• KABANATA 6 •

884 27 0
                                    

° KABANATA 6 °

Change of Point of View

- RAPHAEL JAMES TIANELA -

"So what do you want?" Tanong ko sa Babaeng to akala ko..she's my Stalker kasi sa School pa lang nakikita ko na sya then nung pauwi ako nasa likod ko sya and now nasa Room ko. The hell paano sya nakapasok dito?
Yun pala She's a Ghost so di na nakakapagtaka na nakakapasok sya kung saan man nya gustuhin.

"Hmmp. Di ka ba natatakot sakin?" umupo sya sa tabi ko na nakangiti.

"H-hindi!"

"Ows?" Totoo natatakot ako sa Multo pero sa kanya parang di sya nakakatakot na multo , Maamo ang mukha nya di katulad ng mga Ghost na napapanood ko sa Movie. Saka parang pamilyar sakin ang mukha nya, hindi ko nga lang matandaan kung saan ko sya nakita.

"Bakit naman ako matatakot?" nilagay ko sa ilalim ng Kama ko yung sapatos.

"Eh bakit nung isang beses nawalan ka pa nga ng Malay eh Hihihihi!" agad akong napalingon sa Kanya bat alam nya yun

"Ikaw ba yon ha?!"

"Ha? Ehh hindi ah!" tinitigan ko sya. Para talagang nakita ko na sya.

"Hoy babae! Kahit multo ka hindi ka pwede sa Kwarto ko at sa pamamahay ko! Go away bumalik ka na sa libingan mo at wag ako ang Multuhin mo" pagtataboy ko sa kanya ayoko talaga na nagpapasok ng Girl sa room ko.

"Naaah! Kung pwede nga lang eh aalis ako dito" humiga sya.

"Sir Raphael! Narito na po ang mga Pulis!" Shit. mapapahiya lang ako pag pinahuli ko tong Babae.

"Paalisin mo na lang di ko na sila Kailangan!"

"Pero sir!" Hindi na lang ako sumagot bahala na syang magdahilan sa mga yun.

"Hahahaha!" Tumawa naman ang babaeng to.

"Stop Laughing you Goddamn Evil!" sabi ko sa kanya tawa kasi ng Tawa.

"Hep! Don't say that! Bad words!" pinitik nya yung Tenga ko.

"Hey! Fuck bakit mo ko pinitik?" pinitik nya ko Ulit.

"Bad words! And excuse me di ako Evil"

"ANO BA KASING KAILANGAN MO AT NANDITO KA SA PAMAMAHAY KO?" naiinis na ko.

"Wag kang sumigaw! May misyon ako Ok kaya nandito ako!"

"So? Anong pakialam ko sa misyon mo? Kayo ha mga patay na nga kayo nambubulabog pa kayo ng mga buhay dapat nananahimik na kayo sa mga Hukay nyo!"

"Hoy! Kung may Choice naman ako sa magiging misyon ko di ako dapat nandito! Alam mo kung Bakit nandito ako? Kasi IKAW ANG MISYON KO! Yan kuntento ka na! Ke-Lalaking tao Laging nakasigaw! Daig mo pa taga tinda sa Palengke eh akala ko pa naman tahimik kang Tao" sinigawan ako ng isang Multo and ano daw daig ko pa ang taga tinda sa palengke?

"Anong sabi mo? Ako ang misyon mo? Pwede ba wag mo ko idamay dyan"

"Makinig ka nga! Ikaw lang ang pag asa ko! Kaya whether you like it or not AKO ANG MAGIGING GUARDIAN GHOST ANGEL MO!" sumigaw sya sa tenga ko Shit nakakarindi!

"GUARDIAN GHOST ANGEL! Naaah. I don't care kung Guardian angel kita just leave me alone I want to sleep!" nagtalukbong ako ng Kumot.

"Guardian ghost angel! Hindi guardian angel"

"Blah blah blah blah . Shut up you Annoying Ghost"

"Shut up you Annoying Ghost" ginaya nya yung sinabi ko "Ang panget mo"

 Geez. Guardian ghost angel? The fuck! she's really out of her mind . Darn ngayon lang ako ulit nakipag usap ng ganun na nakasigaw dahil sa kanya parang sumakit ang lalamunan ko

******

 Nagising ako ng wala na yung Multo na yun, buti naman siguro umalis na wag na sana syang bumalik dito.

