Chapter 12: The Offer

3.3K 92 11
                                    

"Let's all welcome, the country's teen superstar, Cade de Vega!"

Pahabol akong huminga ng malalim bago tuluyang magbukas ang screen. Automatic na gumuhit ang isang malawak na ngiti sa aking mukha nang sandaling marinig ko ang sigawan ng mga tao. Mabilis na tumibok ang puso ko sa saya nang salubungin ako ng napakaraming ilaw. Lahat sa akin nakatutok.

Kinakabahan ako, sobrang kinakabahan ako pero masaya ako. Pakiramdam ko kumpleto ako. Pakiramdam ko mahal ako ng mga tao. Pakiramdam ko, ang laya-laya ko, na hindi na ako nagpapanggap at wala na akong tinatago.

"Good evening, Araneta!" Malakas na malakas kong sigaw nang sandaling makarating na ako sa gitna. Sinagot ako ng mga malalakas na sigawan at hiyawan. Sa sobrang lakas, pakiramdam ko ilang sandali lang ay magigiba ang dome. Pakiramdam ko sa sobrang dami ng tao, bibigay ang dome. Pero hindi, lahat sila nandito ako para makita ako. Lahat sila, inaabangan ako. "Kumusta kayo?"

"We love you Cade!"

Natawa ako sa narinig. Malayo sa isinigaw nila ang inaasahan kong sagot. Subalit hindi ako nagrereklamo, "I love you too, guys!" Galak na galak kong sabi sa kanila.

"Titanium! Titanium! Titanium!" Pauli-ulit nilang sigaw kasabay nang pagtaas ng kanilang mga hawak-hawak na glowsticks na kulay white.

You shout it out
But I can't hear a word you say

I'm talking loud not saying much
I'm criticized
But all your bullets ricochet
Shoot me down, but I get up

Napatigil ako nang bigla na lamang may kumanta. Hindi boses ko ang pinatugtog, wala akong ideya kung ano ang mga nangyayari. Kung ano man ang mga nangyayari sa mga oras na ito, hindi sinabi ito ni Direk sa akin.

Lumakas din ang hiyawan sa hindi ko malamang dahilan.

I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away

Napatingin ako sa aking likuran nang mas lumakas ang sigawan at hiwayan sa dome. Pakiramdam ko, tuluyan nang tumigil sa pagtibok ang puso ko. Hindi ko na halos namalayang, hindi na pala ako humihinga.

Xander! Xander! Xander!

Sa amin lang si Xander! User ka Cade! Amin lang si Xander!

Ibinalik ko ang tingin ko sa kaninang mga taong pangalan ko ang masayang isinisigaw. Napailing na lamang ako at hindi na nakapagsalita.

Manggagamit!

Papansin! Pabida! Pasikat!

We hate you!

We despise you!

***

"Cade?"

Napakalayo ng boses na iyon at napakahina. Hindi ko alam kung kanino, "Cade!" Pero palakas ito ng palakas. "Cade! Can you hear me? You have to wake up! Cade!"

Napamulat ako sabay ng mahabang pag-inhale ng hangin. Hingal na hingal kong sinuri ang paligid. Nasa isang kwarto ako. Kulay apple green ang mga kurtina. Kung hindi ako nagkakamali, pang-ospital ang mga ganoon. "Nasan..."

"Cade?!" Tawag muli sa akin ng tinig na narinig ko kanina.

Iniikot ko ang paningin ko, at doon ko na nakita si Xander na nakaupo sa tabi ng kama kung saan ako nakahiga. "Nasa ospital ba ko?"

"No." Sabi niya ng may kasamang pag-iling. "Nasa clinic ka."

Napakunot ang noo ko sa narinig. Pilit kong inalala kung papaano ako nakarating sa clinic gayong sa pagkakatanda ko ay naglilinis lang naman ako ng gym para sa community service ko. "Paano ako nakarating dito?"

Caught In A Scandal With Mr. Matinee IdolWhere stories live. Discover now