(P2)1-AFTER ALL OF THOSE

57 3 0
                                    

(ENJOY GUYS!!😊😊)

Franz Pov

Matapos mangyari ang lahat ng Insidenteng Iyon ay hindi na ako nag balak na pag
pa-enroll sa Isang Public school, ayoko nang maulit pa ang mga Nangyari noon at ayoko nang Balikan pa ang mga Masasaklap na alaala na yun, kaya naman ay binago ko na lahat ng mga bagay na na nakakapag paalala sakin mula sa Nakaraan maging ang Sarili ko ay Binago ko na rin, ayoko nang maging nerd sa mata ng karamihan ayoko nang maging Tahimik sa Loob ng Classroom ayoko nang maging Vice President palagi sa Class Officers dahil kapag nangyari ulit ang mga Bagay na yun, ewan ko nalang kung anong mangyayari sakin.

"Anak!"

"Po?"

"Mal-late ka na sa school mo First day mo pa naman ngayon"

Napabuntong hininga nalang ako bago tingnan ang Sarili ko sa salamin, wala nang Makakapal na Salamin, wala nang Braces, wala nang malalaking Eyebags, hindi na Mahina tingnan at panghuli 'Gwapo'na ako.

Kinuha ko ang bag ko at tiningnan muli ang Sarili sa Salamin for the Last time.

"Ang Gwapo ko talaga"

Tumawa nalang ako sa sarili ko,Ganito ako palagi kapag nalulungkot ako pinapagawa ko yung sarili ko.

"Nasa labas na yung Daddy mo Hinihintay ka na"

Tinanguan ko nalang si Mama at lumabas na ng pinto, Haays! Bagong Taon Bagong mga Kaklase, bagong mga Kaibigan.

"Nak may balak ka pa bang Sumakay o Tatayo ka lang dyan at maghihintay ng UFO?"

"Sasakay na po"

Umupo ako sa Backseat at isinuot ang Headphones ko, tamang tama talaga ang Kanta sa Nararamdaman ko ngayon, namimiss ko na silang lahat kahit sila Zel,J, riv, kahit sila namimiss ko.

Iniisip ko ngayon pano kaya kung Hindi nangyari ang Lahat ng yun? Paano kaya kung Normal lang na Estudyante sila Zel, buhay pa kaya sila? Masaya kaya kaming Lahat ngayon? Magkakasama pa ba kaming lahat ngayon? Aaargh! Ang hirap, ang hirap mabuhay lalo na kapag kailangan mo pa talagang malaman ang lahat Bakit ba kasi ako pa ang Natira? Why does it have to be me? Marami namang tao dyan ah Pwede naman Si Jerome nalang tutal kahit saan naman ilagay yun ayos lang Si Mark Jason dapaat sila nalang ang nabuhay at hindi ako ayoko ko kasi ng Ganito, nahihirapan ako.....Sobra.

"Anak nandito na tayo"

Bumaba na ako ng Kotse at nagpaalam kay dad, Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa bago kong Paaralan.

"Besshie~"

"Namiss kita Mamsh~"

"Oy Pre! Anong Balita?"

"Ewan, 'di ako nanunood ng Tv eh"

"Gago!"

"Bro! Wassup!wassup!"

"O Yeah men! Y'a Have Dollars"

"Yeah!  3 Dollars!"

Nakakainggit,nakakainis, nakakaiyak, nakakainggit kasi Walang bumabati sakin ngayon ng Ganyan, nakakainis kasi naiinggit ako, nakakaiyak kasi parehong pareho sila sa mga kaibigan ko noon,makulit, maingay, maloko, mga gago hampaslupa mga Hindi Marunong Mahiya.

"Ay Sorry!"

"Agh"

May nakabangga sakin at natapunan ako ng kape na dala nya mainit pa yung kape kaya ramdam na ramdam ko yung Hapdi ng natapunan na parte ng Braso ko.

My killer ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon