First Day as Sophomore T_T (Part 1)

253 6 0
                                    

(A/N: may mga mura po kayong mababasa diyan kaya please...sa mga hindi marunong magmura diyan, huwag niyo na pong basahin. Ayokong maging masama kayo dahil sa akin.)

~~~~

Chapter 6: First Day as Sophomore




Rainer Taylor's POV

Rainer Taylor's POV

.

Papunta na ako ngayon sa soccer field. Syempre, para makita si Quinna na my loves ko.

"Uhmm... Excuse me, are you Toby?"

May isang babae ang lumapit sa akin. Frosh yata. Sasagot na sana ako nang...

"Kasi, I think we are meant TOBY."

Ay! Banat ba yun? Baduy!

Nag-smirk ako, na naging dahilan para kiligin siya. "I'm sorry, young lady, but I'm not Toby."

"Ah! Ganun ba? Anyway, I'm Hanna, ang nakatadHANNA para mahalin mo."

Banat nanaman?! Nakakabanas na 'to ah! Nag-wink pa ang b*tch. She also stretched out her hand.

"And I'm Harry... I'm in a hurry. Bye!"

Tinalikuran ko lang siya at dali-dali akong umalis at mas binilisan ko pa nang makita ko si Quinna na my loves ko sa bleachers ng soccer field.

Grabe, first day palang, lumalandi na agad yung mga frosh.

Tsk! Tsk!

Ang hirap talaga kapag gwapo ka.

"Oi! Long time no see, Quinna. Kamusta?"

Nakita ko na hawak-hawak ni Quinna na my loves ko yung phone niya. Imbis na tumingin sa akin, sa gitara ko siya nakatingin.

Mas gwapo ba 'tong gitarang ito sa akin para ito ang tignan niya?! Itapon ko na kaya 'to.

Tch! Tapos nilipat niya pa yung tingin niya sa backpack ko.

Sino kaya ang naaalala niya kapag nakikita tong backpack ko?

Ako o si tol?

Hay nako! Huwag ko na ngang isipin.

"Maganda naman ang araw ko kanina, ngayon lang hindi," She replied with a cold voice sabay tago ng phone niya.

"Ito naman. Na-miss kaya kita."

"Tss... Ewan ko sa 'yo."

Sa tingin ko, si tol pa rin ang gusto niya hanggang ngayon. Totoo namang na-miss ko siya. Simula kasi nung araw na sinabi niya na gusto niya nga si tol eh, iniwasan ko na siya. At grabe, sobrang pagsisisi ko noong bakasyon.

"Bakit ba kasi siya pa yung nagustuhan mo? Ako na lang pwede? Sige na, please?"

Sinabi ko yun na para bang laro-laro lang ang pinaguusapan namin. Ayoko kasing ipakita sa kaniya na masyado akong affected at saka ayaw kong magdrama ngayon. First day kaya, baka mamaya yun ang maging mood ko for the whole school year. Mahirap na.

Tumingin siya sa akin nang diretso. Tapos para bang nataranta yung look niya.

"Hoy, umamin ka, pinagsabi mo ba sa iba yung sinabi ko sa 'yo noon?" Bossy tone, huh? Pero parang ayaw ko yung tonong yun.

"Grabe ka naman! Nasa itsura ko ba na hindi ako napagkakatiwalaan?" Nakakahurt kaya ng feelings, wala na nga siyang gusto sa akin tapos hindi niya pa akong pinagkakatiwalaan. Ang sakit kaya.

"Sagutin mo yung tinatanong ko." Nakatingin pa rin siya sa akin ng diretso at seryoso pa rin ang tono niya.

"Hindi noh. Pagtatawanan ako nila Johan at Ferdi kapag nalaman nilang si Jha-- este si bunso ang gusto mo."

Dafuq!

Muntik ko nang masabi yung huli kong alas.

Buti na lang napigilan ko ang sarili kong sabihin yung pangalan ni tol.

"Wait lang ano'ng sinabi mo? Ano'ng pangalan niya?" Buti na lang hindi niya tinuluyang nalaman. Alam kong masama ang hindi sabihin yung pangalan ng taong gusto niya pero sa tingin ko, dapat si Quinna na my loves ko ang mismong umalam nun.

Pero, teka lang, paano kapag tinanong niya si tol, lalo lang lalabo para sa akin ang pag-asang mahulog si Quinna na my loves ko sa akin. Pero sa tingin ko rin naman, walang ganung lakas ng loob si Quinna na my loves ko para gawin yun. Sana nga.

"Ayoko ngang sabihin. Yun na nga lang ang sa tingin kong dahilan kung bakit hindi kayo close eh tapos sasabihin ko pa. Edi, denghis na akong manalo sa 'yo."

"Wag kang mag-alala, sa tingin ko, ayaw niya rin naman sa akin eh. Tss... Sa akin, magkakagusto siya? At saka, sinabi mo rin sa akin na may gf na siya, di ba?"

Uh--Ohh!

"Alam mo, buti na lang nakita kita rito. Pwede ba'ng bantayan mo muna 'tong gitara ko? CR lang ako, ha? Sige, babye!" Nagpangap ako na parang masakit yung tiyan ko.

Dali-dali akong umalis at hindi ko alam kung saan pupunta. Ewan ko, kung bakit ako nataranta bigla. Siguro dahil sa huling sinabi niya.

Hindi Ko Alam Ang Pangalan Ni Crush (Short Story)Where stories live. Discover now