The Signs <3

261 8 0
                                    

(A/N: Sorry dun sa last chapter, nakaaberya lang. I hope you understand, my dear readers. Anyway, second to the last chapter na po ito. Ajuuuu!!)

~~~~~

Chapter 7: The Signs




Quinna Kendrick's POV


"Kakantahan kita," sabi niya sabay wink.

Graveeeehhh!!!

Hindi ko na keri tong kilig mutsssss na nararamdaman ko

OhEmGeee!!

Ito na ba yung stage na aakalain mong crush ka rin ni crush?

Tapos, biglang totoo pala ang hinala mo!! Kyaaaah!

Ako na, ako na talaga ang Miss Gandang Feelingera 2014-2015. Hahaha!!

Korny kaya -__-'

Wait lang...! Sandali baka mamaya, kunwari lang na nagpapakita siya sa akin ng interest, tapos may pustahan pala sila.

Pero, tiwala ako kay crush, hindi niya yun magagawa sa akin. Ramdam ko talaga eh, labs niya rin ako... Maghintay lang kayo, aamin din yan maya-maya.

"Okay ka lang ba, Quinna? Parang tumitirik yung mga mata mo ah. Gusto mo tubig? Ito oh."

"Ikaw. Gusto ko i--" napatakip ako ng bibig ko dahil sa sinabi ko.

"Huh? Ano nga ulit yung sinabi mo?" sabi niya na parang medyo natatawa pa.

Shemaaayyy!!! Nakakahiya.

Agad akong tumayo at tumingin sa relo ko.

"Sinabi ko? Ahhh.. Wala yun. Sige, in thirty minutes, next subje--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ako at pinaupo sa tabi niya and this time, hindi na katulad ng dati ang layo namin sa isa't-isa. Kanina kasi kalahating metro ang pagitan namin at ngayon, magkadikit na ang braso naming dalawa.

Sheeettt!

Anubey?! Oh, hangin, liparin mo na ako palayo sa kaniya. Nakakahiya sobra!

"Dito ko lang sa tabi ko, sabi ko kanina kakantahan pa kita, di ba?"

"Next time na la-"

Sinubukan kong umalis sa tabi niya at tumayo pero hinila niya ulit ako pabalik.

"Ito kantang ito, dedicated kay Miss Quinna Luca 97 A. Kendrick."

Napatingin ako sa kaniya at siya ay nakatingin rin sa akin. Hindi naman ganun kalapit ang mukha namin sa isa't isa pero nakakailang pa rin yung medyo makalapit kami.

Pero yung pangalan ko, paano niya nalaman ang buong pangalan ko? Paano niya nalaman na may number sa pangalan ko?

"Ano? Bakit ganyan ka makatingin?"

"Paano mo nala--"

"Secret, walang clue. Hulaan mo.."

"Ewan ko sa 'yo, aalis na ako." Tumakbo ako para hindi niya ako maabutan pero, naku naman! Ang bilis niyang tumakbo. "Sa susunod mo na lang akong kantahan, bahala ka diyan! Kahit ano'ng araw basta wag muna ngayon please!! Kahit kidnapin mo ako, basta wag muna ngayon."

Dahan-dahan siyang huminto at sumigaw, "Sabi mo yan ha? Wala nang bawian!"

Ano ba yung mga pinagsasabi ko?!

Kainis naman.

Bahala na nga.

Nang medyo nakalayo na ako, kinuha ko sa backpack ko yung isang filler notebook.

.

.

'The Signs'

.

Yun ang nakalagay sa cover nung filler.

Binuklat ko ito sa first page at binasa ang nakalagay:

Ang senyales na nakasulat sa kwadernong ito ang magsasabi kung ang isang lalaki ay ang soulmate mo.

Pumunta ako sa page 3. Wala naman kasing nakasulat sa page 2 (backpage ng page 1).

1. Alam niya ang buong pangalan mo.

-Quinna Luca 97 A. Kendrick. Simula ngayong araw, ika-19 ng Hulyo 2007, hindi mo na babangitin kaninuman ang buong pangalan mo. Sa tuwing magpapakilala ka, tanging Quinna Kendrick lamang ang babanggitin mo.

2. Alam niya ang paboritong kulay mo.

-Asul/Blue. Ang sasabihin mo sa mga taong magtatanong ay, "Blue, red, orange, green. Pili ka na lang."

3. Kakantahan ka niya sa harap ng maraming tao.

-dapat may gitara or violin.

4. He must give you a bouquet of Baby's Breath.

5. Alam niya ang dahilan kung bakit ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa Luca 97 na bahagi ng pangalan mo.

-dahil sa pambubully sa iyo.

.

.

.

Sinarado ko ito pagkatapos kong basahin. Naalala ko tuloy bigla yung nangyari nung grade 3 ako.

Sa mga susunod na page, ang isusulat ko doon ay ang mga pangalan ng mga lalaking nakagawa ng kahit isa man sa mga yun. Tapos may two columns, sa unang column, nakasulat doon yung number tapos sa second, doon ko ilalagay yung check.

Pero pa'no yan?! Hindi ko alam ang pangalan niya...

Kainis!

Crush na nga lang ang ilalagay ko.

Kinuha ko yung ballpen ko sa bag tapos isusulat ko na sana nang naramdaman kong nag-vibrate yung phone ko.

Nagtext si Vielle, "mgkita tau tOm s basketball court .. mAi ibi2gay aqOh saU .."

Hayyy... Sa wakas, magpapakita na siya. Pero bakit bukas pa???

Anyway, huwag ko nang isipin kung bakit.

Pero, si crush... Alam niya ang buong pangalan ko!

Four more signs to go at siya...! Siya na talaga, ang aking soulmate.

Hayyy...

Sabi nga sa kanta, 'O kay sarap isiping, kasama kang tumanda...'

Ayieee!!!

May balak pa siyang kantahan ako, o di, three steps na lang. Pero dapat may gitara siya o violin at dapat sa harap ng madaming tao.

Binuksan ko ulit yung filler at sinulat sa page 5 yung salitang, CRUSH.

Hindi talaga ako nagsusulat sa backpage eh. Kaya page 5 agad.

Tinignan ko yung nakasulat sa last page:

'Hindi counted kapag nabasa o alam ng lalaking yun ang tungkol sa mga nakasulat dito.'

Sana lang, hindi niya alam ang tungkol dito.

Hindi Ko Alam Ang Pangalan Ni Crush (Short Story)Where stories live. Discover now