"You've sacrificed so many things for your loved ones. Kaya ka nandito. Am I right?"

Hindi siya sumagot sa tanong nito.

"Kung walang-wala ka na, anong kaya mong isakripisyo para sa mga taong mahal mo? Katawan mo?" tanong ng lalaki na hindi niya mabigyan ng kasagutan. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagtanong sa kanya. Ngunit kahit siya ay hindi masagot ang tanong nito. She'd sacrificed herself. Is it not enough?

Tumingin ang lalaki sa kaniyang katawan mula ulo hanggang paa. Napalunok siya sa tingin na ibinigay nito sa katawan niya.

"Puso mo?" Itinaas nito ang ballpen at itinuro ito sa kaniyang dibdib.

"O buhay mo?" Nagulat siya nang makitang nasa harap na niya muli ang lalaki. Gumapang ang kamay nito sa kanyang leeg at sinakal ito. Buhay ba niya?

"Ano?" tanong pa ng lalaki.

"Isa kang alipin na lumaki sa lugar na 'to. Nagsakripisyo ka na para sa pamilya mo. Buhay mo ang ibinigay mo kapalit doon. Sa pagkakataon na 'to, anong kaya mong ibigay sa 'kin kapalit ng tulong ko na mailabas ka sa lugar na 'to at protektahan ka sa mga bampirang humahabol sa dugo't katawan mo?"

Sunod-sunod ang mga ibinigay nitong katanungan na ikinagulat at ipinagtaka niya. Kanina lamang ay taimtim itong nakatingin sa kanya. Subalit ngayon ay pinaulanan siya nito ng mga tanong na hindi niya mabigyan ng sagot.

"Nagmamadali ako at inuubos ko ang oras ko sa 'yo ngayon. Marami pa akong gagawin kaya bigyan mo ako ng magandang sagot para tulungan ka."

Hindi siya umimik. Lumayo siya sa lalaki. Nakita niya ang vase sa gilid. Kinuha niya iyon at hinayaan na bumagsak ito sa lapag. Kumuha s'ya ng isang matulis na parte ng basag na vas. Gamit iyon ay sinugatan niya kaniyang sarili. Hinayaan niyang pumatak ang kaniyang dugo sa sahig habang nakatingin lamang sa pulang likido na dahan-dahang kumakalat sa lapag. Nakayuko siya at walang lakas loob na tumingin pabalik sa lalaki.

"Isang bagay na makakatulong para sa 'yo..." bulong niya.

Ito lamang ang naiisip kong bagay na makakatulong sa 'kin at maibibigay ko sa 'yo...

"Wala akong pangalan. Wala akong kayamanan. Wala akong ibang pagmamay-ari kung hindi ang katawan na 'to at kung ano ang nandito," sagot niya at itinuro ang kaniyang ulo. Alam niyang hindi sapat ang mga kaalaman niya lalo na't pinalaki siya bilang isang alipin pero ito lamang ang mayroon siya.

Dugo, kaalaman, at ang kanyang katawan.

"Nagmamadali ka at desperada na ako. Saan ka ba makikinabang ng husto sa katawan na 'to? Ito..." Itinaas niya ang kaniyang kamay at ipinakita ang dugo niyang patuloy na lumalabas mula sa kaniyang sugat.

Kung kaya siya nitong protektahan, ibibigay na niya ang lahat makawala lamang sa buhay na 'to.

"Dugo. Dugo na siyang bumubuhay sa katulad mo."

Hindi umimik ang lalaki. Sa halip ay hinawakan nito ang kanyang kamay at dinilaan ang dugong tumutulo dito. Nagulat siya sa ginawa nito. Damang-dama niya ang malambot nitong labi sa kanyang balat at ang nakakakiliting malambot na dila na gumagapang sa kanyang kamay.

"Huwag mong sugatan ang sarili mo. Huwag mo ring sayangin ang dugo mo. Katawan mo na lamang ang maibabayad mo sa 'kin. Ingatan at pangalagaan mo 'to," wika sa kaniya ng lalaki. Mas lalo pa siyang nagulat sa sinabi nito. Hindi niya mabasa ang lalaki. Hindi niya malaman kung ano ba talagang habol nito sa kanya. Bakit handa itong magsayang ng oras para sa kanya? Para sa anong bagay?

Hinawakan ng lalaki ang maputla niyang labi. Ginapang nito ang kaniyang kamay patungo sa malamig nitong pisngi. "Kapag nawalan ng saysay itong katawan mo, ano na lamang ang ibabayad mo sa 'kin?"

Blood Slaves (The Frey, #2)Where stories live. Discover now