Chapter 16: Wanted You More

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yes?"

"Ang ganda mo naman. Pakiss nga." sabi nung James at...bigla akong hinalikan sa pisngi!!!

"HOOOOOYYYY!!!!" sigaw ko pero nakatakbo na ang gago =.= naku! Pag nakita ko ulit yun dito papatayin ko yun!!!

 Bwisit! Ganyan na ba talaga mga lalaki ngayon? Manyakis!

"Pagpasensyahan mo na ung lalaking yun ha, ganun lang talaga yun." nagulat ako nang may biglang nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko...

O___O

*Q*

Ang...gwapo!!!

"Ah...hehe. O-okay lang."

"Nga pala, I'm Andrew. You are?" 

"I'm Kath." sabi ko

"Oh. Nice name." he said, then flashed his 'makalaglag panty' smile.

Shemay! Kung di lang matindo tong self control ko, nahalay ko na to. Joke lemeng ^^v

"Una na ako, Kath." sabi ni Andrew at agad na umalis. 

Lumabas ako ng building ng nakangiti. Grabe! First time kong makakita ng taong kasing gwapo ni Andrew. Tao pa ba yun?

Nabigla na naman ako from the nth time nang makita ko si Dj na humarang sa dinadaanan ko. Blanko ang mukha niya.

"Problema mo?" tanong ko

"Wala."

"Okay." nilagpasan ko siya. Hinintay ko siyang sumunod pero nakatayo parin siya. Hindi kumikilos.

Nilapitan ko ulit, baka biglang umiyak to eh. Hahaha.

"Oi Dj, ano ba talaga problema mo?"

"Bakit ganun, Kath?" sabi niya

"Anong 'bakit ganun'"?

"Bakit ganun? Enrollment palang...marami nang lalaking lumalapit sayo."

Nakita niya yun? O_o

"A-ano bang sinasabi mo diyan."

"Kath...bat ba kasi ang ganda mo?! Ang dami tuloy nagkakagusto sayo! Arggghh! Nakakainis!" sigaw ni Daniel habang pinagsisisipa ang mga buhangin sa paligid. Isip bata =.= di ko namalayan na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao sa paligid.

"Dj! Tumigil ka nga dyan, nakakahiya sa mga tao."

"Kath, pwede ba humingi ng favor?"

"Ano yun?"

"Pwede bang...wag ka na muna maligo? Magparami ka ng pimples. At kung pwede, wag ka na ring magtoothbrush." sabi niya.

*BOOGSH! BLAG! BOOM!!* (A/N: OA ng sound effects xD)

Binatukan ko siya.

"Aray! Ano ba Kath?!" reklamo niya

"Eh ano bang mga pinagsasabi mo diyan ah?! Gusto mo ba akong papangitin!"

"Kung pwede lang...para wala nang ibang magkagusto sayo kundi ako." sabi niya.

Napahinto ako.

"S-sira. Pag pumangit ako, di mo na rin ako magugustuhan." sagot ko

"Akala mo lang yun. Kath, kahit magmukhang palaka ka pa, or kahit pa maging kamukha mo si The Grinch, ikaw parin ang gugustuhin ko, no." Daniel.

Ayyyiiiiieee! :'>

"Gagu. Tara na nga!" inunahan ko siyang maglakad para di niya makita ang kulay kamatis kong pisngi.

Papalapit na kami sa gate nang biglang may umakbay sakin.

"Hey babes!" sino pa? Edi si James =.=

"Ano ba! Parang close tayo ah!" tinanggal ko ang braso niya. Si Dj naman, nakatingin lang kay James.

"Pare, wala namang sulutan." sabi ni Daniel. Napatingin naman si James sa kanya at sumigaw.

"DANIEL?!" sigaw ni James

"Sino pa nga ba!" agad naman silang nagmanly hug.

"Magkakilala kayo?!" sabi ko

"Oo naman! Si James, isa sa mga best friends ko yan. Magkakilala kami simula pagkabata." Dj

"Ah."

"Dj naman, di mo naman sinabi na girlfriend mo pala tong beautiful na to! Sayang!" sabi ni James

"Girlfriend to be. Pag nilapitan mo yan, lagot ka sakin." sabi sa kanya ni Dj

"Fine! Pwede bang makisabay sa inyo? Kung okay lang?" James

"Sure. Basta wag mo akong mamanyakin." Ako

*                                                  *                                                  *

After 2 hours ng chikahan, nagpasya na ring umuwi ni Daniel. Medyo mabait din naman pala tong si James, medyo may pagkatopakin lang.

Palabas na naman kami ng gate nang biglang nagsalita si James.

"Nagugutom ako! Bili muna ako ha. KAth, Dj, ano gusto niyo?" tanong ni James

"Anything, James." Dj

"Teka James, sama ako! Balak ko rin sana magrestroom eh." Ako

"Sige, mauna muna ako sa kotse." sabi ni Daniel. 

"Ingat ka sa pagtawid tol." James.

"Tara na James! Ihing ihi na ako eh."

"Hahaha! Tara na nga---" napahinto si James nang may narinig kaming hindi kanais nais.

*SCREEEEEECCCCCHHHH*

to be continued.

=============================================

A/N:

Ay? Anyareh? XD

Pasensya kung nadelay. :))

Vote at comments naman po oh? Matumal last update eh :)

Thank you mga teh!

-strawiiee

The Runaway Bride Meets the Arrogant Guy (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon