan...” nakangiting sabi ni Daniel.

“Siyempre. Excited na kaya ako. Tsaka, pwede naman tayong mag-decide ng names for both boys and girls, di ba?” ani ni Kathryn.

Ang gusto sanang pangalan ni Daniel kapag babae eh Katerina, dahil malapit sa pangalan ni Kathryn. Kaso naging pangalan pala yun ni Julia dati sa teleseryeng Walang Hanggan at kahit best friend ito ng asawa eh pinagseselosan niya ito...Kaya hindi nalang niya binanggit kay Kathryn.

Real & Reel (KathNiel One-Shots)Where stories live. Discover now