"GOOD EVENING!" halos madulas naman ako sa hagdanan ng biglang mag salita yung Multo na yun sa hagdan nakaupo sya dun at tinitignan yung mga Maid na naglilinis.

"Shit!"

"Bakit po sir?" tanong nung Maid sakin.

"W-wala!" nagpatuloy na ako sa pagbaba sumabay naman sya sakin.

"Hahaha magugulatin ka pala"

"Shut up!"

"Ow. Wag masyadong malakas baka mamaya mapagkamalan nilang baliw ka sige ka di pa naman nila ako nakikita"

"I said SHUT UP!" napatingin naman yung mga Maid namin sakin yung mga mukha nila parang Gulat at nagtataka.

"Hahahaha!" tumawa na naman tong Baliw na multong to.

"Stop Laughing" this time medyo mahina na ang pagkakasabi ko.

"Opo!" mahina nya ring sabi dumaretso ako sa Dining Table nagugutom ako lumingon-lingon ako.

"Wala ata sya buti naman"

CHANGE of POINT OF VIEW

- SHIELA MAE SABADO -

Tss. Parang ibang Raphael ang kaharap ko kanina parang hindi sya, ang alam ko lang tahimik sya dalawa lang nga ata ang kinakausap nya sa School then minsan ko lang sya makitang sumigaw pero kanina ang lakas nyang sumigaw ang sakit sa Eardrums mga pare sabagay di ko naman sya nakakasama nun saka nakakatuwa syang pag Trip-an mwehehehe.
Hinayaan ko muna syang Kumain bumalik ako dun sa hagdan at umupo ulit.

"Bakit masyadong Busy ang mga Maid dito? Araw araw naglilinis tapos parang di ata sila nagpapahinga? Saka bakit di ko ata nakikita ang Parents nya?" nalipat ang tingin ko dun sa malaking Picture frame na pinupunasan nung Babae.

"Family picture?" tumayo ako at Lumapit dun si Raphael yun ahh wow ang Cute nya dito I think 6-7 years old pa lang sya dito. "Only Child lang pala sya!" sya lang kasi ang bata sa Picture Frame.

"Pwede na kayong magpahinga Manang tama na po yan"

"Eh Sir tatapusin ko na lang po ito"

"Manang ipagpabukas nyo na lang yan 8pm na po ohh" Napalingon naman ako ng marinig ko ang Boses ni Raphael so tapos na syang Kumain and Wow huh nice pala sya dito sa bahay nila.

"Sige na nga po"

"Oh kayo din Tama na yan kumain na kayo dun" - Raphael

"S-sige po Sir" nagpunta naman yung lahat ng Maid sa Dining Table ako naman lumapit sa kanya ang Kinulbit sya.

"Ang bait mo pala sa kanila"

"I thought umalis ka na?" nakakunot ang noo na tanong nya.

"San naman ako pupunta?"

"Sa impyerno!" naglakad sya paakyat sa hagdan.

"Impyerno? Ayoko nga! Saka bakit ang sungit mo sakin ha? Ako na nga tong Nice sayo eh" hinabol ko sya ang bilis nyang umakyat.
Hindi nya ko sinagot dire-diretso sya sa Kwarto nya.

*BOGSH*

"Aba't bastos to ah!" pinagsaraduhan ba naman ako ng Pinto "Hoy! Ang sama mo noh? Akala mo namang di ako makakapasok dito!" naabutan ko naman syang naglabas ng Jacket "May pupuntahan ka?"

"Magpapahangin ako sa Labas!"

"Ha?" dumaan lang sya sa harap ko at Lumabas ulit "Sasama ako"

"Kailangan ba lagi kitang kasama ha?" nilabas nya yung Susi ng Car nya at dumaretso sa may likod nila.

"I'm your GGA so I need to make sure that you're Safe!" mahirap na, malay mo sa paglabas nya bigla na lang may mang yari sa kanya ehh di sira ang Misyon ko wala ng pag asa pang mabuhay ako.

"GGA?"

"Guardian Ghost Angel! Duh!" pumasok ako sa Kotse nya.

"Make sure just keep your mouth shut! Ayoko ng maingay!" ini-start na nya yung Car nya.

"Ilan taon ka na ba? May lisensya ka na ba?" pinakita naman nya sakin yung Lisensya "Oh ikaw na!"

My Guardian Ghost Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon