Chapter 27 - Beating You

6.6K 149 20
                                    

Chapter 27 - Beating You

Three days na kaming gumagala dito and di ko parin alam kung bakit kami nandito ni Kris. Yes! bait ko. Nakakatamad mag-narrate ng "sir yeoboyah" eh, ang haba! Anyway, ang cute nya matulog. Parang wala syang inaalala. Napaka-peaceful ng feslak nya! 

"Gwapo ko no?" nanlaki mata ko nung magsalita sya bigla.  Hinila nya ako kaya napahiga ako sa tabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko at ni-guide nya payakap sakanya.  "Much better."

"Gusto mo lang magpayakap e di mo pa sinabi." ngiting ngiting sabi ko. Nag-look down sya para tignan ako at ngumiti din sya.

"Bakit? gagawin mo ba?"

"Hinde." 

Naiba bigla yung ekspresyon ng muka nya. HAHA! Nainis ko ata masyado.  

Niyakap pa nya ko ng mahigpit hanggang madedbols na ko. Pero biro lang yun, di lang ako makahinga!

"YAH! Baka makahinga naman ako nyan no?" sabi ko. Tinulak tulak ko sya, inaasahang bibitaw sya pero di nya ginawa. Pasaway kang lalake ka!

"Ganyan ang pakiramdam pag nakikita kita." Sabi nya. Namula naman daw ako. 

Di ko alam kung ang pinaparating ba nya e kapag nakikita nya ko, halos mamatay matay sya sa kadyosahan ko o kapag nakikita nya ko e mamatay matay sya sa kagandahan kong taglay. ayy charat!

Pero seryoso...  DI AKO MAKAHINGA!

"Ok ok alam ko na. Luwagan mo naman!" sigaw ko. Napapikit naman sya at humawak sa magkabilang tenga nya.

"Ang ingay ah! Teka, nakakain ka na ba?"

"Paano ako kakaen? Diba ayaw mo kong palapitin sa kusina at baka sumabog tong bahay?" sabi ko. Ngumuso ako.

"Wag kang ngumuso ng ganyan. Baka yan gawin kong breakfast." Sabi nya. Bumangon na sya at tumungo sa kusina habang ako, eto...nganga! Kinikilig ako putspa!

After siguro mga 3 minutes of spazzing sumunod na ako sakanya. Pakiramdam ko namumula pa ko. HAHA! Ang landi mo Luxielle. 

Paglabas ko palang ng kwarto naaamoy ko na agad yung niluluto nyang buttered tuna. 

"WAAH! Favorite ko yan! Damihan mo rin yung onions hah?" Sabi ko habang nagniningning ang mga mata. Naupo ako sa counter at sinisilip yung niluluto nya. Parang pusang tumatarget ng kakainin eh haha!. 

"Pst! Halika dito." Tawag sakin ni Kris kaya lumapit ako. Inabutan nya ko ng sandok.

"Anong gagawin ko dito?"

"Magluluto ka. Baliktarin mo yung tuna."

"HAH?! eh magkakalasug-lasog yun!"

"Try your best para di makalasug-lasog! Yan kakainin mo!"

"ANO?!"

"Oo. Bilisan mo na. Masusunog na yan oh." 

Napalunok ako at tinitigan yung tuna sa pan. Sorry tuna, kung malalasig-lasog man kita pero kakainin pa rin naman kita..

Tinusok tusok ko yung tuna gamit yung sandok na hawak ko. Ok naman.. until may tumalsik sakin kaya nag-panic ako at ginawa kong sandata yung takip ng kaldero. Swear, ang epic ko dito habang si Kris e panay tawa sa gilid!

"YAH! Tulungan mo ko dito! Ikaw nalang!!!!" Sigaw ko sakanya.

"Di pwede! Paano kapag tayong dalawa nalang tapos may sakit ako, o kaya may mga anak na tayo? Dapat matuto kang magluto. Saka, hahaha! Ibaba mo nga yang takip ng kaldero muka kang makikipagsagupaan sa dragons."

[MWMT] Married with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon