• KABANATA 8 •

844 29 0
                                    

° KABANATA 8 °

Point Of View

- Sheila Mae Sabado -

"Hoy, Umaga na oy!" niyugyog ko si Raphael 8 am na kaya, hindi parin sya nabangon.

"Naah. Inaantok pa ako kaya pwede alis muna!" hinigit nya yung Kumot at nagtalukbong Okay lang naman na di sya bumangon eh kasi wala naman pasok. Basta ayoko sa mga taong late bumangon.

"Raphael! Wala ka bang gagawin? Bumangon ka na!" tinanggal ko yung Kunot.

"Go Away! Wala akong gagawin"

"Hmp!" tumayo na lang ako ayaw nya Talaga ah tumalon-talon ako sa Kama.  "Yeee!"

"Stop it! Natutulog ako" hindi ko sya pinansin nagpatuloy lang ako sa pagtalon "STOP!!" bumangon sya bigla at galit na nagkamot ng Ulo tumigil naman ako at umupo sa tabi nya.

"GOOD MORNING! Rise and shine Happy Saturday!"

"What do you want? Ang aga-aga nang- bibwisit ka!"

"Wala lang! Wala kasi akong makausap"

"WHAT?! Ginising mo ako dahil wala kang makausap tangina mong multo ka!"

Minura nya ako?
Kinuha ko yung Unan at hinampas ng hinampas sa Ulo nya.

"Sino nagsabi sayo na murahin mo ako?"

"Aray! Tumigil ka nga Ano ba?" inagaw nya yung Unan sakin at tinignan ako "Wala ka talagang magawa sa buhay mo Ano!"

"Bakit ang gwapo parin nya kahit Bagong gising?" agad naman akong napatakip sa bibig ko dapat sa isip ko lang itatanong yun eh.

"What did you say?"

"Wala may sinabi ba ako?"

"Tss. Multong Baliw!" tumayo sya at nagpunta sa CR

"Wews!"

Kanina pa ako nakahiga pero hindi parin sya nalabas.

"Pasukin ko na kaya? Ay wag wag di pwede!" humiga ako ulit at sumigaw "Hoy! Balak mo na bang tumira sa CR mo?"

Walang sumasagot kaya tumayo na ako at kinatok yun.

"Raphael! Yuhooo! Buhay ka pa ba?" narinig ko yung Tunog ng Gripo. "Papasukin na kita dyan" inikot ko yung Door Knob "Pst!"

May narinig akong nahilik. Kaya dali dali akong pumasok.

"Pedro penduko! Hoy! Ba't ka dito natutulog?!" inangat ko ang ulo nya nakaupo kasi sya sa upuan dun at nakayuko hindi ba sya nahihirapan?

"Hey! Wake up!" tinampal ko yung pisngi nya talagang inaantok sya ha pinatay ko yung Gripo.

"Where's Raphael? Don't tell me He's still sleeping?"

"Eh Ma'am puyat po ata si Sir!"

"Sino yun?" lumabas ako ng CR may narinig kasi akong boses ng Babae.

Maya-maya lang may kumakatok sa pintuan ng kwarto ni Raphael.

"RAPHAEL! Wake up! Open the door!" may nag hahanap sa kanya "Give me the Duplicate Key of his room!" pumasok ako ng CR at pinipilit gisingin si Raphael.

"Hoy may naghahanap sayo!"

"asdgfgatiw!" Ano daw?

"ANO?"

"Mommy!"

"Mommy? Mukha ba akong nanay mo ha?" inangat nya yung ulo nya at kinusot ang mga mata para syang Bata.

My Guardian Ghost Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon