9: A Dream

9 1 0
                                    


"When I open my eyes,

I see the real world.

But when I close my eyes,

I see the other side of it."

– Reverie






Napunta ako sa isang napakagandang fantasy paradise.

"Wow!" napanganga ako habang pinagmamasdan ang napakagandang kagubatan. Tiningnan ko ang iilang white ducks sa napakalinis na ilog. Hahawakan ko nga sana sila ngunit narinig ko bigla ang mga tambulan na nagmumula sa malayo. Napalingon ako't pinakinggang mabuti ang tunog.

Naglakad ako mula sa mahahabang halaman at sinundan ang tunog. Habang papalapit ako ng papalapit, nakakarinig na din ako ng iba't ibang boses.

"Hello?! Where am I?! Can somebody hear me?!" tanong ko habang ako ay naglalakad pa din. Hinahawi ko lang ang mahahabang halaman. "Can somebody tell me what is this place?!"

Mas lumalapit na ang ingay at naramdaman ko na nandito na ako sa aking pupuntahan. Hinawi ko ang huling mga halaman at nakita ko ang napakadaming mga kakaibang creatures na palakad-lakad sa lupain. May mga dala silang bayong na punong-puno ng iba't ibang bulaklak.

Nagulat ako at tinitigan silang mabuti. Mukha silang hayop na tao na naglalakad at nagsasalita na parang tao.

Napansin ko ang magkaka-grupo na nagtatambulan sa kani-kanilang native drums at mukha silang mga nagpa-practice. Mukhang may gaganaping event yata ngayon dito.

"Hello? Nasaan na po ako?" lumabas na ako sa mahahabang halaman. Nilapitan ko ang isang creature na nakatayo lang at mukhang may tinitingnan sa malayo.

"Ahm... pwede po bang magtanong?"

Malayo pa din ang tingin niya.

Nagtaka ako. "Hello? Hindi niyo po ba ako naririnig?" hinarang ko ang mga kamay ko sa paningin niya ngunit hindi pa din niya ako pinapansin.

"Bakit gano'n? Hello?!" kinalabit ko siya ngunit nagulat ako nang biglang tumagos ang aking kamay sa katawan niya.

Nanlaki ang aking mata. "HALA!" at mabilis kong hinawakan ang aking kamay. Takot akong tumingin sa kanya. "AM I INVISIBLE?!"

Nakatingin pa din siya sa malayo.

Nanginig ako bigla sa takot. Dahan-dahan akong umalis sa kanya habang hawak-hawak ko pa din ang aking kamay. Sinubukan kong lapitan ang iba.

"Hello?" muling tumagos ang aking kamay sa kanilang katawan.

"HAAA?!?!?!" takot akong tumingin sa mga kamay ko. "WHAT HAPPENED TO ME?!?!?!"

Sinubukan kong banggain ang mga creatures ngunit lahat sila ay natatagusan ko.

"HELLO?! CAN SOMEBODY HEAR ME?! PLEASE HELP ME!"

"HUGOS! TAHAL YA ATNUMUP AN NOOD! ALUMISISGAM AN GNA ADARAP GN FOUR SEASONS!" sigaw ng isang maliit na hugo. Mukha siyang palaka ngunit nakakatayo siya't nakakapaglakad na parang isang tao.

"ADARAP! ADARAP! ADARAP!" biglang nagtakbuhan ang mga hugos at iisa lang ang direksyon na pupuntahan nila.

"Ano daw? Hugos? Siguro sila 'yon?" pinagmamasdan ko lang sila habang sila ay tumatagos sa aking katawan. Naglakad na lang ako habang sila ay sinusundan.

Aeternum DreamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora