TWO: The Dominguez Brothers

283 10 0
                                    


THE DINING BISTRO. 7pm.

Kanina pa kumakalam ang sikmura ni Risa. Sa isang mamahaling restaurant sila dinala ng driver na si Cervantes. And thank heavens, hindi na limousine ang sinakyan nila kundi isang Roll-Royce lang naman kasama ang dalawa sa magkapatid na Dominguez.

Nasa backseat si Risa katabi ang batang si Wakki na kanina pa walang imik. Samantalang nasa shotgun seat naman si Coco at walang preno ang bibig! He was more talkative compared to his little brother! Napagtanto niyang masyadong friendly ang lalaki at hindi mahirap pakisamahan. Ang dami nga nitong kuwento sa kanya about sa mga interest nito lalo na ang pagpunta nito sa mga concerts in and out of the country especially kapag girlbands and pop idols. Nakapunta na nga ito noon sa Japan just to watch a concert ng isang sikat na female idol roon. Just... wow. Ito na ang may pera.

"Hindi po ba kayo sasabay sa amin mag-dinner, Kuya Cervantes?" tanong ni Risa sa driver pagkababa nila ng kotse.

Umiling ang matanda. "Hindi na ho, Ms. Clarissa. Dito lang ako sa sasakyan maghihintay hanggang sa matapos kayo," turan nito.

Pipilitin pa sana ito ni Risa nang hilahin na siya ni Wakki papasok sa loob ng restaurant. Sinabihan pa siya ni Coco na hayaan na ang driver sa sasakyan. Wala nang magawa ang dalaga kundi ang sumunod sa mga ito. Inisip na lamang niya na maybe parte din ng trabaho ni Cervantes na bantayan ang kotse para hindi ma-carnap.

The moment they stepped inside ay agad silang sinalubong ng isang guwapong lalaki na kahawig ni Coco. No. In fact, they don't just resembled each other, they looked exactly alike. More like twins. Maliban lamang sa wala itong nunal sa mukha.

"Hey there, Coco! Little Wakki!" the guy greeted them with a bright smile.

"Yo, Rufus!" ganting bati naman ni Coco rito. Nag-high five pa ang dalawa habang ginulo ng nagngangalang Rufus ang buhok ni Wakki.

Wakki pouted his lips. "Kuya, stop it," saway nito, salubong ang mga kilay. He even crossed his little arms over his chest. God, this child was so damn cute.

Rufus chuckled. "Sorry, little bro." Saka ito bumaling sa kanya. "And you must be Tita Althea's daughter. Clarissa, right?"

Tumango si Risa. "Okay lang kahit Risa."

Ngumiti ito sa kanya. "Welcome to Dining Bistro. I'm Rudolph. Rufus for short. I'm Coco's twin if nagtataka ka kung bakit magkahawig kami."

Ooh...? Sabi na nga ba niya. She was right. Obvious naman kasi, eh.

"Now allow me to escort you guys," ani Rufus sa kanila. "Naghihintay na sila sa inyo."

Pagdating nila Risa sa nasabing table ay napalingon ang lahat sa kanila. Nakita niya ang kanyang Tito Reynaldo na nakapuwesto sa pinakasentro katabi ang mama niya na nakangiti sa kanya. There were also other faces na mukhang makikilala pa lamang niya later. Except, they were all boys. Not only that, makalaglag-pantay pa ang kaguwapuhan ng mga herodes!

Napahugot si Risa ng malalim na hininga. Jusme lang. Sino naman kaya ang mga nilalang na ito?

"Well, don't you just stand there. Have a seat," wika ni Reynaldo sa kanilang tatlo.

At nagkanya-kanya sila ng puwesto. Magkatabi sina Rufus at Coco. Samantalang tumabi siya sa mama niya at si Wakki naman sa tabi niya umupo. Napansin niyang bakante ang isang silya sa tapat niya.

"Oh, bakit wala pa siya dito?" narinig niyang bulong ni Coco kay Rufus.

Nangunot ang noo ni Risa. Sino kaya ang tinutukoy ng mga ito? Their other sibling?

Reynaldo cleared his throat. "Where's Tyrone?" tanong nito sa kanila. "Reginald?"

Tyrone? Siya ba dapat ang nakaupo sa tapat niya?

Attracted To My StepbrotherWhere stories live. Discover now