8: Mentally and Emotionally Drained

8 1 0
                                    



"I'm feeling so empty right now.

But I still believe and expecting,

The best is yet to come."

– Reverie




First day of school. Hindi ko masabi kung dapat ba na maging excited ako ngayon. I just feel numb. Wala na akong pakiramdam.

Alas kwatro pa lang ng umaga ay gising na ako dahil alas sais ang simula ng klase at alas dose naman ng tanghali ang aking uwian. Mabuti naman at maikli lang ang oras sa school.

Wala akong ganang nakatingin sa salamin habang inaayos ko ang aking uniform na suot-suot ko ngayon. Kung mukha na akong palaging haggard, mas magiging mukhang haggard pa ako ngayon. Baka mapagkamalan na nga akong zombie nito.

Pumasok na ako sa aking eskwelahan at as usual, introduce yourself ulit. Mabuti na lang at walang nagsabi na may nakatayo't nagsasalitang zombie nung ako ay magpakilala sa harapan. Maayos naman ang first day of school and as usual... wala pa rin akong kaibigan.

Sumapit na ang second day of school. Ibang teachers namin ay nagsimula nang magturo habang ang iba naman sa kanila ay hindi pa din. Ayun, wala pa din akong nakakausap na kaklase ko habang wala ring gustong kumausap sa akin.

Sumapit na ang third day of school. Maingay na ang classroom. May nabubuo nang mga magkakaibigan.

Tahimik lang akong nagsusulat ng aming lecture sa aking notebook.

"Hello!"

Napatingin ako sa aking katabi. "H-Hi!" nahihiyang sabi ko.

"Bakit ang tahimik mo? Anong pangalan mo ulit?"

"Ahm... R-Reverie."

"Ako naman si Sophia! Nice to meet you!" at inabot niya ang kanyang kamay sa akin para makipag-shake hands.

"Hello! Ako naman si Faith!" bigla naman siyang sumilip mula sa likuran ni Sophia.

"Hello din Reverie! Ako naman si Ashley!" bigla din siyang sumilip mula sa likuran naman ni Faith. Kumaway siya sa akin.

Nakanganga akong nakatingin sa tatlo. "Ahm... H-Hello!" at mabagal akong kumaway sa kanilang tatlo.

Hinawakan na ni Sophia ang aking kamay para mag-shake hands. "Nanggaling ka din pala sa Calcoon City? Kami ding tatlo eh." at tinuro silang tatlo.

"Ah, eh, talaga?"

"Oo! Pwede ba kaming makipagkaibigan sa 'yo?" tanong ni Faith sa akin habang nakangiti.

Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi na ako nagdalawang isip pa. "Y-Yes. Sure!" napangiti ako.

"Yehey! We're four now! Naghahanap pa kami ng iba." lumilingang sabi ni Ashley.

Luminga din ako. "Ayan oh. Ang dami nating magkakaklase dito sa room."

"Hindi probinsyana o probinsyano. Ayaw namin makipagkaibigan sa kanila. Gusto namin nanggaling din sa siyudad." sabi ni Sophia sa akin.

"Pero alam mo cousin, parang marami tayong kaklaseng taga-Calcoon dito sa room." sabi ni Ashley habang lumilinga-linga.

"'Di ba sabi nga ng mga taga-rito na madalas ito daw ang eskwelahan ng mga taga-Calcoon? Kaya nga nandito tayo kasi baka maganda nga ang turo dito. Pero hay naku! Basta! Oobserbahan at kikilalanin ko muna ang mga kaklase natin. Baka magkamali kasi ako ng kakaibiganin eh!"

Aeternum DreamWhere stories live. Discover now