Sumimsim siya ng kape bago tumango. "I'm glad he agreed. But he didn't allow me to stay in the Philippines for three months, only for a month."

Napailing si Rizzi. "Your husband is very strict."

Tumango siya. "He is."

Rizzi sighed. "Amica mia, why don't you divorce him?" Maingat nitong hinaplos ang bahagyang namamaga niyang panga. "You're not happy with him. Have mercy on yourself."

Umiling siya saka tipid na ngumiti. "We still have a debt to pay. I have to settle that first."

"But you're already paying for it—"

"Doesn't matter." She forces a smile on her lips. "I'm okay. Anyways, I'm leaving to the Philippines next week. Can't wait to be away from him even just for a month."

Hinawakan ni Rizzi ang kamay niya saka pinisil iyon. "Buona fortuna e buon divertimento." Good luck and have fun.

"Lo faró." I will.

Mabagal niyang inubos ang kape ng umalis si Rizzi para asikasuhin ang iba nitong kleyente. Nang maubos niya 'yon, nagbayad siya at nagpaalam na sa kaibigan.

Nang makabalik siya sa bahay, nasa salas si Monti at mukhang hinihintay siya.

"Inna! Where the hell have you been?!" Singhal nito sa kaniya.

"In Rizzi's café."

Masama ang tingin nito sa kaniya. "My grandfather was here, looking for you."

"Midispiace." I'm sorry. Kaagad niyang hingi ng tawad.

Monti tsked. "May back hurts. Massage me."

Tumango siya at kaagad na tumalima. Habang nakaupo ito sa sofa, minasahe niya ang balikat at likod nito hanggang patigilin siya nito at paupuin sa tabi nito.

Naging sunud-sunuran siya.

"Inna."

"Yes?" Naamoy niya ang alak sa hininga nito.

"Don't do anything stupid in the Philippines." May babala ang boses nito. "Non farmi arrabbiare." Don't make me angry. "Let me remind you again that you have a debt to pay, and until you owe me, you will be my wife. Don't forget that."

Tumango siya. "Non ti preoccupare." Don't worry. "I won't do anything that can anger you."

"Good." Ihinilig nito ang ulo sa balikat niya. "Let's stay like this for a while. I'm tired."

Ito 'yong mga pagkakataon na hindi halimaw sa paningin niya ang asawa niya. Istrikto lang talaga ito sa kaniya. Pero hindi pa naman siya nito pinilit sa usaping pakikipagtalik.

He never forced her to have sex with him even though it's his right. He always stops every time he sees tears falling from her eyes. Kaya siguro nakaya niyang pakisamahan ito sa loob ng dalawang taon kahit sinasaktan siya nito minsan.

Humugot siya ng malalim na hiniga at hinintay na umayos ng upo si Monti pero lumipas na ang ilang minuto, hindi pa rin ito gumagalaw. At hindi niya namalayang nakatulog siya. Nagising nalang siya na karga-karga siya ni Monti at maingat na ihiniga sa kama.

"Dormi." Sleep. Anito saka umalis ng kuwarto.

Siya naman ay napatitig sa pintong nilabasan nito. Looks like he's tipsy. Nagiging mabait lang naman ito sa kaniya kapag may alak sa katawan nito.

Pinikit niya ang mga mata at hindi inaasahang kumudlit sa ala-ala niya ang nangyari sa Isla dalawang taon na ang nakakaraan.

Bigla siyang nagmulat ng mata at napabangon ng pumasok sa isip niya ang guwapong mukha ng binatang nakasama sa isla.

TEMPTATION ISLAND: Sinful Desire (COMPLETED) - PUBLISHED under REDROOM Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon