Prologo

39K 510 26
                                    

PROLOGO

“LUMAYO ka sa mga bagay na gusto mo…”

Madalas, kuntento na siya sa pagtingin-tingin sa dalagita mula sa malayo. Ipinagkakasya ang sarili sa pagtanaw, natatagpuan ang sarili madalas na ngumingiti kapag masaya ang iniirog. Hindi niya kahit kailan naisip, maski na sa hinagap man lamang, na magmamahal siya ng ganito katindi. Ni hindi nga niya inakalang makakaramdam pa siya ng ganitong klaseng emosyon matapos ng lahat ng bagay na ibinato sa kanya ng tadhana.

At lalong hindi niya naisip—maski na sa panaginip—na ang katulad ni Alexa San Joaquin ang mamahalin niya.

She came to him like a blessing. An avenging angel meant to save him. At siya naman ang dalawampu’t anim na taon na guardian ng labing anim na anyos na batang ito. Mariin siyang napapikit at minasahe ang kanyang sentido. Muhing-muhi siya sa sarili sa tuwing ipinapaalala ng kanyang konsensya ang katotohanang iyon.

Alexa is an orphan, left to the care of Hospicio De San Joaquin na pinopondohan ng kanyang pamilya simula pa man noong bata pa sila ng kanyang kapatid na si Britanni. Musmos pa lamang nang iwanan ng mga magulang nito si Alexa sa hospicio sa hindi malamang kadahilanan. Hindi na-trace at nahanap ng mga madreng tagapag-alaga sa hospicio ang nag-iwan sa dalaga kaya’t minabuti ng mga itong ampunin at kupkupin na ng tuluyan si Alexa.

Masaya siyang ginawa iyon ng mga madre dahil at least ay nakilala niya si Alexa sa pamamagitan nila. Pero naiinis siya’t nagagalit dahil sa sitwasyon niya. This is just plain twisted. Very veryyy twisted! Bente sais anyos siya at si Alexa’y labing anim na taong gulang lamang. This is a crime. A sin to everybody’s eyes. Parang ang magiging labas pa’y pinagsasamantalahan niya ang bata.

Pero anong magagawa niya? Isa siyang makasariling tarantado na hindi kayang layuan si Alexa kahit pa alam niyang iyon ang kanyang dapat na gawin. It’s just isn’t that easy.

“Helion! Salamat ng maraming-marami! Ang ganda-ganda talaga nito! Salamat po!”

Napangiti siya sa nakikitang kasiyahan ni Alexa. Kay lapad ng ngiti nito habang hawak-hawak ang dinala niyang mga damit na pinamili niya kanina bago pumunta rito. Gustong-gusto niya talaga kapag masaya si Alexa. Nagniningning ang mga mata nito at bahagyang namumula ang mga pisnging gusto niyang panggigilang halikan.

“Mabuti nga’t nagkasya sa ‘yo lahat. Hindi kasi ako sigurado sa size. Baka kasi nagbago na.” Malinaw naman kasing nagbabago na talaga ang katawan ni Alexa at nagsisimula nang humubog sa katawan ng isang dalaga at hindi ng isang bata.

“Salamat talaga, Helion! Sobrang salamat!”

“Naku, ikaw talagang bata ka!” sabad ni Mother Superior sa kanilang palitan. “Ilang beses ko bang sasabihing ‘Sir’ ang itawag mo kay Mr. Knight? O kahit kuya na lang! Nakakatanda sa ‘yo ‘yan, aba!”

Nawala ang ngiti ni Helion nang maglaho ang ngiti ni Alexa. Tila dumilim ang kanyang nagliliwanag na mundo nang ngumuso ito at kumunot ng noo. “Ayoko nga! ‘Tsaka okay lang naman kay Helion na tawagin ko siyang gano’n. Kayo lang naman ang may ayaw.”

Lihim siyang napangiti. Magsasalita pa rin sana si Mother Superior nang tanguan niya ang matanda’t senyasan na iwanan muna sila saglit. Kagyat naman ang pagtikom nito ng bibig saka tumango at umalis ng katahimikan lamang ang nagsilbing pamamaalam.

Sinundan ng tingin ni Alexa ang papalayong matanda bago ito tumingin sa kanya at umiling-iling. “Grabe talaga ang powers mo, ‘no? Kaya mong patahimikin si Mother. Isang pitik mo lang o kaya’y tango, gets na nila. Hindi kaya sila nagtatakang extra bait ka sa ‘kin?”

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon