Chapter 17 - Sorry

9.4K 176 13
                                    

Chapter 17 - Sorry

[[ S I R   K R I S ]]

Napaaga uwi namin. Tumawag kasi si Mom at pinapauwi na kami. Mukang may problema. Sabi ko nga ako nalang uuwi kasi nage-enjoy yung tatlo dito kaso sabi isama ko na daw since di naman na rin daw ata ako makakabalik. 

"Anong nangyare yeobo?" Tanong sakin ni Luxielle. Umakbay ako sakanya. Nakakangawit na kase eh.

"Tamang chansing woh" Luhan

"Akbayan mo din ako dali! Inggit ka lang eh!" Sehun

Di ko nalang sila pinansin. Sa halip eh tinuon ko nalang pansin ko kay Luxielle. Mukang inaantok na sya.

"Tulog ka nalang muna. Di ko rin naman masasabi sayo kasi di naman sinabi saken." Pinadantay ko yung ulo nya sa balikat ko kaso lumayo sya.

Anong problema nito?

"Bakit?" Tanong ko.

"W-Wala...." Sabi sya. Niyakap nya yung unan nyang katabi saka natulog.

"Problema nito?" Sabi ko nalang.

"Ikaw problema nyan. Tss. Naamoy nya siguro sigarilyo mo" Sabi ni Sehun. Sigarilyo? 

"Kung di mo alam, ayaw nya sa amoy ng alak, sigarilyo at kung ano-ano pa kasi madali syang mahilo. OPS! di sya buntis, wag ka makire. Nakakahilo naman kase talaga. Kung di lang kita kuya hinagis na kita sa labas ahihihihi" Luhan. 

Isa nalang talaga babatukan ko tong si Luhan. Anong nakain nito at wagas mang-asar?

Nanahimik nalang kami buong byahe at pagdating namin sinalubong kami ng ... sino to?

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Luxielle.

"Kilala mo sya?" Tanong ko.

"OH! Ikaw yung umiiyak nung last sem diba?" Sabi ni Sehun na nakaturo pa doon sa babaeng nasa harap namin. 

"Binasted mo ba to? Sabi ko na nga ba may pagkademonyo ka den eh! Kapatid nga kita! MWAAHAHAHAHA!!!" Luhan

"Gaga hinde! Bumagsak kase sya sa subject ni Hyung----Teka wag mo sabihing...." 

Napatingin ako sa babae. Ang sama ng tingin nya sakin. Di ko naman matandaan ang muka nya. Maybe naging estudyante ko sya pero hindi ko naman sila masyadong tinitignan or kinakabisa ang muka kase kalahating taon ko lang naman sila magiging estudyante.

"Masaya ka ba?" Tanong nya.

"Oo." Diretsong sabi ko sakanya. Muka na syang iiyak.

[MWMT] Married with my TeacherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora