"San ka nag-aaral?" I asked. This was the most important question. Sabi ni Joey, sa school na raw nag-aaral si Jax, pero never ko naman siyang nakita sa law library! Naikot ko na bawat sulok pero puro si Iñigo lang nakikita ko. Nagtanong na rin daw si Joey sa bahay nila, maaga na raw pumapasok si Jax, so sure din na hindi siya sa bahay.

"Lib," he simply said.

"Wala ka naman dun."

Tumingin siya sa akin. For a split second. Mabilis na mabilis lang iyon, pero kinilig agad ako. I pressed my lips, and held my own hand. Ayokong kiligin sa harap ni Jax kasi for sure hindi niya na ako papansinin. Bakit kasi hindi niya na lang tanggapin na crush ko siya? Hindi niya ako kayang itaboy dahil best friends kami ng nag-iisang kapatid niya.

"San sa lib?" tanong ko na lang.

"Sa gilid."

I frowned. Napaka-gandang kausap talaga nito. Pwede ba siyang gumanito sa judge? Kapag 'di siya na-contempt sa attitude niyang 'yan.

"Sang gilid?" I pressed on. Tatanungin ko siya nang tatanungin hanggang pinaka-saktong coordinate na iyong masabi niya sa akin. Gusto ko talagang malaman kung saan siya nag-aaral! Gusto ko kasi na sabay kaming mag-aral... Hindi ko naman siya guguluhin... Gusto ko lang na magkasama kami. Gusto ko lang na nakikita ko siya para kapag nahihirapan na ako at nababaliw sa dami ng binabasa ko, isang tingin ko pa lang sa kanya, energized na agad ako.

"Med lib." Kumunot ang noo ko. "Maraming tao palagi sa law lib kaya sa med lib ako nag-aaral."

Tignan mo si Joey! Ni hindi man lang nagspecify! Bakit ko nga ba inassume na sa law library nag-aaral si Jax? Ang dami nga palang library sa SCA! Of course there were other options!

"Saan 'yung med lib?"

"Wag mo kong sundan."

"Masamang mag-assume, Jax," I said, although I liked the idea of him finally accepting na crush ko siya. It's about time! Ang tagal niya ng in-denial! As if naman mamamatay siya kapag inacknowledge niya na crush ko siya!

"Right..." he said, gently nodding his head. "May boyfriend ka na nga pala."

Agad na kumunot ang noo ko. "Sino'ng boyfriend?" nagtataka na tanong ko. Tinutukoy niya ba ang sarili niya kasi siya lang naman ang balak kong maging boyfriend at dalhin sa altar.

"Yung palagi mong kasama mo sa school."

"Si Iñigo?" I murmured to myself, but apparently, Jax heard me. Napa-tingin ako sa kanya, at saka napa-ngisi. Was he jealous?! Seryoso?!

Hindi na nagsalita si Jax, pero sobrang saya ko kasi inassume ko na rin na nagseselos siya. I mean, why would he even bring Iñigo up kung hindi naman siya nagseselos? At saka palagi kong kasama sa school? Ibig sabihin ba nun lagi niya akong nakikita? Pero paano kasi hindi ko siya madalas makita sa school!

Ugh! So many questions!

But I felt like I needed to clarify na hindi ko boyfriend si Iñigo. I didn't want Jax to think na may iba akong lalaki kasi I only have eyes for him. Sigurado ako sa kung sino ang gusto ko. Nasa kanya lang lagi ang mga mata ko at kahit wala siya sa harapan ko, siya lang ang hinahanap ko.

"He's not my boyfriend. Ka-bloc ko lang siya," I said in the calmest manner I could muster. I really would hate it if he'd continue to think na I'm with someone tapos hinahabol-habol ko siya. Hindi naman ako ganon.

Jax just nodded. His face didn't show any reaction, but I was happy that I clarified that kasi it's a non-issue naman talaga. Kung magkaka-boyfriend man ako, Juan Alexandro Yuchengco ang pangalan nun...

Play The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now