• KABANATA 4 •

973 32 1
                                    

° KABANATA 4 °

Point Of View

 - Sheila Mae Sabado -

"So Carlo alam mo na gagawin mo?" Tumango si Carlo may mission din sya katulad ko lagi bang may ganyan pag namatay ka?

"Sheila!" napatingin naman ako kay Angelo.

"Bakit?"

"Hindi ka ba magpapaalam kay Carlo? Aalis na sya" lumapit ako sa kanila at umakbay kay Carlo.

"Kaya mo yan ah! Dapat 100% magawa mo yan para may pag asa pa tayong mabuhay... AJA FIGHTING!"

"Oo ba"

"Ok. ..Carlo bye!" bigla naman nag Snap si Angelo at nawala na sya sa Tabi ko "Ikaw naman"

"Ahmmm. Ano pwedeng palitan na lang ang taong babantayan ko?"

"Hindi pwede! Ayaw mo ba? Madali akong kausap hatid na kita sa-----" naputol ang sasabihin nya ng dali dali kong tinakpan ang bibig nya.

"Ito joke lang naman"

Inalis nya ang kamay ko sa bibig nya.

"Basta gaya ng sinabi ko kay Carlo kanina Just call my name and Ill be there! See ya bye.."

"An---gelo" napahina na ang pag sabi ko sa 'Gelo' nawala na kasi sya sa harap ko Great! San ako pupunta?! Sa bahay ng Siraulo na yun?

"Isigaw mo lang kung saan o Anong lugar ang gusto mong puntahan and makakarating ka na dun" naalala kong sabi nya sakin na gagawin ko.

"Bakit kelangan pang isigaw? Para naman akong Baliw pssh ."

"SA SCHOOL KO!"

*POOF*

(-,O)

\(^_^)/

Yehey nandito na ko. Pumasok ako ng Gate ng school namin.

"Shin! Condolence huh"

Napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ng Kuya ko naglalakad pa lang sya papunta sa Senior Bldg. Mukha syang malungkot.
Sumunod ako kay Kuya sinabayan ko lang sya sa paglalakad nya.

"Kuya! Sorry huh..Kung biglaan ang pagkawala ko" sinimulan kong mag salita.

"Asa ka namang maririnig ka nya" bigla na lang Umalingawngaw sa paligid ang boses ni Angelo.

"Wag ka ngang epal pwede? Alam ko namang di nya ko naririnig"

Kainis epal masyado tong GA na ito.
Nang makapasok na si Kuya sa room nya iniwan ko na sya at naglakad ulit.

*DISMISSAL*

Nang mag dismissal agad ko namang hinanap kung saan Lupalop naroon ang Kumag na yun nakita ko naman sya sa Parking Lot kasama yung dalawa nyang Friends si John at Mike.

"Ge pare kita na lang tayo bukas!" Ani nung John at pumasok na sa kotse nya.

"Yung pangako mo!" - Mike.

Tumango lang si Raphael at sumakay na rin sa Car nya ganun din ginawa ko sumakay din ako dun, bantayan ko daw diba?
Pagkaupo na pagkaupo nya agad nyang sinuot ang Headphones nya at nag drive.

Nakarating kami sa kanila. Wow as in wow! Ang ganda di naman sa mala-Mansion ang bahay nila aaminin ko malaki namangha lang ako kasi ang Ganda ng pintura ng bahay.. Labas pa lang yung mga Flowers at yung damo alagang alaga di katulad nung mga Ligaw na damo lang sa labas dumaretso sya sa I think Room nya kasi agad nyang ni-Lock yung pinto sinaraduhan nga ako eh.

Buti na lang multo ako pwede akong makapasok ng walang kahirap-hirap dun. Narinig ko naman yung tunog ng Shower.

"Ah naliligo!" umupo ako sa kama Akala ko nga lalagpak ako sa sahig eh "Ang Lambot ah! Parang yung kama ko lang kaso mas malambot nga lang to" humiga ako at nag pagulong-gulong ang Lambot talaga.

 Matapos kong gumulong gulong dun tumayo naman ako at nagtatalon isip bata lang nuh? hehehe nang mag sawa ako umupo na lang ako. Grabe ang tagal nyang maligo.

