(P2)5:Sino?

72 2 0
                                    

6:35 am

Dorm

Kaye Pov

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!"

"Putangina.... "

Napabalikwas ako sa higaan ko dahil sa sigaw na narinig ko mula sa labas, sino ba ang sumigaw ng napakalakas ng Ganito ka-aga?!

Bumaba ako kahit wala akong suot na bra, wapakels na dis basta makita ko lang ang taong sumira ng beauty rest ko.

"Sino ba ang--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita kong sobrang dami ng Tao na nagtatakbuhan palabas ng Gate.

"Oy! Jc anyare?"

Tanong ko kay Jc na naka police Uniform naka duty ba sila or may inaasikaso na naman?! Kung hindi kasi nagkakamali ang Memorya ko ay Isinusuot lang nila ang Uniform nila kapag may Duty or may Mission na naman sila.

"May pinatay sa Rooftop ng Canteen!!Sasama ka?"

Tanong nito sakin habang Tumatakbo, Hinabol ko sya dahil gusto ko ring makita ang Katawan ng Bangkay.

"Grabe mga hayop lang siguro ang makakagawa nun"

"Nakakadiri yung estilo ng pagpatay"

"Kaya nga eh Gusto ko nang sumuka tara na"

Mas binilisan ko ang paghakabang ko baka hindi ko na abutana ng biktima.

"Excuse me..... Excuse me... "

Ang dami talagang tao parang may concert dito ah, Nakipagsiksikan parin ako kahit iba't ibang amoy na ang nalalanghap ko mga 'powers' at iba pa mga bagong Gising talaga.

"Exc--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa nakita ko na ang bangkay at muntik pa kaming naghalikan ng bangkay mabuti sana kung yung nagbubuhat ang 'mahahalikan' ko pero yung bangkay kasi.

"B-Ba't ganyan yan?"-Ako.

"Aba malay nya...."

Tiningnan ko kung sino yung sumagot sakin, Si Kira lang pala ginagawa nito dito? Hindi naman siya Criminology hindi rin naman sya Medical Student at sa pagkakaalam ko Isa Syang Literature Student pareho sila ni J.

"Tss anong ginagawa mo dito?"

"Wala naman, Namamasyal lang ako dito para tingnan ang magandang tanawin na makikita dito"

Wika nya at iniwan ako hahabulin ko pa sana sya kaya lang nakasuot na agad sya sa lipon ng mga tao.

"Haays.... Mardami na naman tayong gagawin mamayang Gabi"

rinig kong sabi ng nasa katabi ko tiningnan ko naman kung sino yun, Sila Mila at Ed lang pala.

"Kaya nga eh paniguradong
lalaki na naman ang mga eyebags ko nito"-ed.

"Yan nga ang problema nating mga Medical Student eh Eyebags lang ang lumalaki samantalang ang Mga Marka natin paliit ng paliit"-Mila.

"Buti nga marka lang yung lumiliit sa inyo kami pati tyansang magkaroon ng Boyfriend pinagkakait pa"

Sabi ko sa kanila, Mahirap talaga ang maging Estudyante ang daming bawal.

"Buti nga Boyfriend lang ang Pinagkait sayo... Hindi Sariling Buhay"

"Huh?"

My killer ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon