Chapter 20 - Fight

7.5K 147 6
                                    


CHAPTER 20 - Fight

Kanina pa kami di nag-uusap ni Sir simula pagbalik nya. AWKWARD KAYA!

"Ahemm..." epal ni Lauren. Nanginginain sya ng Moby caramel. Gash. Iniinggit ako eh!

"Bakit di ka pa umuuwi Lauren? Uwi na. Di kita bati." Sabi ni Sir na nagbabasa ng lesson daw para bukas.

"Ayy taray oppa! Bakit? May gagawin ba kayo ngayong gabi? Haha!"

"Paano kung meron?" diretsong tingin si Sir kay Lauren. Napasuko tuloy si Lauren.

"Okay. Fine fine. Basta wag masyadong hard hah? Baka magselos ako." - Lauren. Tumayo na sya.

Ede sya na nagseselos. Aray eh. Pero anong hard? HARD ANO? (*-*)

"I will." Sabi ni Sir. Tumayo na din sya saka sumunod kay Lauren. Sasama den sya?

"Sir, aalis ka den?"

"Bakit? mamimiss mo ko?" Nakangisi nyang sabi.

Whut?!!!!

"D-Di ah! D-Dyan na nga kayo!"

Ramdam ko pa pamumula ng muka ko. Kasi naman eh! Bakit ganun sya magtanong?! Parang... parang.... ah basta! naaasar ako!!..........na kinikilig.

Bigla nalang syang tumawa ng malakas saka tumalikod. Aalis nga ang loko. ARAY.

"Wag ka mag-alala. Ihahatid ko lang sya. Kapag inaantok ka na wag mo na ko hintayin ah? Matulog ka na. Masama sa mga batang tulad mo ang magpuyat."

Pagkatapos nya yung sabihin lumabas na sila. Ayos na sana eh. Kinikilig na ako eh sabay singit ng BATA pa daw ako. Oo muka akong engot pero hindi sa utak. Tara ngat samahan nyo ko magbasa ng smut. Kung di nyo alam yon... bahala kayo basta cute ako. OK? HAHA!

Pumanhik na ko sa itaas at naupo sa kama. Napansin ko ulit yung buntot ni Red Dragon.....Ayun..... HINILA KO! MWAHAHAHA!!

Eto na naman ako... Nasasa-Demonyo na naman. Aish. Kase naman.... Ang init ng ulo ko. Dahil siguro to sa tuldok ko.

Balik tayo sa buntot ng Red Dragon. Yakap ko na sya ngayon at pagulong gulong kami sa kama! Haha! Naalala ko pa tong dragon na to. Binigay to sakanya ni Kei nung mga panahong pasko na. HAHA! Halos sapukin na nga nya si Kei non eh kasi may nakalagay pang 'Honey this is for you. I love you. See you later at my room ^__~' . WAHAHAHA!!

Ang with that... nakatulog na ako.

[ S I R   K R I S ]

Nakaka-asar tong si Lauren. Dapat dito tinatapon sa bintana eh.

"Hoy Oppa! Sweet mo kanina ah? Bumubukol na ba sya sa hart hart mo hah? Ayiie! Landi neto! HAHA!"

(-______-)"

"Shuddup."

"Eh totoo naman sinasab ko! May pamiss misa ka pang nalalaman dyan. Sarap mo kayang tsinelasin kanina haha!"

"Kapag di ka tumahimik ipapalapa kita sa mga lamok sa labas."

"Sus! As if namang kaya mo yung gawin sakin eh mahal na mahal mo ko. Mas mahal mo nga lang si---"

"I said shut the fvck up. Di mo ba ko narinig?" .

Pagkahatid na pagkahatid ko sakanya umuwi na ko. Nagtext pa sya ng 'sorry'. As if I'm affected........ I am.

Madilim pagpasok ko , ibig sabihin nasa kwarto na siguro sya. Gising pa kaya sya?

Pagpasok ko, nakita ko si Luxielle na nakahiga sa kama. Yakap yakap ny yung red dragon na binigay sakin ni Kei, 8 years ago. Yung g@gong yun. Akala nya nakalimutan ko na yon.

[MWMT] Married with my TeacherWhere stories live. Discover now