Kabanata II

19.2K 404 16
                                    

May napanood akong nakaka-WTF sa 9gag. Yung Big Bad Wolf. Try nyong panoorin, magw-WTF din kayo. XD Anyway salamat sa nagbabasa at kay Lil Jimmy na nagco-comment. (sa makagets ng joke na yan, love you. hahaha) XD

Enjoy!

***

KABANATA II

THERE were only a few things that makes Helion Knight’s knees go weak. Bilang na bilang niya sa isang daliri ang mga pagkakataong natakot siya ng husto o nakaramdam ng isang napakatinding emosyon, sapat upang manghina ang bawat kalamnan sa kanyang katawan.

At isa na roon ang pagkakataong ito.

Sa tagal ng panahong hindi nagbunga ang lahat ng pagtya-tiyaga niyang hanapin si Alexa sa kung saan-saan, nawalan na siya ng pag-asang kahit kailan ay matutunton niya pa ito’t mahahagkang muli. He’d been resigned to the ugly fact na hanggang panaginip na lamang niya makakasama ang dalagang tinakasan sila sa hospicio sampung taon na ang nakakalipas.

It was like she disappeared off of the face of the earth. Sinubukan niya ang lahat. Nag-hire ng ilang private detectives para mahanap si Alexa. Sinundan at pinabantayan ang account na inilaan niya para sa dalaga noon na nakakonekta sa hawak nitong debit card. Pero kahit na minsan—pwera sa isang beses na iyon—ay hindi in-access ni Alexa ang card. That worried him the most. Dibale sana kung sigurado siyang may napagkukunan ito ng pera para mabuhay. Dibale sana kung alam niyang ligtas ito’t nasa mabuting mga kamay.

Simula nang mawala si Alexa’y lumala lamang ang mga bangungot na nilalabanan niya. He learned to stop trying to sleep at night. Hindi niya alam kung paano matutulog ng mahimbing gayong nag-aalala siya ng husto sa kalagayan ng dalaga. Pero sadyang kahit na ano’ng gawin niyang hanap, hindi niya matagpuan si Alexa. Pakiramdam nga niya’y para siyang dinaya ng tadhana. Pinagkaitan at pilit na pinarurusuhan sa hindi niya malamang kasalanan.

“M-Mawalang galang na po.”

Napakunot siya ng noo nang makarinig ng tinig mula sa likuran. Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha mula sa leeg ni Alexa. Bumungad sa kanya ang isang babaeng nakakunot ang noo at tila takang-taka sa nangyayari.

“S-Sorry ho, mawalang galang na. Napagkamalan n’yo yata kasi ang kaibigan ko. O-Oy, Alexa. Buhay ka pa ba d’yan?” saka nag-aalangang nginitian siya nito. “H-Hindi na ho yata siya makahinga.”

Dahil doon ay dahan-dahan niyang inilayo ang sarili mula sa yakap-yakap na dilag. He cupped her face and guided her to look at him. Nakita niyang nanlalaki ang mga mata ni Alexa, maya’t-mayang kumukurap na tila hindi makapaniwala sa nakikita. He’d laugh if only he wasn’t feeling as weepy as he is now. Pakiramdam niya’y kaunting tulak lang ay bibigay na siya ng tuluyan.

“Sweetheart… baby girl… do you recognize me? Hey, it’s me. It’s me… Helion. Do you remember, baby?”

She had to remember. Dahil maski na sampung taon na ang nakakaraan simula nang huli niyang makita ito’y kabisadong-kabisado pa rin niya ang itsura ni Alexa. Marahil ay nagbago ng kaunti ang dalaga sa paglipas ng panahon—ang kulay nitong dati’y kay puti ay pinintahan na ng pagbababad nito sa araw, ang katawan nitong dati’y hindi pa umuusbong, ngayo’y hinog na hinog na. Small changes gaya ng buhok nitong napakahaba na ngayon, tinalian at pinatungan ng maruming sumbrero. Ang mga kamay nitong naging magaspang na sanhi ng hirap at pagta-trabaho.

But to him she was still his Alexa. His sweet, sweet Alexa. At kahit pa hindi siya matandaan nito, pipilitin niyang ipaalala. Pipilitin niyang alalahin ni Alexa ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya at higit pa.

The Innocent and The DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon