Weird Day @.@

549 7 0
                                    

Chapter 2



Quinna's POV

Pagkauwi ko sa bahay, nagkulong ako sa kwarto at agad-agad kong tinangal ang lahat ng laman ng backpack na pinahiram sa akin ni crush. Noong wala na itong laman, niyakap-yakap ko ito at inamoy-amoy... Uhmmm... Bango! Oo, I know I look crazy pero ano'ng magagawa ko, eh, kinikilig ako eh...

Hmph! Tama na nga. Baka mawala 'yung amoy, mahalata niya pa na hinarass ko 'yung bag niya.

Ayieee!!!

Kinausap niya ako....

Tapos, pinahiram niya pa ako ng bag...

Ang bait niya!!!

Haist! Eto na, eto na yung magandang nangyari na piangdasal ko kanina.

Thank you, Lord!


Inayos ko 'yung gamit ko at nagsimula nang mag-aral. Inspired ako ngayon... ^___^

Napapalingon ako sa bag niya habang nagbabasa ako.

Kinikilig talaga ako!!!

Uhmmm... Ano 'to? Getting to know each other stage na?

Ayiee—Erase! Erase!

Hayy... Naku, Quinna!

Magtigil ka nga! Ni hindi mo nga alam ang pangalan niya eh.

Habang nakatitig ako sa bag niya, napansin ko na parang may dumi 'yung strap.

Hala!!!

Baka mamaya, isipin niya na hindi ako maingat sa mga gamit na hinihiram ko.

Agad ko itong hinablot at tinignan pa ng mas maigi para malaman kung ano'ng klaseng dumi.

Marker? Sandali... parang may nakasulat.

R? Medyo malabo kasi.. parang pa-fade na.

A...

I ?

Ano 'to? N?

Rainer?!

Pangalan niya ba 'to?

OMG!!! Alam ko na 'yung pangalan niya!!!

Sandali... Meron pa eh.

T...?

Ahh...

Rainer Taylor.

Ayieee!!! Alam ko na! Alam ko na! Yey!

Rainer Taylor pala ang pangalan mo, crush.



Kinabukasan...

Bago ako umalis ng bahay, paulit-ulit kong sinuklay 'yung buhok kong maikli. Inayos ko pa 'yung bangs ko na mala-DORA. Halos mabasag naman 'yung eyeglasses ko kasi paulit-ulit ko rin itong pinupunasan.

Mamayang 11 pa 'yung first class ko pero maaga na akong papasok para maibalik ko itong bag ng mas maaga. Ilang beses ko namang chineck kung wala na ba akong gamit sa loob nung bag. At wala naman na.

Pumunta muna ako sa tambayan nilang magbabarkada. Wala, wala siya rito. Sa'n ko siya mahahanap?

Ah! Sa SOCCER FIELD!!!

Tumakbo agad ako at sa sobrang pagmamadali, hindi ko namalayan na may kasalubong na pala ako.

*BLAG*

Hindi Ko Alam Ang Pangalan Ni Crush (Short Story)Where stories live. Discover now