"Baka kinain na ng Shower? ang tagal nyang maligo mas matagal pa sakin" narinig ko namang tumunog yung Door knob. Hala palabas na sya..

O____O

Lumabas sya ng nakatapis lang ang Tuwalya, nagpupunas sya ng Buhok a-at wala syang Damit pang itaas shit may pandesal sya. Kinuha ko yung kumot at nagtalukbong ayoko makita yan.

"Oh no! My virgin eyes" Naramdaman ko namang may umupo sa Kama hinila ko naman yung Kumot at tumayo palayo sa kama kung saan sya nag pupunas ng katawan "Takte dalian mo namang magbihis!"

 *BLAG*

Nang marinig kong may nahulog na gamit sumilip ako sa Kumot ganito itsura ni Raphael (O___O)

"Aaaaaah! MULTO!!" sigaw nya.

Ano daw ?! Multo? ay pakshet nakatalukbong pala sakin yung kumot then nakatayo pa ako dito eh di naman nya ako nakikita . So sa paningin nya nakalutang yung kumot.

"Oy ano Raphael hindi!" lumapit ako sa kanya umatras naman sya "Raphael ano hindi kasi! Bakit pa ako nagsasalita di naman nya ako naririnig" Tatakbo sana sya palabas ng kwarto nya ng maapakan nya yung Bote ng perfume sa sahig and

*BOGSH*

 Bumagsak sya sahig "Naku naman!" napatapik ako sa noo ko "tinakot ko sya" lumapit ako sa kanya "Hala nawalan ata ng malay ang Mokong!"

"Sir?! Sir ano pong nangyayari dyan sa Loob?!" may kumatok naman sa pintuan.

"Anong gagawin ko?! Wala syang malay!" Nag pabalik balik ako sa sobrang panic at sa hindi ko malaman ang gagawin.

*POOF*

"Bakit nandito ako?  Di ko naman hiniling pumunta dito ah?"

"Dinala kita dito!" napalingon naman ako sa likod ko.

"Angelo! Ikaw pala bakit naman?"

"ANO NAMAN YUNG GINAWA MO?!!"

"Hh ang Alin?"

"YUNG KANINA! Tinakot mo sya! Ano ngayon yun walang malay sa sobrang takot sa ginawa mo!"

"Eh yun ba? Hehehe" napakamot ako sa ulo ko "Nakalimutan kong multo na pala ako"

"Tsk hindi nga sya mamamatay sa kamay ng mga taong papatay sa kanya sayo naman sya matutuluyan sa sobrang takot! Paano kung may sakit sa puso yun at inatake O kaya napasama ang bagsak kanina!"

"Eto naman! Sorry na nga po diba? Malay ko bang di nya ako nakikita!" nag pout ako ahehehe cute daw ako pag nag pout

"Oh sya bumalik ka na nga dun!"

"Yes boss! SA---" napatigil ako sa pag sigaw ko ng itaas ni Angelo ang Right hand nya

"Wag ka ng sumigaw nakakarindi!"

*SNAP*

Ang arte naman nun.

Nakabalik ako sa Kwarto ni Raphael na tulog sya nasa kama na sya siguro nilipat na dun.tinignan ko sya.

"HAHAHAHA nakakatawa ang mukha mo kanina Takot ka pala sa Multo Wahahahahaha"  tinapik ko ng mahina ang pisngi nya at Lumabas na ng kwartong yun.

Nakasalubong ko naman yung dalawang Maid na naglalakad papunta sa kwarto ni Raphael

"Grabe nakakita daw sya ng Multo!" - Maid 1

"Ang tagal na kaya natin dito wala namang multo diba?" - Maid 2

"Epekto siguro yun sa pagpapabaya ng magulang nya sa kanya" - Maid 1

"Baka nag-daDRUGS na si Sir?" Maid 2

Napatawa naman ako sa sinabi nung Maid naka-DRUGS daw hahahahaha .

"Ang Boring" pumasok ako ulit sa Room nya. Tulog parin sya "Napasarap ata ang Mokong" umupo ako sa upuan at naghalumbaba "Ano naman ang pwedeng gawin? Bakit kasi ikaw pa ang Misyon ko?"

Napahikab ako "Inaantok din ang mga multo!? oo nga pala di pa ako nakakatulog simula nung mamatay ako!"

My Guardian Ghost Angel (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu