THREE: The Dark Horse

258 8 0
                                    


DOMINGUEZ RESIDENCE. 6AM.

Napamulat ng isang mata si Risa nang maramdaman niya ang tagos ng sinag ng araw ng may kung sinong buwisit ang bumukas ng kurtina sa kuwarto niya. Nagtalukbong siya ng kanyang comforter. She was still sleepy and groggy pa. Madaling araw na siyang nakatulog kagabi dahil bukod sa late na silang umuwi galing sa restaurant ni Rufus ay nanuod muna siya ng live stream performance ng Bloodhound sa isang website.

"Ms. Clarissa, gumising na po kayo," boses iyon ng katulong nilang Lumen yata ang pangalan. Niyugyog siya nito. Isa itong pamilyadong ina na lumuwas ng Maynila upang tumulong sa pangaraw-araw na matrikula ng naiwang pamilya sa probinsya. OFW ang asawa nito na ngayon ay nasa Jeddah. May pinag-aaralan itong tatlong anak. Isang elementary at dalawang nasa high school. Lahat ay suportado ng scholarship. "May pasok pa po kayo ngayon."

Risa just remembered na araw na pala ng Lunes ngayon. Pasukan again. Maaga pa naman ang general assembly sa school nila. Ang kaso, tinatamad pa siyang bumangon. Nakaka-bad-trip. Sino ba kasi ang nag-isip na gawing 6:30 ang flag ceremony nila? "Five minutes pa..." hirit niya.

"Pero ma'am, mahuhuli na po kayo sa pagpasok kapag hindi pa po kayo bumangon."

"Five minutes na lang please, Manang..." pagsusumamo niya habang nasa kalagitnaan pa siya ng kanyang dreamworld.

Kapagkuwan ay naalimpungatan siya nang may biglang humablot ng comforter niya dahilan upang makitang nakayakap siya sa kanyang unan. Marahas siyang napakamot sa ulo habang papikit-pikit. "Manang naman eh! Bakit mo hinila ang comfor-"

"At bakit hindi?"

Natikom ang bibig ni Risa nang marinig ang isang pamilyar na boses. Saglit siyang sumulyap at nakita niya sa paanan ng kanyang kama ang madilim na anyo ng kanyang stepbrother na si Tyrone. Hawak-hawak nito ang kanyang comforter na obvious namang ito ang humablot. Nasa likuran nito si Manang Lumen. Simple lang ang lalaki sa suot nitong black sando and pants. May pinagluluksahan ba ito at color black na naman ang suot nito? At siyempre, hindi nawawala ang tribal-style tattoos nito na halos sakupin ng magkabilang braso nito. Amoy bagong ligo na rin ang lolo mo. Sarap tsupain. Joke! First thing in the morning at ito kaagad ang salubong sa kanya.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na bumalikwas kaagad ng bangon si Risa. Pasimpleng inayos niya ang sarili at ningitian ng ubod ng tamis ang nakatatandang kapatid. "H-hi, Kuya Tyrone," bati niya. "Kanina ka pa ba diyan?"

Tyrone just scowled and clicked his tongue. "Wake the hell up," sabi nito sa kanya bago inihagis nito pabalik sa mukha niya ang comforter sabay labas na ng kuwarto.

Napatanga roon si Risa. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng herodes na iyon. Tinapon lang naman nito sa pagmumukha niya ang kanyang comforter! Wow. Just wow! She hated the guy already! Ang guwapo pa man din sana. Kaso saksakan naman ng sama ang ugali! Sobrang kabaligtaran nito sina Wakki at ang iba pang mga kapatid nito na mabuti ang trato sa kanya. Talaga bang magkapatid ang mga iyon??? Ugh! Ang aga-aga, masama na kaagad ang timpla niya! Kaka-badtrip, aba!

Pagkababa ni Risa ng hagdan papunta sa dining area ay naabutan niyang nakahanda na ang almusal sa mahabang hapagkainan. Naroon din ang iilan sa mga stepbrothers niyang sina Cliff, Rolf, Coco, Morris at Wakki. Kahit ang impaktong si Tyrone ay naroon. Damn him! Si Rufus naman ay sa restaurant na nito nagpalipas ng gabi kaya wala ito ngayon. Samantalang maagang umalis ang kanyang Tito Reynaldo dahil may business trip ito sa Hongkong. Nasa Tagaytay naman ang mama niya para sa business transaction nito sa isa sa mga client about sa designs ng ipapatayong bagong resorts hotel roon.

"Good morning, Ms. Clarissa," masiglang pagbati sa kanya ni Manang Mildred. Nilapag nito sa lamesa ang hawak nitong plato na pulos sausage at hotdog ang laman.

Attracted To My StepbrotherOù les histoires vivent. Découvrez maintenant