CHARACTERS

519 8 0
                                    

CLARISSA "RISA" TATLONGSIGLO

- Ang babaeng simple-minded. 17 years old. Reyna ng disgrasya. May bitukang dragon pero tingting. Makinis ngunit may tatlong tigidig sa noo. Trademark ang bitin nitong bangs. Numerong unong adik sa video games. Avid fan ng sikat na rockband na Bloodhound. Tamad gumising ng maaga kaya halos laging late sa pagpasok. Antukin sa klase lalo na kapag math. Masarap namang magluto kahit tutong lagi ang daing. Anak ng isang magandang single mom na parang barkada lang ang turingan. May mayamang stepdad at walong guwapong stepbrothers.

DOMINGUEZ FAMILY:

REGINALD "REID" DOMINGUEZ

- Ang panganay na anak ni Don Reynaldo Dominguez. Thirty-years old. Malinis sa pangangatawan. Palaging clean cut ang buhok kahit walang balak magsundalo. Makinis ang maputing balat na parang kutis-artista. Maatowridad kagaya ng ama pero mabait sa mga kapatid. Madalas wala sa bahay. Major clean freak. Katulong ni Don Reynaldo sa business world. Engaged sa anak ng business partner ng pamilya. Mahilig kumain ng pizza.

CLIFFORD "CLIFF" DOMINGUEZ

- Ang pangalawang anak ni Don Reynaldo Dominguez. Twenty-eight years old. Malakas manigarilyo pero wala nang ibang bisyo. Pinakamatalino sa magkakapatid kaya naging magaling na abogado. Matinik sa babae ngunit stick-to-one kapay may girlfriend. Gentleman pero playboy na hindi bastos. Mahilig sa malalaking boobs. Nangunguna sa video games kaya lahat ng klaseng gaming console ay meron. Hindi kumakain ng saging.    

TYRONE "TY" DOMINGUEZ

- Ang pangatlong anak ni Don Reynaldo Dominguez. Twenty-six years old. Mukhang black sheep ng pamilya ngunit hindi naman. Perfect description ng isang ideal guy: Tall. Dark. And handsome. Pinakaguwapo sa magkakapatid kahit mukhang adik. Malaki ang eyebags na halatang palaging puyat. Maraming tattoo sa katawan lalo na sa eight-packed abs nito. Magulo lagi ang buhok na wala yatang balak magsuklay. May hikaw sa magkabilang tenga. Balak maging doktor kaya nag-aaral ng medisina. Arrogante pero malapit sa pamilya. May sweet tooth pero hindi diabetic.

ARNOLFO "ROLF" DOMINGUEZ

- Ang pan-apat anak ni Don Reynaldo Dominguez. Twenty-five years old. Parlorista ng pamilya. Araw-araw iba-iba ang ayos at kulay ng buhok. Henyo sa larangan ng cosmetics. Kilos silahis ngunit straight daw. Guwapo sana kung hindi lang nagsasalita. Unang nagka-girlfriend sa magkakapatid. May bookshelf na pulos pocketbooks ang laman. Pangarap magkaroon ng kapatid na babae na natupad naman. May alagang aso ngunit hindi chihuahua kundi dalawang doberman na pangalan ay Ate at Kuya.

RUDOLPH "RUFUS" DOMINGUEZ

- Ang isa sa kambal na panlimang anak ni Don Reynaldo Dominguez. Twenty-four years old. Mahilig sa pagkain pero hindi tabain. Magaling na chef kaya lahat ng lutong kusina kayang lutuin. Nakakatakot kapag may nakikitang left-over na pagkain sa plato. Laging may suot na apron kapag nasa bahay. Mabait sa lahat kahit sa katulong. Malapit sa mga kapatid lalo na sa kakambal nito. Nauna lang lumabas ng sampung segundo sa kambal na si Coco.

ROSCOE "COCO" DOMINGUEZ

- Ang isa sa kambal na pang-anim na anak ni Don Reynaldo Dominguez. Twenty-four years old. Kabaligtaran ni Rufus sa maraming bagay. Hindi magaling magluto. Dakilang pasaway sa magkakapatid. Mahilig gumawa ng kalokohan lalo na sa mga nakababatang kapatid. Magaling sa lahat ng larangan sa sports lalo na sa drag racing. Mahilig pumunta ng concerts lalo na kapag idols na ang pinaguusapan galing Japan o Korea. Mistulang best friend ni Risa sa sobrang close nila. Kahit maloko ay over-protective sa mga kapatid lalo na sa kakambal nito.

MORRISON "MORRIS" DOMINGUEZ

- Ang panpitong anak ni Don Reynaldo Dominguez. Nineteen years old. Boy-next-door ang dating. Sikat sa buong campus dahil nga guwapo. Kahit baby face magaling naman sa martial arts. Taekwondo. Judo. At kung anu-ano pang dinadaan sa sakit ng katawan. Second-year college na sa kursong advertising. Avid fan ng Gundam series kaya may sanlaksang collection ng Gundam sa kuwarto. Naging close ni Risa dahil magkalapit ang edad nila na kasabayan rin niya papasok sa eskwela. Hindi magaling dumiskarte pagdating sa babae. In short, torpe.

JOAQUIN "WAKKI" DOMINGUEZ

- Ang pangwalo at bunsong anak ni Don Reynaldo Dominguez. Four years old. Nasa kindergarten pa lamang. Parang matanda kung magsalita. Hindi makulit kagaya ni Coco. Malambing na bata. Masunurin sa nakakatanda. Todo alaga ng mga kuya kaya naging spoiled kung minsan. Mahilig sa sweets ngunit laging nagsisipilyo kaya walang bulok na ngipin. Nanunuod din ng cartoons gaya ng ibang bata. May alagang guinea pig na pangalan ay Chico.      

OTHER CHARACTERS:

DON REYNALDO DOMINGUEZ

- Ang padre de pamilya ng Dominguez. Stepdad ni Risa. Isang sikat na business tycoon sa mundo ng business industry. Nakakatakot sa unang tingin ngunit mabait lalo na sa mga anak nito at kay Risa. Strikto pagdating sa business. 

MA. ALTHEA TATLONGSIGLO

- Ang naging maybahay ni Don Reynaldo Dominguez. Isang single mom. Mama ni Risa. Isang mahusay na interior designer. Favorite ang dinuguan. Mukhang teenager kaya laging napagkakamalang ate ni Risa. Binibigay ang luho ng nag-iisang unica hija. Si Risa lamang ang tanging kayamanan nito sa buhay.    

CHELSEA KARMINE "CHISA" ALFONSO

- Ang bestfriend since forever ni Risa. Isang ring dakilang fan ng Bloodhound. Mahilig din sa boyxboy. Malawak ang imahenasyon. Isang indie composer. Wala pang forever. May malaking boobs.

Attracted To My StepbrotherWhere stories live. Discover now