Chapter 22 - Ako si Mr. K

7.7K 170 19
                                    

Chapter 22 - Ako si Mr. K 

@@@@

Napanganga ako bila sa sinabi sakin ni Kei. Sya?! Sya si Mr.K?! ang buong akala ko si Sir yon! (ang assuming ko..) Kase diba, nags-start sa K ang pangalan ni Sir? ... Pero di ko naisip na ang K ay si Kei pala talaga!  Pinaikli lang...

"Luxielle, Sorry...di ko agad sinabing ako yun." Sabi nya. Yumuko sya.

Lumapit sakanya si Lauren at kinutusan. Baliw talaga eh! (>____<) 

"Loko ka talaga kuya! Antagal mong umamin, jusko!" Sabay walk out nya at naiwan kaming dalawa na pinagtitinginan nung mga tao sa hallway.

"Ahh hinde.. ayos lang." Sabi ko.

Natahimik kami to the point na halos muka kaming statue dito, kulang nalang humawak ako ng torch para muka na akong Liberty. Rinig na rinig ko pa ang bulungan ng ibang estudyante tungkol saamin. 

"Si Kei pala yung nanliligaw sakanya."

"Grabe, nakakakilig naman! Bagay sila!! KWAAAAAHHH~"

"Landi naman nito, mas bagay pa kami dyan eh."

"Paano na ang OTP naten?!! Paano na si Sir Kris at si Luxielle?!!! NUUHH~~~"

"Manahimik ka! kahit kailan di pwede maging magkarelasyon ang teacher at estudyante!"

aray.  sakit naman nun ate. Dahan dahan naman tumtagos sa kalamnan ko po.,ano po?

"Talaga?! YES!" Nagulat ako nung bigla nalang akong yakapin ni Kei. (o___O)??

"Huy-"

"Sumakay ka nalang. Paguusapan pa nila tayo. I'll explain it to you late." Sabi nya. Tumango ako at hinayaan nalang sya kahit na ang awkward namin sa isat isa.

Kinalaunan, nasa office kami ni Sir yeoboyah.. kausap nya ko, kausap ko sya.... Naaasar sya!!!

"Bakit di mo sinabi saken Kei?!" Sigaw sakanya ni Sir.  Kumunot lang ang noo ni Kei at antalim ng tingin sakanya,.

"Kung hindi ko ginawa yon, malamang na-tsismis na kayo dito at napahamak na si Luxielle. Sa dami ng impokritang fans mo dito sa school na to na handang manabunot at manakit para sayo, tulad ng nangyare kanina tingin mo maliligtas pa sya kapag nalaman nyang kayo? Isip naman dre." Inis na sabi ni Kei kay Sir.

Bakit ba ang big deal sakanila non?! Ayos lang naman ako. Di naman ako mamamatay sa ganun lang eh. Okay lang kahit malagas ang aking magandang buhok, na-pa-Pantene pa naman to!

"Kahit na!" Inis na sagot den ni Sir.

"O sige, sasabihin ko break na kami! Pinaglaruan ko lang sya kunware for one day!" -Kei

"Tumigil na nga kayo." Sabi ko

"Sira ka ba?! Palalabasin mong PLAYTHING lang si Luxielle?!" -Kris

[MWMT] Married with my TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon