Kita-kits Day =)

379 11 8
                                    

Last Chapter :) Sorry kung mahigit isang buwan akong hindi nakapag-UD. Busy po kasi sa school :)

--EmeraldJin

~~~~

Chapter 8: Kita-Kits  Day =)



Quinna's POV


*Dinggin mo, aking puso

Na nagmamahal sayo

Ngunit hindi ko naman alam kung pano mo malala--*

"Vielle!!! Bakit ka ba tawag nang tawag?!"

Nakakairita kasi eh!

Kanina pa tawag nang tawag si Vielle habang naliligo ako. Alangan namang lumabas muna ako sa banyo at saka ko sagutin, di ba?

"Sorry na, Ken. Kumain ka na? Huwag ka na magalit... Okay?"

Minsan, Ken ang tawag niya sa akin pero madalas Quinna. Ewan ko ba diyan! Kung anu-ano ang tinatawag sa akin. Minsan, tinawag niya pa akong babes. Kaloka!

"Oo, kumain na ako at matutulog na ako. Good night!"

"Wait la--"

Pagkapindot ko ng End Call Button, pinatay ko na rin 'yung phone ko.

Siguro, sasabihin niyo, parang ang mean ko naman. Pero alam na yun ni Vielle na kapag nag-good night na ako, at pinatay na 'yung phone ko, ibig sabihin, wala na ako sa mood makipag-usap dahil inaantok na ako.

Tinurn on ko rin yung phone ko after a few minutes bago matulog. Hindi na 'yun tatawag. Matutulog na rin kasi siya..

Kinabukasan...

Parang ang bigat ng katawan ko ngayon. Siguro kasi, ngayon ang araw na makikilala ko na si Vielle nang personal

Bakit ako kinakabahan? Eh, si Vielle lang naman 'to, di ba?

Feeling ko tuloy may mangyayaring ewan.

I-check my phone after kong bumangon. May one text message galing kay Vielle.

.

From: Vielle

Waluh kng class 2day, dba?

C U L8r!!!

.

.

Nahihirapan ako parati sa pagbasa ng mga text ni Vielle. Hindi naman kasi ako mahilig makipagtext sa mga mahilig sa shortcut. Pero masarap kasi siyang kausap kaya napapareply naman ako.

Pero paano naman niya nalaman ang sched ko? Hindi ko naman sinabi sa kaniya ah.

Hay ewan!!!

Naghanda na lang ako para sa pagkikita namin. Nagsuot lang ako ng collared t-shirt at jeans. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na SOBRANG arte. At saka hindi naman ito date, di ba? Kaya, okay lang na magsuot ako ng ganito.

Nasabi ko na ba sa inyo na nanliligaw sa akin si Vielle? Ahhh... Tama, ngayon ko lang nasabi. Kailan lang din kasi siya nagsabi pero ayaw ko kasi nang ganun yung mga ligawan sa text o sa tawag. Ang baduy! At ang cheap!

"Wala kang klase ngayon ah, Quinna. Saan ka pupunta?" tanong ni Manang Celya.

"Sa school po. Magkikita po kami ni Vielle."

Naikwento ko kasi sa kaniya 'yung about kay Vielle. Minsan nga, nag-uusap din sila.

"Ganun ba? Mag-ingat ka ha? Hindi mo lubusang kilala 'yun."

Hindi Ko Alam Ang Pangalan Ni Crush (Short Story)Where stories live. Discover now