"sorry.. Masyado akong nagpadala sa emoayon ko." sabi ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya din sa akin. Waaaaah. Namiss ko talaga to. Kaso.. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya ng masama.

"bakit nanaman?" tanong niya habang pilit na hinahawakan ang kamay ko pero inilalayo ko sa kanya.

"sabi mo one week ka lang sa Cebu, bakit umabot nang ganito katagal. Tapos nihindi mo manlang ako tinawagan. Tapos nagpower tripping ka pa nang magsend si Jessie nung picture. Ano ha? Balak mo ba kong patayin kakaisip sayo?! Alam mo ba na halos ilang beses na kong muntik mamatay dahil sa kamamadali ko para lang makarating dito!? Tapos alam mo ba kun------"

Hindi na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong halikan at niyakap ako dahilan para lalo akong mapalapit sa kanya. Nakakainis naman eh. Muli nanamang pumatak ang luha ko kasabay ng pagtugon ko sa halik niya. Maya maya lang ay lumayo ito at humalik sa noo ko. Ngumiti siya sa akin at pinahid ang luha ko. Inalalayan niya akong umupo sa nakaset up na table and chairs. Nakaayos ang lamesa na tila nasa isa kaming fancy restaurant. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"kumain ka muna. Balita ko bihira kang kumain nung wala ako. Or di kaya, puro di masusustansya yung kinakain mo. Nako. Ang hirap mo namang iwan, baka patay kana pagbalik ko." sabi niya at hiniwa yung pork na nasa plato niya inilagay sa kutsara kasama ng kanin at isinubo sa akin.

Kahit kating kati na akong magtanong ay hindi ako nagtanong at kumain muna. Saglit akong nagnanakaw ng tingin sa kanya habang abala siya sa paghiwa ng ulam niya. Namiss ko yung makita yung mukha niya kahit pangit siya. Namiss ko yung presence niya.. T*ngina.

After some time ay natapos din akong kumain. Actually nahuli akong matapos kumain dahil nga panay ang tingin ko sa kanya.. Nang mapansin niyang tapos na akong kumain ay umayos siya ng upo at tumitig sa akin.

"b-bakit?" tanong ko

"wala. Namiss kita." saad niya

Namiss mo pala ako? Eh bakit di ka nagparamdam ng apat na araw? Ang kapal ng mukha mo! Bwiset ka.

Gusto kong sabihin sa kanya yon pero di ko magawa. Ngumiti lang ako sa kanya.

"talaga?" sabi ko sa kanya

"nakakamiss kaya yang buto buto mong katawan haha." sabi niya at tumawa pa.

Ang kapala ng mukha mong tumawa. Buti naman nakakatawa ka pa? Ako kasi busy na alalahanin ka.

Gusto kong sabihin ulit yon sa kanya kaso di ko nanaman masabi pero..

"bakit hindi ka nagparamdam ng apat na araw?" tanong ko sa kanya habang nakangiti kahit na deep inside, parang sinasaksak yung puso ko nang paulit ulit.

Huminga siya ng malalim at ngumiti akala ko sasagutin niya ang tanong ko pero tumayo ito at nagpatugtog ng kanta. Tumugtog ang Somebody ng Boyband PH

Lumapit siya akin at inilahad ang kamay niya..

"please, let's dance." saad niya

Hinawakan ko ang kamay niya at tumayo.. Lumakad kami sa gitna ng kwarto, at inilagay niya yung kamay ko sa balikat niya at inilagay ang kamay niya sa bewang ko at nag-umpisang sumayaw kasabay ng pag-uumpisa ng kanta.

I want somebody to share, share the rest of my life.
Share my innermost thoughts, know my intimate details.
Someone who'll stand by my side and give me support,
And in return she'll get my support.

She will listen to me when I want to speak
About the world we live and life in general
Though my views maybe wrong they may even be perverted,
She will hear me out and won't easily be converted.

