• KABANATA 26 •

645 22 0
                                    

KABANATA 26

Point Of View
- Sheila Mae Sabado -


"Hoy sino ba kayo?" Tanong ni RJ.

Nakatali ang mga Kamay namin ngayon.

"KYAAAH! Pakawalan nyo na kami!" sumigaw ako.

"Tumahimik ka nga!" - Guy 1.

"Eh ayoko nga! TULUNGAN nyo Kami"

"Hoy tumahimik ka nga kung ayaw mong Lagyan ko ng Tape yang Bibig mo" - Guy 2.

"Naku, tape lang yan" hindi ako takot sa Tape.

"Kung ito kaya?" - Guy 3.

Tinutok nya sakin yung Baril nya.

"Ahahaha. Ito naman masyadong seryoso, tatahimik na nga po eh"

Baril po kaya yun mahirap na isang putok lang nun Double Dead na ako. Patay na nga ko, tapos namatay pa ulit? Naku.

"Pare, bakit kasi sinama pa natin yan? Diba ito lang ang pakay natin!" - Guy 4. Turo nito kay Raphael.

"Sasabit tayo pag iniwan natin yan" - Guy 1.

Oo nga ba't damay ako dito.
Tumahimik na lang ako. Huminto naman kami sa isang lumang Bahay.

"Nasan tayo?" pero walang sumasagot sakin mga Snober.

Pinaupo nila kami at tinali ang mga Kamay namin sa ypuan si RJ tahimik naman. Naku naman, kalmado na sya nyan? Haler nasa panganib ang buhay nya! Pati buhay koooo!

May kutob ako na ngayon na yun mangyayari.

"Pakawalan nyo na ako!" Nag simula ako ulit mag ingay.

"Tahimik!" - Guy 1.

"Ayoko! UWAAAAA." Hindi na lang nila ako pinansin.

Napagod naman ako kakasigaw kaya tumahimik ako napansin ko namang medyo madilim na baka 6 Pm na.

"Nakakaasar naman, oh! Hoy mga Galunggong. Sino ang Boss nyo?" Tanong ko.

"Darating na yun" - Guy 1.

Busy sila ah! naglalaro sila ng Baraha.

"Teka nga, ano ba yang nilalaro nyo?"

"Unggoy Ungguyan"- Guy 2.

Pfffft. Ano daw? HAHAHAHAHAHA.

"Pasali!"

"Sige!" Tatayo pa lang sana yung lalaki ng kutusan sya ng katabi nya.

"Tarantado! Ano pakakawalan mo yan?" - Guy 3. Binalingan nya ako "You Shut up!"

Anak ng! English yun Ah!

"Wow Pare English yun Ah?" - Guy 4.

"Paburger ka Naman! BURGER BURGER BURGER BURGER!!" sumigaw ako. Sinabayan naman ako ng mga kasama nya.

"Magsitigil nga kayo mga Abnormal! Ikaw babae manahimik ka na dyan kung ayaw mong barilin kita dyan" aww natakot ako. Patay naman na ko eh! Baliw ba sya? Sabagay wala naman syang alam sakin Hahahaha.

"Weh di nga?....ARAY!" pano tinapakan ba naman ni Raphael ang Paa ko. Magkatabi lang ang upuan namin.

"Manahimik ka na nga!" Sigaw nya sakin.

"Eh kung Ayoko!?"

"Wala naman naitutulong yang pag iingay mo!"

"Ha! Bakit ikaw ba nakakatulong kanina ka pa nga tahimik dyan eh! Wish ko lang may maitutulong yang pagiging tahimik mo!"

"Hoy kayong dalawa tumahimik nga kayo!"

Tss. Tumahimik naman kami mayamaya naalala ko yung sinabi ni Angelo na magiging Ghost ako ulit pag 7pm na.

"Mga Unggoy! Anong oras na?"

"limang minuto bago mag alas syete" - Guy 1.

"Yes!" Masayang ani ko bago ngumiti ng nakakaloko.

"Anong yes ka dyan? Baliw ka na bang talaga?" - RJ.

"Makakatakas na tayo mamaya mag intay ka lang ng 5 minutes!" Bulong ko sa kanya habang nakangiti. Naguluhan naman sya sa sinabi ko.

Ay bahala ka dyan.

Tae parang ang tagal ng 5 Minutes ah! Naramdaman ko namang parang wala na kong maramdamang tali ang kamay ko kaya napatingin ako sa likod ko.

Multo na ako Ulit!! Tumayo ako nagulat naman si Raphael.

"How?" Bulong nya na nanglalaki ang mata.

"I told you!" lumapit ako sa likod nya para kalagan sya.

"Bakit natanggal mo ang tali mo sa kamay mo?"

"Multo na ako ulit"

"Ha?"

"Teka Nasan yung Babae?" - Guy 1.

Mukhang napansin naman nila na nawala ako.

"Nakatakas ata Pare" - Guy 2. Taranta na ang mga ito. Nakalagan ko naman na si RJ.

"Magkunwari ka muna na nakatali ang mga kamay mo" sabi ko sa kanya. Tumango naman sya sakin.

"Hanapin nyo malalagot tayo nyan" - Guy 3

Nagtakbuhan naman sila para hanapin ako hahaha. Namiss ko tuloy ang pagiging Multo ^_^

"Nasan yung kasama mo?" nilapitan nung isa sa kanila si Raphael ngumiti naman sya

"Ewan"

"Pag nakita ko yung Girlfriend mo patay yun sakin"

"Di ko Girlfriend yun!"

"Pare wala! Hindi namin sya makita!" - Guy 2

Duh! Nandito kaya ako Tss.

"Hanapin nyo! Hindi pwedeng hindi natin makita ang lintik na babaeng yun" - Guy 1

"Hanapin Ang sino?"
Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng bagong dating.

My Guardian Ghost Angel (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя