"Opoooo!"

At tuluyan na nga akong umalis ng bahay. Hindi pa rin ako mapakali, feeling ko talaga may mangyayari eh.




Napatulala ako nang makita ko 'yung isang ASUL na banner na nakasabit sa tabi ng main gate ng campus. Ilang decameter pa ang layo ko sa school, pero nababasa ko na ang ilan sa mga nakasulat dito. Nababasa ko 'yung buong pangalan ko pati na rin 'yung kay Vielle. Grabe naman 'to si Vielle, nagpa-banner pa talaga.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang naramdaman kong nag-vibrate 'yung phone ko. I think, it's a phone call. Gumilid muna ako bago ko ito kinuha sa bulsa ko.

Vielle.

I cleared my thorat bago ko ito sinagot, "Oh, Vielle? Malapit na ako."

Pero imbis na sagot ay nakarinig ako ng may nag-pa-pluck ng guitar.

"Itong awiting ito...

ay alay sa 'yo..."

Boses 'yun ni Vielle ah. Kinakantahan nanaman niya ako? Nagsimula na ulit akong maglakad papalapit sa main gate.

Lub. Dub. Lub. Dub.

Habang kumakanta siya at habang naglalakad ako, palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.

"Ang gusto ko lamang

Kasama kang tumanda."

Sheeeeet!!!

Bakit ganito? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kasinlakas ito ng kabog ng dibdib ko kapag nakikita ko si crush. 'Yung tipong sa sobrang lakas at bilis parang hihimatayin ka?

Inaamin ko, nakakakilig naman kasi talaga 'yung boses ni Vielle.

"Bubuhatin kita

Pag nirayuma ka na"

Napahinto ako sa harap nung banner. Nakatingin lang si Kuya Manong Guard sa akin at may hawak siyang blue rose.

Ang awkward naman!

O///O

Binasa ko ito at ito ang nakasulat:

Get all of the BLUE roses,

Quinna Luca 97 A. Kendrick

--Vielle

Grabe naman!!!

Ito lang ang nakasulat?! Akala ko ba naman kung ano na. Gumastos pa talaga siya ah. Ang mahal kaya ng pagawa ng banner.



Teka. Saglit. Wait.

Alam niya ang buong pangalan ko?

Blue 'yung banner, blue din 'yung roses na sabi niya kunin ko raw lahat.

Huh?

Alam niya kayang blue ang favorite color ko?

Isusulat ko ba ang name niya sa filler notebook ko?

"Sasamahan kahit kailanman

Humigit kumulang di mabilang"

Kaso, failed na siya sa bulaklak. Dapat Baby's Breath at hindi Rose.

Anyway, pumasok na rin ako sa gate, inabot na rin sa akin ni Manong Guard 'yung rose na hawak niya. Nagpatuloy na rin ako sa paglakad at...

O.O

Whoah!!!

Nakakahiya sobra!

Nakatingin sa akin ang lahat ng mga estudyante roon at lahat sila may hawak na roses. Nakapila sila in a zigzag way. Ginawa ko 'yung nakasulat sa banner, kinuha ko ang lahat ng blue rose na hawak ng mga estudyante.

Kinuntsaba niya ba silang lahat? Ang dami kasi talaga nila.

Wait lang! Lagot 'tong si Vielle sa akin, mamaya, ang dami niya kayang pinatay na roses. Tsk! Tsk!

Sinundan ko 'yung linya na zigzag at sa dulo, isang pila ng mga lalaki ang nandoon. May mga hawak silang bouquet. Hindi pa ako nakakalapit ay pinalibutan nila akong LAHAT. As in, 'yung lahat ng mga taong nagbigay sa akin ng mga rose tapos bigla silang nag-form ng semi-circle.

"At nangangako sayo

Pag sinagot mong oo

Iaalay sa'yo buong puso ko"

Noong naka-form na sila ng semi-circle, nabigla ako sa nakita ko, may Baby's Breath na hawak 'yung lalaking kumakanta na matagal ko nang gustong...

"Sumangayon ka lamang

Kasama kang tumanda"

...malaman ang pangalan.

Hindi Ko Alam Ang Pangalan Ni Crush (Short Story)Where stories live. Discover now