Sa di ko malamang dahilan ay muli nanaman akong umiyak. Agad akong tumungo upang hindi niya makita pero tinanggal niya ang kanan niyang kamay sa bewang ko at hinawakan ang baba ko. Itinaas niya ang mukha ko kapantay ng mukha niya. Kitang kita ko sa mata niya ang saya...

"napaka-iyakin mo naman ata." sabi niya at ngumisi.

"shh. Tama na." dagdag niyang sabi at humalik sa noo ko. Napanatag ang loob ko dahil lang sa paghalik niya sa noo ko. Muli naming ipinagpatuloy ang pagsayaw.

To my way of thinking, in fact she'll often disagree.
But at the end of it all she will understand me
Ooooooh somebody (somebody)
Somebody (somebody)
Ooooooh somebody (somebody)
Somebody (somebody)

I want somebody who cares for me passionately,
With every thought and with every breath.
Someone who'll help me see things in a different light,
All the things I detest, I will almost like
I don't wanna be tied to anyone's strings,
I'm carefully trying to steer clear of those things.
But when I'm asleep I want somebody,
Who will put their arms around me and kiss me tenderly.

"Paano kaya kapag wala ako sa tabi mo no?" tanong niya

Napahinto ako sa paggalaw. Feeling ko ito na yon. Tumingin ako sa kanya habang nagtutubig nanaman tong mga mata ko. Pilit kong pinigilan ang pag-iyak at tsaka sumagot..

"hindi ko alam. Iniisip ko palang na mawawala ka parang di ko na maimagine eh." sabi ko at muling tumingin sa baba.

Yumakap siya sa akin at sumayaw kasabay ng kanta...

Though things like this make me sick,
In a case like this I'll get away with it.
I want somebody to share,
(somebody)
For the rest of my life
(somebody)
I want it
I want somebody to share,
(somebody)
For the rest of my life
(somebody)
I want it
I want somebody to share,
(somebody)
For the rest of my life
(somebody)
I want somebody to share,
(somebody)

But when I'm asleep I want somebody,
Who will put their arms around me and kiss me tenderly.
Though things like this make me sick,
In a case like this I'll get away with it.

Ooooooh somebody (somebody)
Somebody (somebody)
Somebody who cares
I want somebody to share,
Somebody (somebody)
Somebody (somebody)
Woah oh-oh-oh-oh-oh-oh

Nang matapos ay humiwalay siya nang pagkakayakap sa akin at lumayo ng tatlong hakbang. Ngumiti siya sa akin bago nagsalita..

"itigil na natin to."

Halos mabingi ako nang marinig ko ang sinabi niya. Paano? Ano? Mariin akong pumikit at humanap ng lakas ng loob para sagutin ang sinabi niya.

"s-sigurado ka na ba dyan?" tanong ko

Ngumiti lang siya sa akin bilang sagot.

Di na napigilan ng sarili ko na tumulo ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.. Dahan dahan itong lumapit hanggang makarating sa harap ko. Huminga siya ng malalim at pinahid ang mga luha ko. Matapos nito ay bigla siyang lumuhod sa harap ko, naglabas ng isang maliit na box at binuksan ito. Tumambad sa akin ang isang gold na singsing na may color blue na sapphire stone sa gitna..

"Gusto kong itigil ang meron tayo ngayon, para mas makapag-umpisa tayo. Artemis Santillian, Will you be my bestfriend, and wife for the rest of our lives?" tanong niya.

Ngumiti ako kasabay ng pagtango ko sa kanya. Di ako makapagsalita dahil sa overwhelming na nararamdaman ko. Tumayo siya at isinuot sa akin ang singsing at niyakap ako.

"I love you so much."  sabi niya sa akin

Tumingin ako sa kanya at ngumiti..

"I love you too. So much." sabi ko sa kanya at ako na mismo ang humalik sa kanya.

Nag-effort pa ko na tumingkayad para lang maabot yung mukha niya. Haha.

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon