EIGHT: The Suspicion

197 8 0
                                    


NAGISING si Risa nang makarinig ng sunud-sunod na malalakas na katok mula sa pintuan ng kuwarto niya. Pupungas-pungas na napabalikwas siya ng bangon sabay silip sa alarm clock niya. It was still 6 in the morning. Masyado pang maaga para bumangon. Pikit-matang napakamot siya sa ulo sabay higa muli upang bumalik sa kanyang dream world kung saan malapit na niyang mahalikan ang bokalista ng Bloodhound na si Rhyme de Asis lips to lips.

Kaunti na lang...

Halos kaunting dipa na lang...

Kaunting-kaunti na lang at magkakadikit na ang mga labi nila...

Hanggang sa...

Hanggang sa...

Hanggang sa may biglang humampas na matigas na bagay sa mukha niya.

Agad na napadilat uli si Risa at napansing madilim ang paligid na halos hindi na siya makahinga. Kinapa niya ang nakatabing sa mukha niya at inalis iyon sa paningin niya. Pagkatingin niya ay ang unan niya pala iyon. Pero papaanong...?

"Wide awake now, sleepyhead?"

Nilingon ni Risa ang pinagmulan ng boses na iyon and saw her grumpy stepbrother, Tyrone-- arms crossed--looking at her with an arched eyebrow. He was on his usual get-up of an almost-fitted black sando shirt and pants. His dark hair was as messy as ever and his face still on goatee and eyebags. Tribal tattoos were also everywhere. A bad boy image on the rise, ladies and gentlemen.

Ngunit ang mas ikinaiinis ni Risa sa ngayon ay ang paraan ng pagising nito sa kanya almost everyday. Ano ba talaga ang problema nito? What was he? Her modified human alarm clock??? 

For a moment, she shoot him with daggers na agad niyang binawi ng isang matamis na ngiti. "Oo naman, Kuya. Thanks for that wake up call." Asshole!

"You're very much welcome, kiddo," Tyrone said, grinning. "C'mon, Tita Althea is already waiting at the dining hall." Pagkatapos ay nagpatiuna na itong lumabas ng kuwarto at isinara ang pinto.

Nanggigigil na binato rito ni Risa ang unan. She gave him the finger kahit wala na ito sa paningin niya. Argh! Buwisit na lalaking iyon! Sinira nito ang maganda na sana niyang panaginip! Why does this man had to ruin everything?!?

Nilingon na lang ni Risa ang malaking poster ni Rhyme habang nakangiti ito pabalik sa kanya hawak ang mikropono nito. Napabuntong-hininga siya. That was close. Too close!

Wala na siyang choice kundi ang bumangon at pumili ng susuotin niya. Naalala niyang nangako siya sa kanyang Mama Althea na magsisimba sila ngayon in which nakaugalian na nilang mag-ina tuwing araw ng Linggo.

Matapos niyang maligo at magbihis ay nag-flying kiss muna siya sa poster ni Rhyme bago bumaba ng hagdan patungong dining area kung saan naabutan niya ang kanyang mama na tumutulong sa paghain ng kanilang almusal kasama ang iba pa niyang mga stepbrothers na nagsikanya-kanya na ng puwesto sa hapagkainan.

"Oh, anak. Nandiyan ka na pala," usal ni Althea sa kanya. Nilapag nito sa lamesa ang dalang longganisa.

"Ate Risa! Good morning," bibong bati naman sa kanya ng batang si Wakki, ganoon din sina Rolf, Cliff at Morris. Althea smiled at the boys.

Ginantihan ni Risa ng ngiti ang mga ito. "Good morning din."

"Sige na, Risa. Umupo ka na't malapit na tayong kumain," sabi sa kanya ng mama niya. "Mabuti't nagising ka ni Tyrone. Tulog mantika ka pa naman."

Risa almost rolled her eyeballs. "Oo nga po, eh. Magaling siyang alarm clock. Sobra," wika niya, sarcasm noted. "Tulungan ko na po kayo diyan."

"Ay, huwag na, anak. Kaya na namin ito nina Manang Mildred. Sige na, umupo ka na lang diyan."

"Ate Risa, sit with me! Sit with me!!!" pangungulit sa kanya ni Wakki habang papalo-palo sa katabing upuan. Natatawang tinabinan niya ang bata.

Attracted To My StepbrotherWhere stories live. Discover now