Kabanata XIV

6.9K 145 12
                                    

KABANATA XIV

HINDI mapigil ni Helion ang panginginig ng kanyang mga kalamnan. Pakiramdam niya'y sasabog na siya sa tagal ng paghihintay sa labas ng silid na kinaroroonan ni Alexa. Namamanhid na siya. Wala na siyang pakiramdam. Ni hindi nga niya napapansin ang lumuluhang si Inigo at ang ekspresyon ni Ivo na punong-puno ng guilt sa kanyang harapan.

All he knows is that time seemed to freeze. Huminto ang mundo niya, nasa bingit na ng paggunaw. And he couldn't even do anything to salvage that.

Bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng nasabi niya kanina kay Alexa. Waring nagsilbing pako ang mga iyon na paulit-ulit na ibinabaon sa kanyang puso. He remembered the words. The exact words that implied he was giving up. The instant he said it, alam niyang hindi totoo ang lahat ng iyon. Alam niyang hahabol at hahabol pa rin siya kay Alexa at patuloy na makikiusap na unawain siya.

He'd make her believe kung hindi man ito maniniwala. Kukumbinsihin niya si Alexa, gagawin niya ang lahat para lang maniwala ito sa kanya.

Hindi niya kakayaning pakawalan si Alexa. No, not ever. He'd known that the instant na nagpasya siyang pairalin ang galit niya't matauhan pagkatapos. Hindi malaman ni Helion kung ano'ng pumasok sa isip niya nang sabihin ang mga bagay na iyon sa dalaga. Nasaktan siya, oo. Pero hindi nakabuting sinabayan niya ng sarili niyang galit ang sitwasyon. He had to learn to curb his selfish need to retaliate or he'll drive Alexa away forever.

"Kuya Helion... Kuya Helion, s-sorry."

Ngunit parang wala siyang narinig. Patuloy siyang nakatungo at binibigyang interes ang puting sahig ng ospital.

Kahit kailan ay hindi siya nanalangin. Kahit kailan ay hindi siya humingi ng tulong sa kung sinuman ang nasa itaas. But at that moment, natagpuan niya ang sarili niyang kinakausap ang nasa langit, nakikiusap sa may kapangyarihan na iligtas ang buhay ng anak niya't ang buhay ng pinakamamahal niyang babae. It wouldn't be worth it to live his life without them. Mas mabuti pang mamatay na lang rin siya kaysa ang magdusa sa mundong ito ng wala si Alexa.

"Mr. Knight?"

Agad siyang umalerto nang marinig ang pamilyar na boses ng doktor na dumalo sa kanila kanina nang isugod niya si Alexa sa emergency room. May kung ano'ng nabunot na tinik sa kanyang dibdib nang makita ang ngiti nito.

That smile meant something good. Right?

"S-Si Alexa..." halos hindi niya makilala ang basag na tinig na iyon. Pakiramdam niya'y kay tagal niyang hindi nagamit ang boses niya maging lahat ng senses ng kanyang sistema. "Si Alexa... k-kamusta siya?"

"Miss San Joaquin is good. Hindi gaanong marami ang dugong nawala sa kanya, you made it here on time, Mr. Knight. Konting pahinga lang at pwede n'yo na siyang ilabas mamaya sa ospital."

"M-My baby... my baby is she safe?"

"Certainly, Sir! Safe ang bata. Healthy at malakas ang kapit. Pero I suggest na huwag nang mai-stress ulit si Miss San Joaquin. Ayaw niya sa ospital. Magkakaroon tayo ng malaking problema kapag naulit ito lalo na if you're aiming for normal delivery. Baka magkaroon ng komplikasyon and that's what we're trying to avoid."

Tumango siya ng sunod-sunod, itinatanim sa kanyang isipan ang lahat ng sinabi ng doktor. Ngayon pa lamang ay iniisip na niya ang mga maaaring gawin upang maibsan ang stress ni Alexa.

"Can I see her?"

"Definitely. Nagpapahinga pa siya pero magigising din 'yon mayamaya. I'll see you around, Mr. Knight."

Agad siyang pumasok sa silid na kinaroroonan ni Alexa. Hindi niya napansin na kasunod niya ang kambal sa likuran. Naupo siya sa gilid ng kama ni Alexa, hinawakan ng mahigpit ang kamay nitong walang suero. He kissed her hand, feeling so relieved to hear her heart beating.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon