• KABANATA 31 •

645 26 0
                                    

Kabanata 31

Point Of View

- Raphael James Tianela -

MALL

"So saan tayo una?" Tanong nya sakin.

"Lakad lakad muna" bigla syang kumapit sa braso ko kaya nagulat ako pero hinayaan ko na din.

"Uyyy!" tumigil sya sa paglalakad kaya napatigil din ako hawak kaya nya braso ko. "Tingin muna tayo ng bagong Books" hinila nya ako papasok. Naku naman!

"May pambili ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala! Kaya nga sabi ko tingin lang diba?" tss. May kinuha naman syang libro at tinignan yun. Ako naman nagtingin tingin na din ng ibang libro.

"Wala namang magandang libro dito" binalik ko yung tinignan kong libro "So ano na?" Baling ko kay Shiela.

"Tara na!" hinila na naman nya ako . -___-

Nag lakad kami ulit. Eto ang ayoko sa Mall tsk. Bakit dito pa kasi naisipan kong pumunta?

"Waaah! Sandali" tumakbo sya papasok sa tindahan ng mga Stuff Toys, sumunod ako at naabutan ko naman syang may hawak na malaking hita ng Manok. Yan pa ang napili nya? =.=

"Gutom ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ang Cute lang kasi! Bibilhin din kita" binalik nya dun yun habang nakangiti. "Tara maglilibot pa tayo" nagpauna na naman sya palabas. Binalikan ko ng tingin yung malaking hita ng manok.

ItscathyTanSTORIES

"Gusto nya talaga 'to?" tsk. Kinuha ko yun at nagpunta sa may Cashier since G.G.A ko sya Thanks Gift ko na lang 'to sa kanya.

Paglabas ko ng Store na yun nakita ko sya na napapalibutan ng mga lalaking naka Varsity Jacket ng School namin so sila ang Basketball player namin sa School nilapitan ko sila.

"Excuse me! Hahanapin ko pa si RJ" sabi ni Sheila.

"Sandali lang naman Miss" - Guy 1.

"Nasa Mall tayo pwede ba umalis kayo dyan" - Sheila

"Sumama ka na lang samin" hinawakan ng isa sa kanila sa Braso si Sheila. Hindi nga pala sya multo ngayon Tsk.

"Anong meron dito?" lumapit ako kay Sheila.

"RJ!" hinawakan ko ang Kamay nya.

"RJ bro! Kilala mo ba yang Chics na yan?" - Guy 3. Kilala nila ako pero hindi ko sila kilala. Sabagay kami pala ang may ari ng school na pinapasukan nila.

"Yeah..She's my Girlfriend!" tinaas ko ang kamay namin suot parin naman nya yung Couple ring na bigay ni Mommy.

"Ganun ba? Sayang Type ko pa naman sana, since GF mo na sya hindi na namin sya jukulitin pero Miss pag Break na kayo ako na lang.. Drake nga pala" tinap ako sa balikat nung Drake bago sila umalis sa harapan ko. Tss ganyan ba ang mga Varsity namin?

"Asa ka naman!" pasaway talaga to nag belat pa =.=

"Ikaw ha! Bakit kasi lumalayo ka?" Tanong ko sa kanya pero nakasmile lang sya sakin problema nito "W-What?"

"Chansing!" nginuso nya ang kamay namin kaya napabitaw ako.

"Chansing ka dyan! Tara na nga"

"Wag ka na ngang mahiya" humawak sya sa Braso ko.

"Oh!" inabot ko sa kanya yung Stuff Toy na Chicken Leg.

"WOW! Sakin to? OMG! Thankyyy~" nagulat ako ng yakapin nya ako O.O

Madami kayang tao dito >_>
Masaya na sya nyan pero yung Dibdib ko bumilis ang tibok ng Puso ko "Salamat talaga ah!" niyakap nya yung Chicken Leg kahit nakabalot pa =.=

"Nakakahiya ka!" natatawa kong sabi sa kanya at hinila sya para syang Bata eh

My Guardian Ghost Angel (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن