CHAPTER 31: The Strong Woman

Start from the beginning
                                    

Hinintay ko'ng bumalik ang mag-ina pero ilang minuto ang lumipas wala sila. Ilang saglit pa, may panibagong client na dumating. Isang matandang lalaki na humihingi ng tulong para sa insurance niya na ayaw ibigay sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng detalye at impormasyon na makakatulong sa kaso. Tinanggap ko ang kaso na gusto niyang isampa sa kumpanya at nangako akong tutulungan siya. Pagkatapos nu'n ay sinabi ko'ng tatawagan ko na lang siya para bigyan siya ng update sa kaso. Kailangan ko rin kasi ng oras para pag-aralan ito.

Pagka-alis ng matandang lalaki. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi pa pala ako nag aalmusal dahil sa sobrang excitement ko sa first day ng sarili ko'ng law office. Nag ke-crave ako sa breakfast meal ng jollibee duon sa kabilang kanto. Mapuntahan nga.

Sumilip ako sa bintana bago umalis. Umuulan pala sa labas. Kinuha ko ang payong ko'ng itim at lumabas muna ng opisina para kumain. Sinigurado ko'ng naka-lock ang aking opisina bago umalis. Mahirap pala ang mag solo ng ganito walang mapag-iiwanan. Sayang baka may client na pumunta. Siguro dapat na akong maghanap ng secretary. Hindi ko pa sana balak pero mukhang kailangan na. Minsan talaga ang kuripot ko. Naalala ko tuloy si Jana na laging nagrereklamo noon na kuripot ako sa sarili ko pero hindi sa kanya.

 Paglabas ko ng building, nakita ko sa may bench chair ang babae kanina. She was across the road at the mini garden in front of our building. Nagpapaulan siya at nakayuko lamang. Ano kayang nangyari sa away nilang mag-ina kanina?

Teka? Buntis siya 'di ba? Makakasama sa baby niya ang ginagawa niya.

Saktong nag-red light para sa mga sasakyan. Tumawid ako papunta sa kanya kahit umuulan. Tumakbo ako habang hawak ang aking payong. Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang pinayungan.

Napatingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkabigla, "A-Attorney?"

"Hi! Bakit ka nagpapa-ulan? Makakasama sa baby mo 'yan."

Pinunasan niya ng kamay niya ang mga mata niya. Umiiyak ba siya? Hindi ko napansin dahil basa na siya ng ulan. Humawak siya sa kanyang tiyan at umiwas siya ng tingin sa akin. "N-Nagpapalipas lang ako ng oras, attorney."

Nakaramdam talaga ako ng pag-aalala sa batang dinadala niya, "Kung gusto mo'ng magpalipas ng oras, h'wag dito. Nababasa ka at gaya nga ng sabi ko makakasama sa baby mo kapag nagkasakit ka. Halika, ihahatid kita duon sa silungan."

Hindi naman siya umangal at agad na tumayo. Naglakad kami sa ilalim ng payong ko papunta sa malapit na establishment para sumilong.

"P-Pasensya na sa abala, attorney. Lalo na sa iskandalo kanina," nahihiya niyang sambit.

"Huwag mo'ng isipin 'yon. Sabihin na lang nating sanay na ako sa mga gano'ng eksena dahil sa trabaho ko." Ang totoo niyan hindi. Karamihan ng client ko dati mga bigating tao, mga mayayaman, at professional. But I think that should help her out from being embarrassed.

Pero na-curious ako sa kanya. The way she said na hindi pagkakamali ang baby niya, makes me wonder who she really is. How strong she is. "I'm about to eat breakfast at Jollibee. Would you like to join me?" Naisip ko'ng isama siyang kumain para sa baby niya. Kawawa naman kasi at baka magkasakit pa sila.

"Naku! H'wag na po, attorney. Nakakahiya po," natataranta niyang pagtangi.

"Please. I insist. Nagpaulan ka kanina at mas malaki ang chance mo'ng magkasakit kapag hindi ka kumain. Kawawa ang baby sa tiyan mo. Huwag kang mahiya, besides you'll be my client," sambit ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya't gano'n rin ako. Gulat siyang napatingin sa akin. "Ano po'ng ibig niyong sabihin, attorney?" 

Natawa ako ng kaonti. Masyado siyang magalang. "Kier. Ako si Kier. Nasa labas naman tayo ng opisina ko kaya hindi mo ko kailangan tawaging attorney. Para na rin maging mas kumportable ka sa akin at masabi mo ang tungkol sa kaso. What I mean is I will help you and your mom with your case. Shall we talk about it with a nice meal?"

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now