2. The Underground

3.3K 110 5
                                    



BLOOD SLAVES

CHAPTER TWO

"The Underground"


Poverty.

Extreme poverty was the main reason why she went through this path, a Blood Slave. She can't remember her family. Ni hindi na niya maalala ang mukha ng kaniyang ama't ina, kung paano magkaroon ng pamilya, ng mga magulang na mag-aalaga at magmamahal sa kanila. Siyam silang magkakapatid. Pang-pito siya sa mga ito. Ang pinaka panganay sa kanila na lalaki ay nalulong sa pinagbabawal na gamot. Labas masok ito sa kulungan. Walang pakialam sa pamilya sapagkat ang mga magulang nila ay matagal na silang pinabayaan.

Ang sumunod sa panganay ay babae na maagang nagkapamilya. Lumisan ito sa kanila at sumama sa nobyo nitong nakabuntis dito. Ang pangatlo sa kanila ay pinaampon ng kaniyang mga magulang sa mag-asawang hindi magka-anak anak. Wala siyang alam tungkol sa kapatid niyang ito dahil ni minsan ay hindi ito nabanggit ng kaniyang mga magulang. Ang pang-apat ay namatay sa sakit na dengue. Walang pang-ospital at panggamot ang kanyang mga magulang kaya't napabayaan ito hanggang sa bawian ito ng buhay.

Ang panglima at pang-anim ang naiiba sa kanilang lahat. Sa kanilang magkakapatid, ang dalawang ito ang pinaka masipag. Sa murang edad ay natuto na ang mga ito ng magbanat ng buto. Ito ang tumutulong sa kaniyang mga magulang. Labandera ang kanyang ina samantalang tambay naman ang kanyang ama. Dahil dito ay may nakakain sila kahit isang beses sa isang araw. Ang sumunod sa kaniya, ang mga bunso niyang kapatid, ay mga namatay dahil sa malnutrisyon at iba pang sakit.

At siya ang pangpito.

Na nagawang ibenta ng kaniyang ina sa black market kung saan bumibili ang mga bampira ng mga Blood Slaves. Naibenta siya ng kanyang ina sa halagang isang libo.

Isang libo... na malaking pera na para sa kanila. Isang libo na maba-budget na nila sa isang buwan. Isang libo kung saan makakakain ang kaniyang pamilya. Isang libo ang halaga niya. Isang libo na napalaking tulong na para sa kaniyang pamilya.

Sa murang edad, naintindihan na niya ito agad. Hindi siya pumalag. Hindi siya humingi ng saklolo. Walang luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

Dahil sa isip-isip niya ay malaking tulong na ito para sa pinakamamahal niyang pamilya.

Pamilyang binigyan niya ng pagmamahal ngunit siya'y hindi sinuklian ng pagmamahal ng mga ito.

Natutuwa pa siya noon sapagkat mamamatay siyang nakatulong sa kaniyang pamilya. Kahit buhay niya ang kapalit nito.

Ang buong akala niya ay mabilisan lamang ito. Akala niya ay dugo lamang ang kailangan ng mga bampira at idedespatsya na siya ng mga ito.

Ngunit nagkakamali siya sapagkat diyamante pa pala ang matutuklasan ng mga ito at hindi basura.





Bumalik siya sa realidad nang marinig niya ang malalakas na pagkalampag ng isang metal sa truck. Nagising ang ibang batang natutulog. Natakot at nagsimulang mag-iyakan ang karamihan sa mga ito.

Bumukas ang pinto ng truck. Sinalubong muli sila ng babaeng kumausap sa kanya. Ang lawak ng ngiti nito sapagkat malaki-laking pera ang makukuha nila dahil sa mga batang naipon nila ngayon.

"Gising mga bata!" sigaw nito.

"Oras na para sa palabas! Oras na ulit para kumita ng pera," wika nito habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi nito.

Blood Slaves (The Frey, #2)Where stories live. Discover now